Tumango ako. "Sang-ayon ako. Wala rin akong ideya kung bakit nila ginagawa ito. Kung bakit ang mga bata pa ang mga ginawa nilang biktima para ibenta."

"Ang tanong, sino ang bibili sa kanila?" segunda pa niya.

Nagbuntong-hininga ako. "Ang totoo niyan, wala akong ideya, Otis." pag-amin ko. Tumingin ako sa kawalan. "Pero, hindi matatapos ang gabi na ito hanggang sa mailigtas ko sila."

"Hayaan mong tutulong ako sa iyo, my rose."

Bahagya akong nagulat sa kaniyang pahayag. "S-sigurado ka ba?"

Tumango siya bilang tugon. "Mas maganda kung pareho tayo ang mag-iimbisitiga sa suliranin ng Cyan. Sa ngayon, hintayin natin ang mga kawani at ang nakakatanda mong kapatid sa labas ng gusali na ito, sa gayon ay madali nila tayo mahanap."

"Mabuti pa nga." saka sabay na kaming naglakad palabas ng gusali.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga inaasahan naming pupunta. Mas lalo pa yata nakahatak ng atensyon ang mga bagong dating. Pero tulad ng nakagawian, binalewala lang nila ang mga tingin ng mga tao sa paligid namin. Nang makita nila ako ay agad din nila ako dinaluhan subalit natigilan sila nang makita nila si Otis na nasa aking tabi. Alam kong magugulat talaga sila dahil naririto ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel. Yumuko sila sa isa't isa. Anyway, hindi talaga dapat 'yon ang patutuunan ng pansin.

"Kuya," tawag ko kay Raegan. Agad ko siya nilapitan. "Patawad, nakatakas sila. At hindi rin sila makahagilap ng aking kapangyarihan."

Tumango si Raegan. Ibinaling na niya sa akin ang kaniyang atensyon. "Naiitindihan ko, Rini." saka idinapo niya ang kaniyang palad sa aking ulo. "Ang importante ay hindi ka napahamak."

"Pero kuya..." hindi ko mapigilang maging malungkot pa.

"Dumito ka muna, Rini. Kakausapin ko lang si Bisconde Stodge para malaman ko pa ang buong detalye."

"Maaari ba akong sumama, kuya?" nakikusap kong saad.

Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo. Sa huli ay sumuko na siya. Wala na siyang magawa pa sa pamamagitan ng pagkawala ng buntong-hininga. And it's because of that, it lift my spirits up, somehow.

Sabay kaming lumapit kay Bisconde Stodge. Sabay silang humarap sa amin saka nagbow para batiin kami. Seryoso kaming tumango ni Raegan sa kanila.

"Kailangan namin ng buo mong pahayag, Bisconde Stodge. Kailangan ay ikwento mo sa amin ang buong pangyayari." wika ni Raegan.

"Pero, mahal na prinsipe. Ang totoo po niyan ay kasama ni Birley ang kaniyang tagapag-alaga nang lumabas kami sa bulwagan ng pagtatanghal dahil abala po kami ng aking esposa sa pakikipag-usap sa iba pang Opisyal." malungkot na pagpapaliwanag niya. "Nakita daw niya kung papaano dinukot si Birley ng dalawang lalaki, sapilitan na kinukuha ang aking anak mula sa kaniya."

Sabay kaming napatingin sa tagapag-alaga na tinutukoy ng bisconde. Isang dalagita. Tulad ni biscondesa, ay kanina pa ito umiiyak.

"Patawarin ninyo po ako sa malaking kasalanan na aking ginawa.... Pakiusap, iligtas po ninyo ang aking buhay... Patawarin ninyo po ako sa malaking kasalanan na aking ginawa.... Pakiusap, iligtas po ninyo ang aking buhay..." paulit-ulit niyang sambit sa mahinang boses, nakaluhod siya habang ikiniskis niya ang kaniyang mga palad sa harap ng biscondesa. Animo'y nagdadasal ito.

Umahon ang awa sa aking sistema para sa dalagita. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin upang lapitan siya. I was unconciously patted her head to comfort her. Ngunit, tila nanigas ako sa kinakatayuan ko nang may nakita akong imahe. Mga imahe na matagal ko nang hinahanap. Matutukoy ko din ang mga lalaki na dumukot kanina kay Birley dahil may nakita akong palatandaan. Ang buong akala ko hinding hindi ko malulutas ang kaso na ito. At ang dalagitang ito ang naging daan para magkaroon kami ng pag-asa na mahanap namin ang mga nawawalang bata. Kaunting panahon nalang at maibabalik na namin sila sa kanilang pamilya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon