"Sige, Prinsesa Styriniana, papakinggan ko."

Okay, this is my chance!

"Kung hindi ninyo po mamasamain, una, nais ko pong sanayin pa si Ginoo Houstin para mas makita at lumakas pa ang kaniyang potensyal sa pakikipaglaban, kinakailangan po namin ng kagamitan para lang po sa kaniya. Pangalawa po, nais ko din po manirahan at manatili ang ginoo bilang aking kawani. Pangatlo, nais ko pong bumuo ng sarili kong hukbo. Hindi lang po para sa gaganaping Pyesta, kungdi dagdag-suporta ng Cyan sa tuwing haharap po ito sa isang malaking digmaan. Naniniwala po ako na hindi po kayo magsisisi kung pagbibigyan ninyo ang aking hinihiling."

"R-Rini..." hindi makapaniwalang tawag nila sa akin. "Huwag mong sabihing..."

Marahan akong dumilat saka seryosong tumingala sa kanila. "Tama po ang inyong iniisip, mga kamahalan."

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Alam ko na mahirap para sa akin na pagbigyan nila ang pangatlo kong hinihiling. Hindi lang dahil na nag-iisa akong prinsesa ng Cyan, kungdi nag-aalala sila para sa akin. Pero ito ang gusto ko, ito ang kagustuhan ko. Kaya nagsusumikap ako mag-aral ng husto, not only mentally, also physically. Ayokong makulong lang ako sa loob ng Palasyo at walang gagawin. At ayoko din na maghintay sa pagbabalik nila sa tuwing haharap sila sa isang malaking digmaan na makakadagdag impluwesya ng Imperyo.

"Patawad, aming Prinsesa... Ngunit, hindi ko alam kung masasang-ayunan ko ang pangatlo mong hiling." wika ni Vencel.

As expected.

"Kaya kita pinayagan na lumahok sa Pyesta ng Pangangaso ay dahil sa paliwanag mo na gusto mong makita kung anong bunga ng iyong pinaghirapan sa loob ng labing isang taon. Pero... Ang hilingin mo na gusto mo din sumabak bilang mandirigma, ibang usapan na ito."

Lihim ko kinagat ang aking mga labi. Kinuyom ko ang aking mga kamao. "N-naiitindihan ko po, mga kamahalan." muli ako tumingin sa kaniya, sinuot ko ang isang pekeng ngiti, para matakpan kung ano talaga ang nararamdaman ko. "H-hayaan ninyo na po, mga kamahalan. Nagbabakasakali lang po ako kung ako'y mapapayagan ninyo."

Nagtapos ang pag-uusap namin na may bigat sa aking dibdib.

Tahimik akong nakahiga sa damuhan. Ginagaw akong unan ang aking mga braso. Malinis at malamig ang simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Nagawa kong titigan ang asul na kalangitan. Hindi ko maitago ang kalungkutan sa aking sistema. Ito ang unang beses na nadsimaya ako sa naging desisyon ni Vencel. Dahil ba sa nasanay ako na palagi akong pinagbibigyan? Hindi kaya inaabuso ko na ito? I didn't mean to be spoiled brat pero maganda naman ang intensyon ko kung bakit gusto kong bumuo ng sarili kong Knight Order. Sadyang ayoko lang nakatunganga at walang gagawin. Gusto ko lang maachieve din ang goal ko noon na gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko ang mga Eryndor. Hinding hindi ako makakapayag na maagaw nang tuluyan ang Cyan sa mga magiging kalaban kung sakali.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Sana sa pagmulat ko, mawawala na kahit papaano ang bigat at dismaya na aking nararamdaman.

**

Sa hindi kalayuan, bakas din sa mukha nina Cederic, Ceola, Caldwell ang kalungkutan at pag-aalala para kay Rini. Umabot na rin kasi sa kanila ang balita. Si Houstin naman ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya, lalo na't baguhan palang siya sa Palasyo ng Cyan. Hindi niya gamay kung anong mga klaseng tao ang naririto.

"Ito ang unang beses na nadismaya siya." malungkot na wika ni Cederic, nakasandal ang isa niyang braso sa puno kung nasaan sila ngayon.

Yumuko si Ceola. "Hindi po ako sanay na ganyan siya, Kamahalan. Nasanay po ako na palagi siyang positibo at masiyahin. Kahit na minsan ay bumabagsak siya sa pagsusulit ukol sa akademiko, nagagawa parin niyang tawanan ito. Pero ito... "

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon