Lara: His Smile

29 14 17
                                    

*** But I am kept in the shadows ***

[Hello, Ma. Kumusta?]

Malapit na mag- 9 am at may klase ako mamayang 10. Tanghali na din akong nagising dahil sa pagod kahapon. Gano'n lagi kapag nagsisimula ng bagong task. Mahirap sa simula pero kapag tumagal dadali na din 'yan. Kailangan mo lang talagang simulan.

[Anak, may pera ka ba?]

Inilayo ko muna ang phone ko saka napabuntong- hininga. Naupo muna ako sa kama ko. Umuupa ako ng bahay at sa La Union ang home province ko. Katabi lang ng Baguio City pero malayo.

Alam ko na kung saan ang punta ng usapan na 'to. Never pa ata ako nakatanggap ng tawag sa kaniya ng kinukumusta ako, puro hingi ng pera. Pumunta ba ako dito para mag- aral o magtrabaho?

[Ma, alam niyo namang nag- iipon ako.]

[Kahit 1000 lang anak. May trabaho ka naman diyan. Wala lang talaga kami ng Papa mo.]

Kailan ba nagkaroon 'yan si Papa? Wala na ngang trabaho, panay pa ang inom.

[Sige po. Papadalhan ko kayo mamaya. Hintayin niyo na lang diyan.]

[Salamat, Lara. Salamat sa pag- intindi.]

Ibinaba na niya ang tawag. 'Yon lang ba ang sasabihin niya?

Itiningala ko ang ulo ko at huminga ng malalim pero bumagsak pa din ang luha sa mga mata ko. Mabilis ko naman iyong pinunasan gamit ang kamay ko. Hindi man lang ba nila ako namimiss?

Sinuot ko na ang cap ko at pumasok ng school.

Pagkatapos ng klase ay lumabas muna ako ng campus para ipadala ang pera. Nilakad ko lang dahil malapit lang naman. Lunch time na kaya madami na ang taong nakapila sa padalahan.

"Lara Astra Mendez," tawag sa akin ng nasa counter kaya tumayo ako at lumapit sa kaniya. Iniabot niya sa akin ang form.

Umalis na din agad ako doon dahil may klase pa ako. Hindi na din ako nakapaglunch. Mamaya na lang, maaga naman matatapos ang klase ko. Sanay na ako sa ganito. Ayaw ko din naman pumunta sa canteen dahil madaming tao. Pakiramdam ko kasi pinagtitinginan nila ako. Kaya lagi akong may baon na biscuits at water botte. Sa ilalim ng pine tree na lang ako kumakain habang nagbabasa ng libro during lunch time.

"Class, siguro naman ay nasisimulan niyo na ang final output niyo?" tanong sa amin ng prof sa last class ko. Major subject.

"Yes, Mam. Kami pa," pagyayabang ng isa kong kaklase.

"Asahan ko yan. Much better kung magsusubmit na kayo ng first draft para macheck na kaagad ng advisers niyo."

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa library para magresearch at ipagpatuloy ang paggawa ng final output ko. Mahirap ang fantasy story. Ang daming preparation, background story na kailangan munang pag- isipan bago makapagsimula ng kwento. Tapos naman na ako sa part na 'yan, kaya tuloy na tuloy na 'to. Umupo na ako sa pang- isahang study table sa library at binuksan ang laptop ko.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko, may text si ate.

[Pinadalhan mo daw si Mama?]

[Oo.]

[Ay apo. Ibinigay niya lang kay Papa. Heto nga nag- iinom na naman.] (Ay apo is an Ilocano expression which means "Ay 'sus")

Napapikit ako sa inis ng mabasa ang text na niya. Alam ba nila kung ilang oras ang ibinigay ko para makuha ang perang 'yon imbis na mag- aral na lang?

[Doon na kayo matulog sa kabilang bahay.]

[Ano pa nga, ba?]

Nagiging ibang tao kasi ang Papa ko tuwing nakakainom. Maagang nag- asawa ang kapatid ko.

Hindi pa siya nakakagraduate ay umuwi na siya galing Maynila, buntis. Tuwing nalalasing si Papa ay sinusumbatan niya si Ate at hindi iyon titigil sa pagdadaldal. Gigising na lang kami ng gulo ang sala at may basag na pinggan sa kusina. Minsan may pasa pa si Mama na pilit niyang tinatago pero nakikita namin dahil nahihirapan siyang kumain gawa ng pasa sa bibig niya.

Kaya ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Nakapasa ako for a scholarship dito sa Baguio, kaya pumunta na ako. Wala akong binabayarang tuition. Wala na nga silang binibigay sa akin panay pa ang hingi.

Noong unang taon hanggang pangatlong taon ko dito dala- dalawa ang part time job ko para sa allowance at boarding house ko. Sinabi ko naman na iyon sa kanila na pag fourth year na ako ay huwag na sila humingi dahil nag- iipon nga ako papuntang New York. Pupunta ako sa Uncle ko para simulan ang career ko as a writer doon. Pero hindi, humihingi pa din sila sa akin ng pera. Hindi ko din naman sila matiis. Hanggang iyak na lang ata ako.

Umuwi muna ako ng boarding house para kumain at magpalit para makapasok sa trabaho.

Ang dami na agad tao sa restau as usual. Malapit kasi 'to sa mga schools at malapit din sa central business district. Kung hindi lang malaki ang sahod dito hindi ko 'to papatulan. Kung hindi lang ako fan ng Korean Drama ay hindi ko ito itutuloy. Mabuti na lang at may cap ang uniform nila. Kailangan ko na din sanayin ang sarili ko na humarap sa tao dahil kailangan ko din ipromote ang stories ko in the future. Madami din akong makukuhang inspiration dito para sa novels ko.

Dumiretso na ako sa locker area ng mga staffs, nagbihis at nagsimula ng magtrabaho.

Sa first floor ako naka- assign ngayon. Hindi na din kami nakakapag- usap ng mahaba ng mga staffs. Abala ang lahat sa pagseserve sa mga customers.

Break ko ng 15 minutes. Pumasok ako ng kitchen at binuksan ang pinto papuntang likuran ng restau. May rest area daw do'n. Pagkapasok ko ay may mahabang benches sa magkabilang gilid at may round table sa gitna. Maganda ang view dahil may mga pine trees sa harapan at tahimik.

Umupo na ako. Huminga ako ng malalim. Grabe, nakakapagod. Sinandal ko ang likuran ko sa wall. Ramdam ko ang lamig niyon kahit makapal ang suot kong jacket. Tumingin ako sa malayo at sa asul na langit.

"Oh."

May nakita akong sandwich sa harap ko. Kaya napalingon ako sa may hawak niyon. Si Minho.

"Pinapabigay ni Mama," sabay iwas ng tingin sa akin.

Kinuha ko iyon at sinabing "Salamat."

Umupo siya sa tabi ko. Tumingin lang din siya sa malayo at tahimik na kumain. Ganoon din naman ang ginawa ko.

Binuksan niya ang bottled water at iniabot iyon sa akin.

Kinuha ko ulit iyon at sinabing "Salamat."

Tahimik kaming kumain. Ako nakatingin lang sa mga pine trees. Nakakainggit sila dahil ang simple lang ng buhay nila.

Bigla kong naalala sila Ate at ang pamangkin ko. Isa din kasi iyon sa dahilan kung bakit pinili ko ang Baguio at lumayo sa kanila. Nanginginig ang katawan ko tuwing nalalasing si Papa. Bangungot iyon sa akin. Sana hindi ganoon ang maging epekto noon sa pamangkin ko. Mahirap.

"Nakakalunod iniisip mo ah," narinig ko pang tumawa si Minho.

Napalingon ako sa kanya at nakatingin na siya sa akin. Hindi na makita ang mga mata niya sa pagkakangiti. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Magiging okay din yan," mahinahong sabi niya.

Mabilis na namasa ang mata ko kaya tumingala ako at uminom ng tubig para hindi iyon tuluyang bumagsak. Tumayo na ako at pinagpag ang uniform ko.

"Una na ako sa 'yo," mabilis na sabi ko saka naglakad na papuntang pintuan. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Binuksan ko na ang pinto at inayos ang sarili ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at tuluyan nang hinarap ang mga customers.

Sana ganoon lang iyon kadali, Minho. Sana kung gaano ka kadaling ngumiti ganoon lang din kadali ang buhay ko. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now