"May napili na po ba kayo, Binibini?" nakangiting tanong sa akin ng babae, siya siguro ang kahera.

Bago man ako sumagot ay pumili muna ako ng cake. Aha! "Ito po sana." sabay turo ko sa chocolate cake. "Dito ko na kakainin, ha?"

"Sige po, Binibini." nakangiti siyang sabi saka kumuha na siya ng isang hiwa ng chocolate cake.

Nagbayad na ako saka inabot ko ang cake. Ipinatong ko ang plato sa mesa. Umupo ako sa isa sa mga silya. Excited na akong kainin ang binili kong cake. Kinikilig ako nang matikman ko ang lasa. Ang sarap! Namiss ko ang mga ganitong pagkain habang nasa dating mundo palang ako.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako sa naturang Bake Shop. Muli ako gumala. Oh, I love the Capitol. I never though I could feel like this! Nag-enjoy ako nang sobra kahit mag-isa lang ako napunta dito.

Sunod ko pinuntahan ay ang pinakasadya ko. Isang Book Shop. Itinulak ko ang pinto. Wala masyadong tao. Maliban lang sa isang lalaki na abala sa pag-aayos ng mga libro sa mga bookshelf. Lumabi akong tinungo ang mga bookshelf. Hinahanap ko ang mga sadya kong mga libro.

I need a magic book. Ilang taon ko na din pinapraktis ito pero puro sablay lang ang nangyayari so I need more knowledge for how to use this. Kung ano ba ang mga dapat kong gawin para ma-enhance ko pa ang skills ko na ito.

Ang ending, wala akong makita. Puro mga element magic lang ang nakikita ko. More in romance and history books din pala ang meron sa Book Store. Medyo nadismaya naman ako pero hindi bale, baka hindi lang ito ang Book Store sa Kapitolyo. Baka may iba pa.

Dahil sa paggagala ko ay hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating. Napansin ko na madalang na ang mga tao dito. Tumigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Umawang ang aking bibig nang makita ko na puros mga eskinita ang mga naririto. May mga madilim na bahagi ng lugar na ito. Sa tingin ko din kasi ay wala naman akong makikitang Book Shop dito dahil mukhang wala na ako sa Kabihasnan. Sa paningin ko ay puro mga tirahan na ang mga naririto. Apartment or Inn, mga ganoon. Hayys, so it's time to go home.

Maglalakad na sana ako pabalik nang matigilan ako nang may narinig akong ingay sa bandang kanan ko. Sinundan ko 'yon ng tingin. Kusang kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay bayolente ang nariirnig kong salita sa bandang direksyon na 'yon?

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sundan ko pa ang pinanggalingan ng tunog at mga boses na 'yon. Isinuot ko ang balabal sa aking ulo. Napalunok ako habang maingat kong nilalapitan 'yon. Marahan na dumapo ang isang palad ko sa pader. Dahan-dahan at sinisiguro ko na hindi ako makakalikha ng ingay habang nilalapitan ko ang lugar na 'yon. Habang palapit ako nang palapit ay siya naman palakas nang palakas ang tunog. Nagpasya ko nang tumigil. Isinandal ko ang aking likod sa pader. Sumilip ako nang kaunti.

"Ugh!"

Lumipad ang aking palad sa aking bibig nang suminghap ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang mga binatilyo na may sinasaktan sila. Lumipat ang tingin ko sa tao na sinasaktan nila. Ini-kurba niya ang kaniyang katawan kahit na yakap-yakap niya ito upang protektahan ang kaniyang sarili. Rinig ko pa na inuulanan nila ng mura ang biktima nila. Nasaksihan ko pa na dinuduraan pa nila ito na labis ko pa ikinagulat!

Nang nakuntento na sila ay nilayasan na nila ito. Naiwan nilang nakahandusay ang lalaki na punung-puno na ng sugat ang katawan. Tumingin ako sa mga lalaki, tuluyan na silang nakaalis. Doon ako naglakas-loob na lapitan ang lalaki na naiwan. Napalunok ako ulit.

"A-ayos ka lang ba?" mahina kong tanong sa kaniya.

Bigo ako makakuha ng sagot. Umahon ang kaba sa aking sistema.

Sinubukan ko siyang galawin hanggang sa masilayan ko ang kaniyang mukha. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kahit ang mukha niya ay may sugat na't putok pa ang labi! Sariwa pa ang dugo sa kaniyang bibig! Umawang ang aking bibig. Teka, pamilyar sa akin ang lalaking ito. Teka, sino nga ba siya ulit?!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon