Prologue : 00:00

5.2K 78 6
                                    

"Don't think too much."



Napatingin ang babae sa kakambal niya. Nakaupo ito sa gilid niya 'di rin kalayuan sa kaniya habang may blangkong tingin sa selda kung saan sila nakakulong.



"Ate... tungkol sa napag-usapan natin. Sigurado kana ba? Paano kung mahuli nila tayo?" tanong niya sa kakambal na halos bulong nalang dahil sa mga nakabantay sa kanila.



"Malamang, mahuhuli talaga tayo kung magpapahuli tayo kaya nga palihim tayo na aalis. Dapat nilang malaman kung sino ba talagang kinakalaban nila." Tumayo ito at nag-lakad papunta sa kaniya nang makitang nag
sisimulang manubig nanaman ang mata niya.



Ba-bakit sila humantong sa ganitong sitwasiyon?



Iniangat nito ang nakayuko niyang ulo kasabay ng tuluyang pag lagaslas ng luhang kanina pa niya pinipigilan. Marahang hinaplos nito ang basa niyang pisnge.



"May tiwala ka kay ate diba?" Tumango naman s'ya. "Tatakas tayo... itatakas kita. Kunting tiis nalang makakalaya na rin tayo," mahinang ani nito sa kaniya.



Nasa gitna sila ng pag-uusap nang may nag bukas ng selda. Sa harap noon nakatayo ang lalaking hindi niya inaasahang makita. Ang malamig nitong mata at blangkong mukha ay nakatingin sa kan'ya, gusto niya itong yakapin ngunit baka gawin lang ulit nito ang ginawa nito kanina.



Katakatakang hindi ito sinuway ng mga bantay gayong pinagbawalan ang lahat na bisitahin sila ni silipin man lang. Pero naalala niya ang kaya nitong gawin, kaya nitong pumuslit ng hindi nalalaman ng iba.



"What are you doing here?" sambit ng kakambal niya at bahagyang humakbang ng isang beses.



Napayuko nalang siya, alam niyang galit ito sa kan'ya ngunit wala s'yang magagawa kundi manahimik. Ang mapagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa ay talagang masakit at mabigat sa pakiramdam.



"Leave this Academy. Don't show yourself here." Iniangat niya ang ulo niya para malaman kung sinong kausap nito.



Mabilis na rumihestro ang sakit sa mga mata niya nang nakatitig ito sa kaniya bago sila talikuran at nakapamulsang naglakad palabas nitong selda.



Gusto siya nitong paalisin... gusto siya nitong umalis para hindi na makita. How would we ended up here?



After that scenario, I never thought we will ended up running as the academy rang their alarm. Council chasing at us throwing their dangerous ability. Academy staged us as a villains.

A/N

Hi, pa-pangunahan ko na kayo, hindi ako perpekto kaya pasensya sa mga wrong grammar o iba pang mali na makikita niyo sa stories ko.

Disclaimer

This is a work of fiction: All Characters are fictional and don't exist, at all. The events, places, names, business, etc. are from the authors' imagination. Any resemblance to the real people, places, events, living or even dead is purely coincidental.

All rights reserved.
©2021

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα