Minho: Welcome Back

4 4 0
                                    

"Congrats, Minho Park!"

"Congrats, Minho!"

Sumasakit na likod ko kakayuko. Ako kasi ang first place sa cooking show hosted by Chef Lee. Ito ang parang final exam namin sa one week na klase namin sa kanya.

Pagkatapos ng show ay niyaya niya ako for a late dinner.

"Do you have any plans on studying more of Korean Cuisine at South Korea? Of course you have, right?" tanong sa akin ni Chef Lee habang kumakain kami sa isang steak restaurant. Korean pero nag- aya sa steak restaurant. May pag- uusapan daw. Ito pala. Kailangan ko na din bumalik sa hotel para mag- impake dahil aakyat na kami bukas ng Baguio.

"I actually am staying here. I plan to manage my Mom's Korean restaurant at Baguio City. Maybe you can visit it the next time you come here," sagot ko sa kanya habang naghihiwa ng steak.

Hindi din siya marunong magtagalog kaya English ang pakikipag- usap niya. Basic lang din naman alam kong Korean.

"Oh, that would be an honor. Is it authentic?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Seryoso ko siyang tiningnan.

"Yes, my mom's grandmother have this recipe book that is passed on generations and it would be passed on to me."

"Interesting. I really have to visit Baguio in my next vacation here. If you got any plans tho in mastering Korean Cuisine. You can always call me. I'd be willing to help."

Bakit ba gustong- gusto ng mundo na paglayuin kami ni Lara? Ni hindi pa nga ako handa sa pag- alis niya papunta ng New York ay heto na naman. Kapag sinabi ko 'to sa kanila ay baka itaboy na naman nila ako.

Pagkauwi ko ay nag- ayos na ako ng gamit at natulog na dahil late na din. Nagtext lang ako kay Lara dahil paniguradong tulog na din 'yon.

Maaga kaming ginising para maka- akyat kami ng Baguio ng maliwanag pa dahil delikado kapag gabi kami inabutan pa- akyat lalo na kapag foggy.

Nagpahatid na muna ako sa bahay pagkadating sa Baguio para ibaba ang mga gamit ko saka ako nagdrive papuntang restau kahit pagod pa sa byahe.

Pagkarating ko sa restau ay walang tao. Bakit walang customers? Maaga pa naman ah, 6 pm pa lang. Hinila ko na ang handle ng restau.

"Congrats, Park Minho!!!"

Bigla silang lumabas galing sa kitchen. Si Lara ang may dala ng cake at mga nakaparty hats sila. May banner pa sa wall na "Congrats, Minho" tapos may mga confetti pa silang hinahagis. Nandito sila Mama at mga staffs, pati si Ghiro na boyfriend ni Sophia at saka mga tropa ko. Mukhang pinasara pa nila ang buong restau para sa akin.

"Ano ba 'yan, baduy niyo," sabi ko sabay blow ng candle.

Pumalakpak pa silang lahat at saka may music na nagplay sa background.

"Kainan na!!!" sigaw pa ni Sofia.

Napailing na lang ako. Ibinaba muna ni Lara ang cake sa table at saka lumapit sa akin. Nagkakainan naman na ang mga kasama ko. Iyon lang talaga ang pinunta nila dito.

"Welcome back! Reward mo, halika," saka lumapit sa akin si Lara at niyakap ako.

Niyakap ko naman siya ng mas mahigpit. "Miss you Lara, sobra," sabi ko habang sinusuksok ang mukha ko sa leeg niya.

"Miss you more, nakakaproud ka naman, natagalan mo 'yong one week tapos, nag- champion ka pa," tinapik- tapik niya pa ang likod ko.

Binitawan ko na siya at inilapit ang mukha ko para halikan siya kaso hinila na niya ang kamay ko at nilapitan ang mga kasama namin. Napailing na lang ako at napangiti.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora