Lara: More Than Friends

3 5 0
                                    

*** And you deserve the sun out there ***

"Mr. William called earlier. The company would like to know of your plan. They want you to go back and settle there permanently," sabi ni Ree habang kumakain kami ng lunch.

Wala talaga siyang pinapalagpas na oras. Wala akong takas sa kaniya. Naputol tuloy ang imagination ko. "I don't know. I have not yet decided on it."

Hindi na niya ako kinulit pagkasagot ko noon kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

Nasa New York na kasi ang buhay ko. May bookshop na ako doon, may bahay na din. Gusto ko nga dalhin sila Mama sa New York pero ayaw nila. Gusto daw nila magstay sa La Union kaya pinagawan ko na lang sila ng panibagong bahay doon. Kasama na nila sila Ate dahil malungkot daw kapag silang dalawa lang ni Papa. Sinisisi pa ako dahil ang laki daw ng pinagawa ko.

Isa lang naman ang iniintay ko para makapag- decide.

Hindi pa kami nagkikita ulit ni Minho. Last na kita namin ay iyong sa rooftop. Hindi din kami nagkausap ng maayos dahil biglang dumating si Ron. Sinusundo na ang anak niya.

Akala ko pagkakita ko sa batang karga ni Minho nang lumapit siya sa amin ni Mr. Kim ay anak nila ni Nessi. Nakita ko din kasing karga ni Nessi ang batang iyon sa counter. Natawa ako sa sarili ko. Anak pala ni Ron.

Naging busy na din kasi ako sa pagsusulat. Mukhang wala talaga sa vocabulary ng isang Lara Astra Mendez ang pahinga. Mukhang naaadik na din kasi ako sa pagsusulat. Once may pumasok na idea hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nagagawan iyon ng story. Kaya din ako may migraine dahil lagi na lang akong nakakulong sa room, nagsusulat. Sumasakit ang ulo ko kapag biglang sobrang liwanag ng paligid.

Pagkatapos naming maglunch ay nagdiretso na kami kaagad sa publishing company nila Chris dahil may meeting daw para idiscuss ang book project ko.

Nasimulan ko na din naman ang pagsusulat. May mga kailangan lang ako i- research kaya magcoconsult ako sa mga historians dito. Baka bumalik din ako ng school namin para kamustahin si Sir Damian na adviser ko noong college. Ang laki ng utang ko sa kaniya. Kaya ko na siyang bigyan ng maraming bookmarks.

Pumasok na kami ng meeting room. Nandoon na silang lahat, kami na lang ang iniintay nila.

"The book would attract more readers if you add romance to it," sabi ng isang stockholder.

"I'll take note of that. If the story necessitates one, then I'll write it, if not then I'm sorry. I don't want my art to get dirty," makahulugang sagot ko dahil alam ko namang hindi romance ang sinasabi niya.

Pagkatapos ng meeting ay nag- aya na naman si Mr. Kim na kumain. Lagi niyang linya iyon. Medyo late na din natapos ang meeting dahil ang dami nilang demand. May bukas pa kayang restau? Malapit na kasing mag- 9 pm.

Nagulat ako nang biglang sabihin ni Mr. Kim na sa restau na lang daw ni Minho kaya pinilit ko siya na isama namin sila Chris at Ree. Ayokong makita na naman ni Minho kaming dalawa at sabihing date iyon.

Hindi pa namin napag- uusapan ang relasyon namin pero hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko lang alam kung tatanggapin niya pa ako. Lalo na ngayon na naging mas busy pa ako. Pero hindi gaya dati, siya na ang pipiliin ko.

Pagkadating namin ng restau ay madami pa ding tao kahit malapit na magsara ito. Sa second floor kami nakahanap ng table. Mas maganda ang view dito dahil gabi na at glass ang wall ng restau. Magkatabi kami ni Ree, katapat ko naman si Mr. Kim at malapit sa wall sila Ree at Chris.

Inilibot ko ang paningin ko sa second floor. Sobrang dami kong memories dito. Muntik pa akong maiyak nang magflashback iyon lahat sa akin. Naging parte na ng buhay ko itong restau.

" I don't eat spicy," may diing sabi ni Ree habang tumitingin sa menu.

Isinara ko na ang menu dahil alam ko naman na ang order ko. "Spicy Ramyeon sa akin," nakangiting sabi ko sa waitress.

Napansin kong kanina niya pa ako tinitingnan at ang ganda ng mga ngiti niya.

"You read my books," sabi ko sa kanya.

Lumaki ang mga mata niya at mas ngumiti pa siya sa akin. "Fan po ako," tuwang- tuwang sabi niya.

Nahiya naman ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya at sinabing, "Thanks."

Umorder na din ang mga kasama ko at dumating din naman agad iyon.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Minho pero hindi ko siya makita. Hanggang sa lumabas ng kitchen si Nessi. Mukhang sa second floor siya ng kitchen nagluluto. Lumapit siya sa akin kaagad nang makita niya ako.

"Lara!" gulat na bati niya sa akin saka lumapit at yumakap.

Wala naman masyadong ipinagbago si Nessi maliban sa short hair niya.

"Si Nessi, Nessi, si Mr. Kim, Ree at Chris," pagpapakilala ko sa kanila.

Ngumiti naman si Nessi sa kanila at nag- Hi.

"Yeah, I know her," mapait na sabi ni Mr. Kim saka nagpatuloy sa pagkain.

Inirapan lang siya ni Nessi.

Kunot noo ko silang tiningnang dalawa pero hindi sila umimik kaya hindi ko na lang pinansin.

"Nasaan nga pala si Minho?" nahihiyang tanong ko bago pa siya makaalis.

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at mukha na siyang iiyak.

"Babalik din 'yon. Huwag ka na malungkot. May cooking show kasi siya sa Manila," mahinang sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko malaman kung anong ginagawa niya.

Pagkabitaw niya ng kamay ko ay tumawa siya saka kami tinalikuran. Anong nangyayari sa kaniya? Tuluyan na siyang binaliw ni Joe. Napailing na lang ako at saka bumalik na sa pagkaka- upo para kumain.

Tahimik lang kaming kumakain nang magsalita si Mr. Kim. "How did you know Chef Minho?"

Saglit akong napatigil sa pagkain at nag- isip nang isasagot sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Mr. Kim. Ano ba kami? Hindi ko alam.

"We're friends," maikling sagot ko saka kumain ulit pero may biglang humawak sa balikat ko kaya napalingon ako doon.

"We're more than friends."

Nai- angat ko ang paningin kay Minho dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin at niyuko ako. Napakapit ako ng mahigpit sa kutsara ko nang halikan niya ako sa pisngi saka sinabing "Wear this to church tomorrow."

Napatingin naman ako sa box na inilagay niya malapit sa plate ko.

Umalis na din siya kaagad at naglakad papuntang counter sabay pumasok ng kitchen.

Pagkalis niya ay binuksan ko ang maliit na box, silver hair clip pala na may maliliit na stars na design. Akala ko singsing. Mabilis ko naman iyong itinago sa bag ko saka nagpatuloy sa pagkain.

Rinig ko ang pagtawa ni Chris pero hindi ko siya pinansin. Sa plate ko lang ako nakatingin. Hindi rin ako makatingin sa kanila dahil sa hiya. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang pula na ng mukha ko. Ang bilis na din nang tibok ng puso ko. Hindi na ako makahinga.

"Maybe you can ask Minho to teach you some romance," rinig kong sabi ni Chris, tinawanan pa ako.

Napapikit ako sa inis. Nakakahiya. Bakit kailangan niya pang gawin 'yon? Ibig bang sabihin no'n kami na ulit? Napakagat ako sa labi ko.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now