Minho: Advice

9 7 3
                                    

Naglalaro kami ngayon ni Papa ng soccer sa Melvin Jones pero hindi ako makapag- focus.

"You, okay?" tanong sa akin ni Papa. Nakalapit na pala siya sa akin.

"Sorry po, may iniisip lang," minasahe ko pa ang batok ko gamit ang kamay ko.

"Want to seat first?" aya niya sa akin.

Tiningnan ko siya at na- guilty naman agad ako. Lumapit siya sa isang bench na nasa lilim ng isang puno at umupo doon. Sumunod naman ako sa kanya hawak ang bola ng soccer. Saglit kaming tumingin sa mga puno sa harapan namin.

"Life is too short to make things complicated. Life is actually easy we just make things difficult for ourselves," seryosong sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Bakit ang lalim niyong magsalita lahat?" nagtatampong tanong ko pero tinawanan niya lang ako.

"You know, that's what you got from your Mom. Mukha ko lang ata ang namana mo sa akin."

Natawa naman ako sa sinabi niya kaya napatawa din siya.

"Sabi nga ni Mama. Kaya hindi ka niya makalimutan kahit ang tagal mong nawala. Lagi ka niya kasing nakikita sa akin."

Natahimik ako sa sinabi ko. Nilingon ko siya pero ngumiti lang siya.

"Sorry, Minho."

"Pang- 563 niyo na ata 'yang sorry, Pa," pagbibiro ko at tumawa naman siya.

"You're like your Mom. She's always happy. She told me crying won't solve the problem so why cry," saka siya tumungo at ngumiti pagkatapos niya sabihin 'yon.

Napatitig ako sa kaniya saglit. Ramdam ko kung gaano niya kamahal si Mama. Wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi niya alam ang nangyari kay Mama at wala siyang ibang minahal maliban sa kanya. Bumabawi naman siya ngayon pero hindi pa din ako masanay sa kanya. Ang sabi sa akin ni Mama noong bata pa ako ay nasa malayo daw si Papa. Iyon lang. Hindi niya ipinaramdam sa akin na kailangan ko ng isang ama kaya nasanay na ako. Hindi na din kami nag- antay ni Mama.

"Lumalayo na tayo sa topic, Minho," sabi niya.

"Ano nga topic natin, Pa?" saka kami napatawang dalawa.

Maya- maya pa ay nagtanong siya.

"Do you like someone?" tanong niya sabay lingon sa akin.

Napayuko ako at napatingin na lang sa bolang hawak ko.

"I think I love her already," malungkot na sabi ko.

"She doesn't feel the same way?" tanong niya.

Napatingin agad ako sa kanya sabay hawak sa dibdib ko.

"Ouch. Ang sakit niyo naman magsalita, Pa."

Tumawa lang siya.

"Wala siyang sinabing hindi niya ako gusto. Wala din siyang sinabing gusto niya ako. Nagtatalo pa daw ang puso at isip niya, Pa. Madami kasi siyang priorities sa buhay. Aalis na din siya papuntang New York sa August."

Hindi umimik si Papa kaya pinagpatuloy ko lang ang gusto kong sabihin sa kanya.

Hindi ko din alam kung bakit ako biglang nago- open up sa kaniya. Mas seryoso kasi ang sagot niya kaysa kay Mama. Nang- aasar lang 'yon, eh.

"Niyakap niya ako dahil hinayaan daw niyang manalo sandali ang puso niya."

Napatitig na lang ako sa bolang hawak ko pagkatapos kong magkwento.

"May gusto na siya sa 'yo," sabi ni Papa kaya itinaas ko ang tingin ko sa kanya. "Pero hindi niya alam ang gagawin. I think this is the first time she felt this."

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now