Pero kusang tumigil ako sa paglalakad nang may nahagip ng aking paningin. Isang gusali. Halos kasing laki niya ang Palasyo dahil sa lawak nito. Dahil may araw pa, tingin ko ay yari ito sa salamin! Bigla ako ginapangan ng excitement sa katawan. Pero bago ko puntahan 'yon, kailangan ko muna malaman kung nasaan ang aming silid. Medyo nadala na ako nang naligaw ako sa Palasyo ng Oloisean.

**

Tumigil kami sa magiging silid ko. Hindi na tulad na dati na bata pa ako na makakasama ko sa pagtulog si Vencel. Ang awkward naman sa pagitan naming dalawa kung mananatili na ganoon ang set up. Agad lumapit sa akin si Nesta upang tanggalin ang aking winter coat saka isinabit niya 'yon sa kaniyang braso. Pinag-aralan ko nang mabuti ang silid na ito. Tulad ng nakikita ko sa kuwarto ni Otis, kakaunti lang din ang kagamitan na meron dito. Well, I understand this is a guest room. But the more I learn about this room, I feel warm. Daig mo pang may heater dito. Maybe it's because of the mana stone as the decoration on the walls. Lihim ako napangiti, how hospitable they are for their guest.

"Sana ay maging komportable po kayo habang kayo'y nananatili dito, kamahalan, Prinsesa Styriniana ng Cyan." magalang na sambit ng isa sa mga mayordomo ni Emperador Audrick. "Kung may kailangan po kayo, huwag po kayo mag-atubiling sabihin sa amin upang matugunan po namin ang inyong inaasahan."

"Maraming salamat... Pero,"

Tumingin sa akin ang mayordomo. Inaabangan ang sunod kong sasabihin.

"Maaari ko bang maitanong kung hardin ba ang nilalaman ng gusali na 'yon?" ang tinutuloy ko ay 'yong nakita ko kanina habang hinahatid kami sa mga silid panaunhin. "Ayos lang din naman kung hindi ninyo maaaring sagutin."

Tumikhim siya at bumalik siya sa pagiging pormal niyang ekspresyon. Bahagya siyang yumuko saka sumagot. "Opo, kamahalan. Hardin po ang nilalaman ng lugar na po 'yan."

I knew it. "Kung ganoon, maaari ko ba ito... Bisitahin?" maingat kong itanong 'yon. Baka kasi mamaya hindi pala pwede. Mahirap na. Bisita pa man din ako.

"Wala pong problema kung bisitahin ninyo ang hardin ng Palasyo, kamahalan. Anumang oras ay mananatili po 'yon bukas."

Tumango ako, naiitindihan ko na. Pupwede pala ako pumunta doon anumang oras hangga't naririto ako sa Thilawiel. "May isa pa pala akong katanungan,"

"Ano po 'yon? Ikinalulugod ko pong sagutin ang inyong katanungan."

Itinagilid ko nang kaunti ang aking ulo. "Gusto ko malaman kung nasaan ang unang prinsipe sa mga oras na ito? Pansin ko, hindi ko siya kasama sa pagsalubong nang nakarating kami dito."

"Kung tungkol po ito sa unang prinsipe, kasalukuyan po siyang nasa hardin. Sa katunayan po ay ibinilin po niya sa akin na sabihin sa inyo na puntahan ninyo po siya sa hardin sa oras na makarating po kayo. Kasama din po niya doon ang prinsipe mula sa Oloisean at ang prinsipe ng Severassi." sambit niya.

Umawang ang aking bibig nang marinig ko ang balita na narito na pala sina Dilston at Calevi. Ibig sabihin, nauna na pala sila dumating kaysa sa amin? Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. "Maraming salamat sa pagsagot ng aking katanungan, Ginoo. Maaari ka nang makabalik sa iyong trabaho."

Muli siya nagbow sa akin bago niya nilisan ang silid na ito. Sunod kong binalingan ay si Nesta na nanatiling nakatayo na hindi kalayuan sa akin. Abala siya sa pag-aayos ng aking maleta. "Nesta," marahan kong tawag sa kaniya nang nilapitan ko siya. Tumigil siya sa kaniyang ginawa saka humarap sa akin. "Aalis muna ako, inaasahan na pala ng tatlong prinsipe ang aking pagdating. Kung sakali magtanong si papa, alam mo na ang isasagot mo, ha?"

Ngumiti siyang tumango. "Opo, mahal na prinsesa."

Kinuha ko na ang winter coat na nakasabit. Ako an ang nagsuot nito. "Salamat, Nesta." pahabol ko pa bago ako tuluyang nakalabas ng silid-pampanauhin.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon