"Ilang oras ka nasa ganyan posisyon?" tanong ko.

Tumingala siya sa akin. "Tingin ko, mahigit tatlumpung minuto, Prinsesa Rini." mahina siyang tumawa. Mukhang narealized niya kung bakit kami naparito. "Bakit ka nga po pala napadpad dito?"

Dahil sa binanggit niya 'yan ay lumapad ang ngisi ko. "Alam mo na, Ceola."

Natigilan siya sa naging sagot ko. Inalis niya ang kaniyang tingin mula sa akin saka huminga ng malalim. Tingin ko ay nakuha nga niya ang ibig kong sabihin. Tumayo na siya saka itinapat niya ang kaniyang palad sa pader ng silid. Umiilaw ang kaniyang palad hanggang sa nagkaroon ng portal sa ere. Lumapad ang ngiti ko. Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit at pumasok doon.

**

Tuwang-tuwa kong pinagmasdan ang kapaligiran ko. Finally, namiss ko din ang Kapitolyo. Nakasunod lang sa akin sina Ceola at Caldwell. Alam nina Vencel at ng mga kapatid ko na nakakalabas na ako ng Palasyo pero ang kondisyon na ibinigay sa akin ay huwag na huwag ko daw ipapahalata na prinsesa ako. Malaki ang tulong ang magic ni Coela. Nagagawa niyang ibahin ang kulay ng mga buhok namin, pati na din ang kulay ng aking mga mata kaya hindi na ako mamomoblema sa paggawa ng contact lense.

Sa tuwing talaga nakakalabas ako ng Palasyo ay daig ko talagang nakawala sa hawla. Mabilis na akong nakalapit sa isang tindahan. Namiss ko ang Bake Shop na una kong binilhan ng chocolate cake. Mukhang nag-improve din ang stamina nila dahil sa tuwing na lalabas kami ay hindi nila maiwasan na habulin ako dahil sa pag-aalala. Nakakatuwa lang sapagkat nagawa nilang makisabay sa akin!

"Magandang umaga!" malakas kong bati ko nang tumuntong ako sa loob ng Bake Shop.

"Magandang umaga din po, Binibini." masaya at nakangiting balik-bati sa akin ng kahera. Mabuti nalang, siya pa rin ang kahera na 'yon.

"Ganoon pa rin po!" masigla kong sabi.

"Ganoon din ba sa mga kasamahan mo, Binibini?" tanong niya.

"Opo!"

"Sige, maghintay muna kayo sa mesa at ihahatid ko nalang."

"Maraming salamat po!" nilapitan ko ang isang mesa. Hinila ko ang isang silya at umupo. Sumunod sina Ceola at Caldwell. Hindi ko mapigilang pumalakpak. "Hindi na ako makapaghintay na matikman ulit 'yon." kinikilig kong sambit.

Mahinang tumawa si Ceola, nakangiti naman si Caldwell. "Masaya kami dahil nakikita din namin ang matatamis mong ngiti, Prinse---Ay, ibig kong sabihin, Binibining... Rini." sadyang hininaan ni Ceola ang pagbigkas sa pangalan ko dahil kasama sa rules namin 'yon sa tuwing lalabas kami.

"Siya nga po pala, Binibining... Rini..." hininaan din ni Caldwell ang pagbanggit sa aking pangalan. Bumaling ako sa kaniya. May inilabas siyang makapal at malapad na papel mula sa kaniyang coat. Inabot niya ito sa akin. "Kung interisado po kayo sa balita tungkol sa Prinsipe ng Severassi."

Pagkarinig ko lang tungkol kay Calevi ay agad kong tinanggap ang pahayagan. Binasa ko ang headline. Napatitig ako nang matagal. Binasa ko nang mabuti kung ano ang nakasaad sa newspaper. Unit-unting umawang ang aking bibig nang mabasa ko na nagawang bumalik ni Calevi sa Severassi! Bumalik ang Prinsipe para kunin ang karapatan niya para sa trono. Dagdag pa, nakaligtas ang kaniyang ama bilang bihag mula sa kaniyang madrasta. Nagdiriwang ang buong Severassi. Daig pa na isang bayani ang pagbabalik ni Calevi. Hindi rin pala naging maganda ang pamamalakad ng kaniyang half-brother. Ang mas nakakatuwang balita pa ay tinanggal na ng Emperador ng Severassi ang karapatan ng kaniyang mistress at ang anak niya dito mula sa pagiging maharlika nito. Pinatawan niya ng matindi at mabigat na parusa ang mga ito dahil sa pang-aapi kay Calevi, lalo na't may kinalaman ang mag ito sa pagpaslang sa dating crown prince, ang nakakatandang kapatid ni Calevi na si Prinsipe Callen Levanadel. Ngayon ay itinanghal nang tagapagmana si Calevi para manahin ang korona at trono bilang susunod na Emperador balang araw.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon