Lara: Night Sky

3 3 0
                                    

*** The star shines even brighter ***

"Saan ang punta natin, Minho?" tanong ko habang sinusuot ang seatbelt.

Pagkatapos kasi ng birthday party ko kanina sa restau, na hindi ko din in- expect na gagawin ni Mam Minzy at mga kasama ko sa trabaho, ay may regalo daw si Minho sa akin.

"Sa Atok," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Saan 'yon?"

Nilingon niya ako saglit, nagulat sa sinabi ko at saka tumingin sa daan.

"Grabe, hindi mo alam? Sa Benguet! Malapit lang, 2 hours lang ang byahe."

"Ano namang gagawin natin do'n?" tanong ko dahil bakit doon pa? Anong meron doon na wala sa Baguio City?

"Basta. Sit back and relax!" masayang sabi niya pa.

Tumingin na lang ako sa labas habang nasa byahe. Parang iyong view pa lang okay na sa akin.

Parang paakyat kami ng bundok at puro green ang nakikita ko maliban sa asul na langit.

Pagkababa ko ng kotse ay hindi ko na alam kung saan pa ipapako ang paningin ko. Napaawang ang labi ko at saka napatingin kay Minho.

"Welcome to Northern Blossom Flower Farm!" sabi niya pa na parang tourist guide.

"Hala, totoo ba 'to?" sabay libot ng paningin ko.

Naglakad ako pauna at nasa likod ko lang si Minho.

Nasa mataas kaming lugar at bulubundukin ang view sa paligid. Napaka- calming ng vibe at ang fresh ng hangin. Hindi makita ang baba ng bundok na nasa harapan namin dahil nahaharangan iyon ng sea of clouds. May manipis pang fog na mabilis dumadaan sa harapan namin.

Pinagkiskis ko ang mga palad ko at ipinatong iyon sa mga pisngi ko.

Punong- puno ng kulay ang paligid, may yellow, violet, red, green dahil isa ibat'- ibang kulay ng mga bulaklak na nakapaligid sa amin. Inilibot ko pa ang paningin ko dahil ang daming pwedeng tingnan. Ramdam ko din ang ngalay ng pisngi ko dahil sa ngiti na hindi na matanggal sa mukha ko.

I close my eyes, open my arms and inhale the cold air. Grabe napaka- surreal ng feeling. Ang ganda siguro dito magparagliding.

Naglibot na kami ni Minho nang magkahawak ang kamay. Tumigil kami saglit sa harapan ng mga bulaklak. May mga pangalan naman iyon pero kulay pa lang makikita mo na ang pagkakaiba.

"Picture tayo, Lara," sabi niya sabay open ng camera niya sa phone niya.

Hinalikan niya ang pisngi ko sabay kuha ng picture. Pinalo ko siya sa braso niya saka siya tatawa- tawang naglakad pauna.

Buti na lang makakapal ang jacket namin kasi mas malamig dito.

Umagaw ng atensyon ko ang field na puno ng flowers na kulay violet. Nagpapicture ako doon habang nakangiti at nakatingin sa langit. Kunwari stolen daw sabi ni Minho.

"Malapit na magdilim, sana kaninang umaga mo ako dinala dito," sabi ko habang magkawak kamay na naglalakad sa tapat ng mga sunflowers.

"Mamaya makikita mo," sagot niya.

Anong makikita dito sa dilim? Mawawala na lahat ng kulay dahil madilim. Iyong mga bulaklak lang naman ang nagbibigay buhay dito.

Kumain muna kami ng dinner at saka bumalik doon sa mga flowers. Pumili siya ng malawak na space at saka itinaas ang kamay niya at itinuro ang langit.

Tumingin ako doon at nagulat pa. May ikakagulat pa pala itong lugar na 'to. Ito na ata ang pinakamagandang night sky na nakita ko sa buong buhay ko.

Ramdam ko ang pagkayap sa akin ni Minho sa likuran ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at tumingin sa langit.

"Grabe, paano mo nalaman 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ito daw ang inspirasyon ni Sofia noong ipaint niya iyong nasa restau."

Kung gaano kakulay ang lugar na iyon sa umaga, ganoon naman kakulay ang langit sa gabi dahil sa Milky Way. Ang daming bituin at hindi ko na hinanap pa ang buwan dahil sa mga bituin pa lang gumaganda na ito.

"Hindi kaya entrance iyang Milky Way sa ibang mundo?" tanong ko kay Minho.

Tumawa siya. "Paano mo nasabi? Umaandar na naman 'yang pagiging writer mo."

Napatawa din ako. "Malay mo," nakangusong sabi ko.

Idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. "Bakit nga pala iniyakan mo 'yong painting sa restau?" tanong niya.

"Ewan, parang ang lungkot kasi noong painting," malungkot na sabi ko, inalala pa iyong kung paano biglang bumigat ang pakiramdam ko nang makita iyon. Ni hindi ko nga alam na umiiyak na pala ako.

"Alam mo bang nalungkot din ako nang tingnan ko iyon, kaya tinanong ko si Sofia kung malungkot ba siya nang ipaint iyon, pero hindi daw. Si Mama nga tuwang- tuwa pa sa painting. Weird."

Ba't gano'n? Ano ba ang meron doon? Hindi naman ako umiiyak ngayon. Saglit pa kaming tumingin sa langit nang magsalita si Minho.

"Ano kaya kung sumama na lang ako sa 'yo sa New York?"

Mabili akong umalis sa pagkakasandal sa kanya at hinarap siya. "Baliw ka ba? Ano namang gagawin mo doon?" salubong ang kilay na sabi ko.

Nagkibit- balikat lang siya. Saka ibinulsa ang mga kamay sa jacket niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Hindi ba sabi ko sayo lets-"

"Oo na, parang sinasabi lang," sabi niya saka hinila ang kamay ko at niyakap ako.

"May ipapabasa akong libro sayo," sabi ko habang nakayap sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inilayo ako sa pagkakayap. "Baka kung ano- ano naman 'yan? 'Yong ginawa mo nga noong nakaraan," sabi niya.

Lumaki ang mata ko at pinalo siya sa braso pero tumawa lang siya. Nakakahiya, pinaalala niya pa. Dapat hindi ko na lang binasa, akala ko kasi kung anong warning 'yon, gano'n pala.

"Hindi iyon gano'n, altho merong ganoon," alinlangang sabi ko dahil hindi naman sexual, romantic nga eh at meaningful.

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Iba 'to, may lesson dito na gusto kong matutunan mo, para makapante ka kahit nasa New York ako at nandito ka," pagpapaliwanag ko.

Kita kong napakagat siya sa labi niya mukhang nagpipigil ng tawa.

"Seryoso nga, ipapahiram ko sa 'yo ang libro ko, pero ingatan mo," seryosong sabi ko sa kaniya at tumango naman siya bilang pagpayag.

Kailangan na din namin bumalik agad kaya nagdrive na siya pauwi pero mabagal lang dahil delikado ang daan. Nakarating naman kami ng safe.

Ibinagsak ko padapa ang kawatan ko sa kama pagkapasok ko ng kwarto ko. Napagod ako sa araw na 'to pero worth it naman. Narinig ko ang ringtone ng phone ko kaya kinapa ko iyon sa table na malapit sa kama ko. Tumatawag si Ate.

[Hello?]

[Lara, kung p'wede ka daw umuwi muna. Nakalaya na si Papa.]

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now