Minho: Be With You

2 4 0
                                    

"Congrats, Park Minho and Lara Astra Mendez!" sabay- sabay na sigaw ng mga kasamahan namin saka binuksan ni Kuya Rem ang bote ng champagne.

Sa Restau kami nagcelebrate after ng graduation namin ni Lara. Kumpleto ang pamilya ni Lara pati na din ang pamilya ko. Ipinasara muna namin ang restau dahil madami din kaming bisita. Nandito din mga tropa ko at sila Sofia.

"Naks, Chef Minho!" sabay upo ni Sofia sa upuang nasa kaliwa ko, sa kanan ko si Lara. "Congrats sa inyo," sabi niya pa saka inilapag sa harapan namin ang isang frame na nakabalot sa brown na papel at nakaribbon.

Kinuha ko iyon at saka naguguluhang tiningnan si Sofia.

"Sinabi niyo kasing nakakaiyak ang painting ko," nakangusong sabi niya. "Ipinaint ko iyan habang masaya ako kaya 'yan na ipalit niyo doon," sabay turo ng painting malapit sa dulo ng counter.

Nagkatinginan kami ni Lara saka binuksan ang painting.

"Whoa," manghang- manghang sabi ko sa kanya.

Tahimik naman si Larang nakatingin doon.

Nakapamewang si Sofia sa tabi namin at taas noong tinanggap lahat ng papuri sa kaniya.

Isa iyong painting ng Milky Way na violet ang nangingibabaw na kulay. Halos parehas lang sa unang painting niya pero this time may silhouette ng dalawang taong pinapanood ang night sky. Nakaakbay ang lalaki sa babae habang nakasandal naman ang ulo ng babae sa balikat nito. Naalala ko tuloy ang pagpunta namin ni Lara sa Atok para sa Northern Blossom Flower Farm.

Agad akong tumayo para palitan ang painting.

"Mas bagay 'to, Sofia," tuwang- tuwang sabi ko kay Sofia pagkatapos ipalit iyon.

Pumalakpak pa si Sofia. Akala ko sasamahan ako ni Lara sa pagtakid pero nakaupo lang siya doon, nakangiti. Hindi ba siya natutuwa? Hindi naman ganyan lang ang reaksyon niya kapag nakakakita ng ganito?

Hindi ko na lang iyon pinansin. Marahil ay napagod lang siya sa graduation ceremony.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkukuwentuhan. Kausap nila Mama ang family ni Lara at tuwang- tuwa sila kay Riley.

Lumingon ako kay Lara na katabi ko dahil may naalala ako bigla. Nagulat ako dahil nakatingin na din siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Paano ba 'yan, Lara? Mukhang magiging number 4 na ako sa priority list mo, graduate ka na, tapos hindi ka na din magpa- part time," mayabang na sabi ko sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi niya. "Pagdating mo galing New York, magiging number 2 na ako sa priority list mo," mahinang sabi ko sa kanya.

Mukhang hindi niya nakuha dahil hindi siya sumagot at inalis lang ang kamay ko sa pisngi niya matapos na pilit ngumiti.

Maya- maya pa ay nag- inuman na ang mga kasama ko.

"Akala ko sa Korea mo ipagpapatuloy ang pagpepaint mo, Sofia?" tanong ni Lara kay Sofia.

Umupo si Sofia sa harap ni Lara dahil gusto niya daw uminom at makgeolli (Korean rice wine) pa ang pinatry niya kay Lara. Nakakailang lagay na din siya sa shallow bowl ni Lara, pero mukhang matibay si Lara ngayon.

"Change of plans. Ganoon talaga 'pag sobrang mahal niyo ang isa't- isa kailangan mag- adjust. Dati sobrang layo ng pangarap namin, ako pupunta ng Korea siya sa UP Manila magmemed school."

Agad naman akong napatingin kay Lara dahil pamilyar ang kwento ni Sofia. Nakatingin lang si Lara sa kanya at nakikinig. Nagpatuloy naman si Sofia sa pagkukuwento.

"Minsan ko na siyang iniwan dahil naging exchange student ako sa South Korea. Pinangako ko sa kaniya na hindi ko na siya iiwan pa," sabay inom ng makgeolli. Napainom na lang din si Lara. Hindi siya umimik.

"Lasing na ata kayong dalawa. Huwag ka nga dito magdrama, Sofia," suway ko sa kanila. Baka kasi mamaya umiyak na si Sofia. Umiiyak kasi 'yan kapag nalalasing at naghahamon na maya- maya. Umuwi na din ang mga parents namin. Kami na lang mga bata ang naiwan dahil hindi naman daw sila umiinom. Ako na lang daw magsara ng restau dahil umuwi na sila Papa at Mama.

"Kwentuhan mo pa ako, Sofia," lasing na sabi ni Lara.

Napailing na lang ako.

"Ayon nga," ikinumpas pa ang kamay kay Lara. "P'wede naman akong magsanay magpaint sa Manila. Madami din namang opportunities doon sa mga artist na tulad ko kaya susundan ko na lang doon si Ghiro. Para lahat masaya!" Isinigaw niya pa ang last line niya at tumawa nang malakas.

"Hindi naman p'wede sa amin 'yon," pabulong na sabi ni Lara pero dinig ko. Hindi na lang ako umimik at tahimik na lang na pinanood sila. Konti lang ang ininom ko dahil kailangan ko pang ihatid si Lara pauwi.

Maya- maya pa ay nakayuko na siya at mukhang natutulog na. "Tama na nga 'yan. Uwi na tayo," sabi ko sa kanya dahil mahigpit pa din ang hawak niya sa baso niya. Inalis ko iyon sa kamay niya at inalalayan siyang tumayo.

Mukhang hindi pa uuwi itong mga kasama ko kaya iniwan ko na lang kay Sofia ang paglolock ng restau at nauna na kami ni Lara umalis. Sumakay na kami ni Lara sa sasakyan. Tahimik lang siya sa byahe at nakatingin sa daan.

Nilingon ko siya saglit saka ibinalik ang paningin sa harapan. "May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala," mahinang sabi niya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagdadrive hanggang sa marating na namin ang transient na tinutuluyan ng family niya. Dito daw kasi siya matutulog.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas para pagbuksan siya ng pinto pero mabilis niyang binuksan ang pinto ng passenger's seat at bumaba ng sasakyan. Dire- diretso siyang naglakad papunta sa gate nila. Humabol ako sa kaniya at mabilis na hinila ang kamay niya bago pa siya makapasok ng gate.

Kunot- noo ko siyang tinitigan pero nakayuko lang siya. May problema nga. Iyong pagiging tahimik na naman niya. Iyong mga tipid na naman niyang ngiti.

Akala ko ay susulitin na namin ang mga natitirang araw dahil paalis na siya next month, pero nandoon na naman ang dahilan niyang busy daw siya. Iniiwasan niya ako.

"May problema ba, Lara?" tanong ko pero umiling lang siya. "Dito ka tumingin," pigil ang inis na sabi ko.

Dahan- dahan niyang iniangat ang ulo niya. Nakita kong umiiyak na siya. Nag- iwas siya ng tingin saka pinahiran ang luha niya gamit ang dulo ng jacket niya na abot hanggang kamay.

Hinawakan ko ang mga braso niya at tumingin ng diretso sa kaniya. "Anong problema?" mahinang tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin. "Natatakot ako, Minho..."

"Buong buhay kong pinanghawakan ang pangarap kong New York. Iyon ang bumuhay sa akin bago pa kita makilala. Pero ngayon..."

Itinaas niya ang kamay niya at itinabon iyon sa mukha niya at umiyak.

"Ayoko ng umalis. Gusto kong samahan na lang kita dito," sabi niya.

Napabitaw ako sa braso niya. Anong nangyari?

"Pero parang sinayang mo lang lahat ng pinaghirapan mo," may diing sabi ko.

Yumuko siya at umiling. Hindi siya umimik at umiyak lang.

Huwag ka na umiyak, Lara.

Huminga muna ako ng malalim. "Sasamahan na lang kita sa New York, p'wede naman akong magpractice ng Korean Cuisine doon. Wala namang pinagkaiba 'yon sa pagpractice ko ng Korean Cuisine dito sa Pilipinas. Madami din namang Korean Chefs doon."

Nag- angat siya ng tingin sa akin.

"Mas gusto ko din 'yon," sabi ko saka niyakap siya.

Sasamahan kita kahit saan man 'yan. Mas mahalaga ka kaysa sa pagiging chef ko. Ikaw ang pangarap ko, Lara. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon