Inihiwalay ko ang ulat na 'yon mula sa mga nakacompile na report. Binasa ko ito ng mabuti. "Caldwell, Houstin," tawag ko sa kanila. Binasa ko kung kailan nila nalaman tungkol sa bagay na ito. Naningkit ang mga mata ko na dumating ang ulat na ito noong nasa Thilawiel pa kami.

Agad sila lumipat sa harap ko saka lumuhod.

"Anong proseso ng kaso na ito? Tungkol sa pangangalakal ng mga tao?" seryoso kong tanong sa kanila.

"Ang totoo po, hanggang ngayon ay wala pa rin po kaming nakukuhang bakas kung sino po ang utak nito, mahal na prinsesa. Kung saan po nila dinadala ang mga biktima nila." si Caldwell ang sumagot.

"Apat hanggang sampung kaso po ang natatanggap naming ulat kada araw." dagdag pa ni Houstin.

Tumango ako. Pinitik ko ang sunod na pahinga nito. Binasa ko ang mga pangalan ng mga biktima. Kusang kumunot ang noo ko dahil hindi mga kababaihan ang mga biktima kungdi mga bata. Nakasulat din dito na mula lima hanggang sampung taong gulang ang mga dinudukot. Ang malaking tanong, saan naman nila dadalhin ang mga ito para ibenta ang mga bata? Ano ang rason nila upang ang mga bata ang magiging biktima nila?

Kailangan ko ito mabigyan ng madaliang solusyon.

**

Bago magtanghalian din ay agad ako humiling na makita si Vencel sa kaniyang Opisina para iulat sa kaniya tungkol sa pagdukot sa mga bata para ibenta. Ibigay ko sa kaniya ang dokyumento saka pinag-aralan niya ito nang mabuti. Nasa tabi naman niya si Raegan, nakatayo. Bakas sa mga mukha nila ang pagkabahala. Hindi nila sukat-akalain na may ganitong krimen pala ang umaaligid sa Cyan.

"Kaya mo bang hawakan ang kaso na ito, Rini?" tanong ni Vencel.

"Kaya ko pong hawakan ang kaso na ito, papa. Pero mas maganda po kung bibigyan po kami ng dagdag na suporta." pag-amin ko. "Sa tingin ko po ay hindi lang mga apat hanggang limang tao ang nasasangkot sa krimen na ito. Marami sila."

Napasandal siya sa kaniyang upuan. Malalim ang kaniyang iniisip. Nakatingin lang kami ni Raegan sa kaniya, nag-aabang sa magiging desisyon niya tungkol sa suliranin na ito. "Mas maganda siguro kung sasamahan ka ni Raegan sa operasyon na ito. Sa gayon ay maiiwasan natin ang magiging sakuna, maliit man ito o malaki." kalmado niyang saad.

"Sang-ayon po ako, papa." wika ko. "Sa ngayon po, hinihingi po namin ang bawat testamento ng mga magulang ng mga batang nabiktima. Sa oras na makompleto po namin ang mga ito, agad ko din po ito pag-aaralan."

Tumango siya . "Kung mas maaga, mas maganda." kumento niya. "Raegan, alalayan mo si Rini."

"Naiitindihan ko po, kamahalan." sagot ni Raegan.

"Gagawin ko po ang lahat para mahanap namin ang mga bakas nila." paniniguro ko. Tumayo na ako para maghanda na sa pag-alis dito sa Opisina nang bigla muli nagsalita si Vencel.

"Siya nga pala, Rini."

Agad ako tumingin sa kaniya. "Bakit po, papa?"

Ipinagdikit niya ang kaniyang mga palad saka isinandal niya ang kaniyang baba doon. Mas lalo ako nagtataka kung bakit nagkasalubong na naman ang mga kilay niya. Wala naman siguro ako ginagawang masama. "Nakatanggap ako ng balita mula kay Ginoong Bordel na may lalaking nais kang makita."

Bigla ako ginapangan ng kuryusidad sa aking narinig. Kita ko naman na nawindang si Raegan sa naging pahayag ni Vencel. Kumurap ako ng ilang beses. "Sino daw po ang naghahanap, papa?" inosente kong tanong.

Kulang nalang ay lalabas na ang ugat sa noo niya. "Si Prinsipe Ting Fei, mula sa Dinastiya ng Jian Yu." matigas at mas seryoso niyang sambit.

Natigilan ako nang marinig ko kung sino ang partikular na tao ang naghahanap sa akin. Prinsipe ng Jian Yu? Hinahanap ako? Kung hindi ako nagkakamali, kasali din ang bansa nila noong pyesta ng pangangaso. Pero kahit minsan ay hindi ko pa sila nakakaengkwentro, ni hindi ko nga sila napapansin. "Ano daw po ang kailangan nila sa akin?" sunod kong tanong. Hindi ko inaasahan na hahanapin nila ako.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon