Kumawala ako ng buntong-hininga. "Sa ngayon, bumawi muna tayo ng lakas." nilapitan ko kung nasaan ang mag inumin namin. Binuksan ko 'yon saka lumingon sa kanila. "Dahil sasabak ulit tayo. Mag-uumpisa palang ang totoong laban."

Napangiti sila sa sinabi ko. Nilapitan din nila ang mga inumin saka sinimula na nilang inumin ang mga iyon. Umupo si Ceola ang malaking bato saka uminom. Pagkatapos kong inumin ang tubig ay nagpameywang ako saka tumingala. Natatanaw ko pa rin ang score board. Tinitingnan ko kung ano nang balita sa mga pangkat nina Otis, Dilston at Calevi. Ano na ang lagay nila?

**

Tulad ng ginawa ni Rini ay ganoon din ang ginawa ni Calevi. Dahil kilala ang mga Severassian sa pagpatay mula s malayuan, tatlo sa pangkat niya ay mga pumapana. Samantala ang dalawa naman sa myembro niya ay mga marunong makipaglaban mula sa malapitan. Pero siya ay kaya niyang makipaglaban malayuan man o malapitan, iyon ay dahil sa tulong na rin ng pag-aaral niya sa Albelin. Kaya gagamitin niya kung ano ang mga natutunan niya sa Unibersidad mula sa pakikipaglaban hanggang sa paggamit niya ng mahika. Ayaw niyang balewala ang ilang taon na 'yon sa wala. Lalo na't siya na ang hinirang bilang prinsipe na  tagapagmana ng Severassi, gusto niyang patunayan na karapat-dapat nga siya.

Pinakawalan niya ang palaso, tagumpay niyang tinamaan ang noo ng ogre na nakaengkwentro nila. Sinundan pa ito ng pagsugod ng eskrimador niyang kamyembro.

Natumba ang ogre sa lupa. Agad siyang tumalon sa lupa mula sa kinakatayuan niyang makapal na sanga ng puno. Nilapitan niya ang mga kasamahan niya. Marahan niyang tinapik ang mga likod nito bilang pagpuri niya sa mga ito. Ngumiti ang mga ito sa kaniya.

"Umusad na tayo." may bakas na pammuno sa kaniyang tinig. "Hindi tayo maaari magpaiwan, sa ngalan ng Imperyo ng Severassi."

"Opo, kamahalan." matigas at pormal na tugon ng mga ito sa kaniya.

Siya ang unang naglakad. Muli siya lumarga upang ipagpatuloy nilang suyurin ang kagubatan. Na may ngisi sa kaniyang mga labi. Tila nabubuhayan na siya ng dugo sa ginagawa niya.

**

Isang pagsabog naman ang naganap sa patre ng isla. Seryosong ginamit ni Dilston ang kaniyang mahikang opensa para patayin ang mga grupo ng gremlims. Gayundin ang mga kasamahan niya. Mahina man siya sa humawak ng mga sandata at makipaglaban ng pisikal, tulad ni Ceola, pinakadalubhasa si Dilston pagdating sa paggamit ng mahika, halos kabisado na niya ang bawat opensa at depensa ng hangin na kaniyang katangian. Simula bata palang siya ay mas gusto niyang pag-aralan ang mahika. Ang magandang balita ay sinuportahan siya ng kaniyang mga magulang: Ang Emperador at Emperatris ng Oloisean.

"Kamahalan! Isang demonyo!" malakas na wika ng isa sa mga kasamahan niya.

Kunot-noo niyang nilingunan ang pinanggalingan na tinutukoy ng kaniyang kasama. Laking gulat niya nang makita niya ang isang sa mga pinakakamalakas na demonyo na nasa listahan. Ang banshee. Hindi niya inaasahan na makakaengkwentro niya ito sa ganitong pagkakataon!

Alam niya kung anong kahinaan nito pero wala siya n'on. Hindi niya dala...

Pagewang-gewang na lumapit ito sa kanila. Nang tumigil ito ay matalim itong tumingin sa kanila. Yumuko ito nang kaunti ngunit hindi matanggal ang nito sa kanila saka ibinuka ang bibig nito. Nag-umpisa na itong sumigaw---it's a scream of death!

"Takpan ang mga tainga ninyo!" malakas niyang utos sa mga kasamahan.

Sinunod siya ng mga ito. Ngiwing tiningnan ni Dilston ang kinaroroonan ng Banshee na kaharap. He feels frustrated. Sa ganitong pagkakataon pa sila mahihirapan. Gusto niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan ay hindi niya magawa dahil hindi siya makakagamit ng mahikang opensa kung hindi niya rin gagamitin ang kaniyang mga kamay!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon