Minho: Cool Off

4 4 0
                                    

Mag- isa lang ba ako sa relasyon na 'to? Sabagay ako lang naman ang nagpilit nito. Wala kang karapatang magreklamo, Minho, dahil ikaw ang may gusto nito. Pinilit mong isiksik ang sarili mo sa priority list niya.

Huwag mo akong bibitawan, Lara. Hindi ko ata kaya. Pipiliin ko na lang na ganito tayo kaysa mawala ka sa akin.

At ganoon nga ang ginawa ko. Binigyan ko muna siya ng oras para sa studies niya since mas priority niya 'yon kaysa sa akin.

"Si Lara ba 'yon?"

Tiningnan ko ang itinuro ni Sofia. Nasa isang coffee shop kami dahil nagpasama siya sa akin, ime- meet daw niya ang customer niyang umorder sa kanya ng painting.

Kasama ni Lara sa table si Chris at mukhang interesting ang pinag- uusapan nila dahil nilalapit pa ni Chris ang mukha niya kay Lara at ikinukumpas- kumpas ang kamay niya na para bang may gustong ipaglaban. Kumunot ang noo ko nang makita si Lara na tumawa sa sinabi ni Chris.

"Ano? Sama ka na sa inom mamaya?" pigil ang tawang sabi ni Sofia kaya napalingon ako sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka muling tiningnan sila Lara.

Pinauna ko na si Sofia umalis matapos niyang ibigay ang painting sa customer niya. Sinundan ko si Lara at Chris dahil magkasama pa din silang umalis ng coffee shop. Nagsalubong ang kilay ko ng makita silang pumasok sa isang building.

Publishing company? Akala ko ba tapos na ang internship niya?

Malapit na din magduty si Lara sa restau kaya sumunod ako sa kanila pagpasok pero hindi ako pinayagan ng guard. Wala daw ako appointment at hindi daw ako empleyado.

Nag- antay na lang ako sa labas. Hindi na din ako umupo at isinandal na lang ang likod sa pader sa may entrance.

Hawak ko sa isang kamay ko ang jacket ko dahil naiinitan ako. Ang isang kamay ko naman ay nasa bulsa ko. Ano 'to Lara? Bakit hindi ko 'to alam? Bakit kasama mo si Chris? Ano bang nangyayari sa 'yo? Nakahanap ka na ba ng bagong magpapasaya sa 'yo?

Sa sobrang daming pumasok sa isip ko ay hindi ko na namalayan pa ang paglabas nila Lara buti nakilala ko ang cap na suot niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya bago siya tuluyang makasakay ng jeep.

"Lara," pagtawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako. "Anong ginagawa mo dito?"

Nilapitan ko siya. Madilim na nga ang paligid pero nakacap pa din siya. Nasa gilid kami ng daan at madami na din ang nag- aabang doon ng sasakyan nila pauwi.

"Alam mo bang sa tuwing nakikita kita, iyan na lang lagi ang sinasabi mo sa akin? Boyfriend mo ako syempre lagi akong magpapakita sayo. Kailangan ba ng dahilan?" pigil ang inis na sabi ko.

Hindi niya ako sinagot. Napahawak ako sa bewang ko at inilibot ang paningin, naghahanap ng lugar na pwede kaming makapag- usap. Hinila ko ang kamay niya at naglakad papunta sa isang coffee shop. Pumili ako ng space na wala masyadong tao at saka siya pinaupo sa upuan.

Umorder muna ako ng favorite niyang caramel machiatto at espresso naman sa akin. Pagkatapos ay umupo na ako para kausapin siya.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? Anong ginagawa mo doon?" pigil ang galit na tanong ko.

Inalis niya ang cap niya at inayos ang buhok. Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa akin. Kita ko ang pagod sa mga mata niya pero mas lamang ang takot doon.

"Nakalaya na pala ang Papa ko pero nalaman lang namin dahil ooperahan siya at kailangan niya ng pera. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko."

Mabilis na bumagsak ang luha sa mata niya kaya nag- iwas siya ng tingin sa akin saka pinahiran ang pisngi niya. Gumaralgal na din ang boses niya at papahina na ito ng papahina.

Agad namang nawala ang galit ko at napalitan ng lungkot. Heto na naman iyong parang tinutusok ang puso ko na pakiramdam.

Ipinatong niya ang isang kamay niya sa lamesa at doon na napako ang paningin niya.

"Binigay ko sa kaniya lahat ng pera ko, pati savings ko papuntang New York, nabawasan na."

Inabot ko ang kamay niyang nasa lamesa at hinawakan iyon. Alam ko kung gaano kaimportante ang pangarap niya na 'yon sa kaniya. Iyon kasi ang dahilan ng lahat ng paghihirap niya.

Huminga muna siya ng malalim at saka nagpatuloy. "Nagtatrabaho ako sa publishing company nila Chris para mabalik lahat ng nagastos ko."

Saglit siyang tumigil at huminga ng malalim. Pinunasan niya ang luha niya sa pisngi at tumingin ng diretso sa akin. "Sorry, Minho. Wala na akong time para sayo," sabi niya at saka yumuko.

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. Pilit na iniintindi ang sinabi niya. Pero ayokong tanungin kung ano bang ibig niyang sabihin. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa labas. Binawi niya ang kamay niya kaya napalingon ulit ako at nakatingin na siya sa akin.

"Napapagod na ako, Minho. P'wede bang magpahinga muna tayo?"

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko o dahil lang ayaw kong sagutin. Kung sarili ko ang iisipin ko ay ayoko pero kung siya ang iisipin ko ay papayag ako. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na siya kayang tingnan. Masakit dahil sobrang dali lang para sa kaniya magdesisyon ng ganito. Bakit ang dali para sa kaniya na lumayo sa akin? Habang ako laging nahihirapan kapag hindi ko siya masamahan at madamayan?

"Magtatrabaho ka pa din naman sa Restau 'di ba?" tanong ko nang nakatingin pa din sa labas. Nagsilabasan na ang mga payong ng mga taong nag- aabang ng sasakyan.

"Oo, kailangan ko din 'yon," sagot niya.

Huminga muna ako ng malalim. Gusto ko na sabihin na p'wede na siyang umalis pero ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Halos masabunutan ko ang sarili ko dahil ayaw talagang magsalita nito.

"Sige," mahinang sabi ko sabay tingin sa mga mata niya, nakakuha na ng lakas ng loob.

"Ibigay mo na lang ang oras na nakalaan sa akin para maalagaan ang sarili mo, kung mero'n man."

Umiwas ako ng tingin at saka huminga ng malalim. Lumalakas na ang ulan sa labas. Tumingin ako sa kaniya. "Ingatan mo ang sarili mo. Nandito lang ako sa likod mo. Sasamahan pa din kita," mahinang sabi ko sa kaniya.

Napayuko na lang siya saka doon umiyak. Inilabas ko ang panyo ko at ibinigay iyon sa kanya. "Huwag ka na umiyak," mahinang sabi ko sa kanya.

Kinuha niya ang panyo at sinabing, "Salamat."

"Umuulan na sa labas, may dala ka bang payong?" tanong ko sa kaniya.

Umiling lang siya.

"Apat na taon ka na sa Baguio, hindi mo pa rin alam ang basics sa pagstay dito."

Tumayo ako at ipinatong sa mga balikat niya ang jacket na dala ko saka ipinatong ang mga kamay ko sandali doon. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya pero umupo na din agad ako baka kasi biglang bawiin ko lang ang sinabi ko at hindi na siya paalisin pa.

Tiningnan ko lang siya habang nakayuko siya at pinupunasan ang mukha niya. "Kailangan ko na umalis," sabi niya sabay tayo at naglakad palabas ng pinto.

Tumingin ako sa labas para panoorin ang pag- alis niya. Para na rin makasiguro akong safe siyang makasakay.

Bakit ba kahit ilang beses mo pa akong saktan ikaw pa din ang gusto nito? Sana sa pag- alis ko ay gumaan ang pasanin mo, Lara. Nagdesisyon ka mang maglakad mag- isa kahit hindi ka lumingon, nandito lang ako sa likod mo para samahan ka.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora