Lara: Keep Holding On

3 3 0
                                    

*** I held your hand ***

Tulala lang ako sa byahe paakyat ng Baguio. Nakatingin lang sa labas. Wala pa akong tulog. Hindi ko pa din matanggap. Nagkataon lang ba? Bakit sunod- sunod? Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ang nagawa ko para maranasan lahat 'to.

Kaya pa ba?

Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipilagan pagkahatid sa akin ni Ate sa bus station. Buti wala akong katabi. Kailangan ko ng panyo mo, Minho.

Hinila ko ang jacket ko hanggang kamay para pahiran ang luhang tuloy- tuloy nang bumabagsak mula sa mga mata ko.

Matagal na palang nakalaya ang Papa ko pero nagtatago siya sa amin dahil nahihiya daw siya sa ginawa niya at pinagsisisihan na daw niya lahat iyon. Isinugod siya sa ospital dahil may sakit daw sa atay at kailangan operahan. Tinulungan pala siya ng mga katapid niya para makalaya. Sila din ang nagdala sa kaniya sa ospital. Pinatawag kami ng mga kapatid niya para dalawin daw siya sa ospital. Sabi niy Papa huwag daw sabihin sa amin pero kailangan daw kasi ng pera pangpa- opera kaya kahit nakakahiya ay pinuntahan nila kami.

"Sorry, Lara. Hindi mo 'to deserve. Lahat ng ito, kasalanan ko. Kung hindi lang ako-" naluluhang sabi ni Ate. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ang sasabihin niya.

"Ayokong tingnan si Riley bilang isang kasalanan, Ate, regalo siya sa atin," seryosong sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Nakaupo lang kami sa sofa dahil kaming dalawa ang nagbabantay kay Papa. Bukas na ang opera niya.

Nakatulala lang ako sa sahig, ni hindi ko nga siya matingnan dahil sa takot. Hanggang ngayon nanginginig pa din ang mga tuhod ko at malakas ang kabog ng dibdib ko kapag nakikita siya.

Akala ko ligtas na kami, mukhang wala akong kawala sa kaniya. Kung kailan medyo nagliliwanag na ang mundo ko saka niya naman ako hihilahin pababa at kukulungin ulit sa takot.

"Sinasabi ng utak ko na hayaan na lang siya, para malaya na tayo, pero siya pa din ang Papa natin," mahinang sabi ko pilit na tinatago ang garalgal sa boses ko.

Hinawakan ni Ate ang kamay ko. "Sorry talaga, Lara. Sorry."

"Hindi mo naman kasalanan. Gusto ko siyang pabayaan na lang pero hindi ko talaga alam," umiling- iling ako at hindi na napigilan pa ang pag- iyak. "Naniniwala ka ba sa sinabi nilang nagbago na siya?" biglang tanong ko kay Ate.

"Hindi, pero nakausap ko si Mama, gusto din niyang tulungan natin si Papa."

"Paano kapag nagsisinungaling lang siya para tulungan natin siya?"

Napatingin sa akin si Ate sa sinabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Hindi tayo dapat mabuhay sa takot, Lara. Hanggang kailan tayo tatakbo?"

Naibigay ko na ang savings ko para sa pangarap kong bookshop ng maospital si Lola, pero pinangako ko sa sarili ko na itutuloy ko iyon once na nakapagpublish na ako ng sarili kong libro.

Sobrang sakit, pati pangarap kong New York kailangan kong bawasan para sa kanya. Iyon na nga lang ang natitira. Naibigay ko na para sa pagpapaopera niya lahat ng kinita ko sa part time at sideline ko pero hindi pa din sapat.

Parang gusto ko na lang magpakalayo- layo at takbuhan lahat pero naisip ko si Minho.

Siya na lang ang natitirang dahilan para ipagpatuloy ko ito.

Pagka- akyat ko ng Baguio ay dumiretso na agad ako sa publishing company na pinagtatrabahuhan ni Chris as part time. Malaki din daw bayad dito, mage- edit lang ako ng mga manuscripts.

"Welcome, Lara. Okay naman na ang schedule mo. Kailangan din namin ngayon ng additional manpower. Pwede ka ng magstart kung gusto mo."

Inihatid ako ni Sir Larry, head namin, sa table ko para makapagsimula na agad ako. Kailangang- kailangan kasi nila ng mga part time copy editors.

Iyong mga vacant hours ko ay ibibigay ko dito, nagsusulat pa din ako ng mga content dahil panay ang pasok ng ideas sa utak ko kapag may nakikita akong inspirasyon sa mga nababasa ko.

Iyong time ko na lang talaga sa restau ang maibibigay ko kay Minho. Kahit makita ko lang siya okay na ako. Unti- unti ko nang pinagsisisihan ang pagtanggap sa kaniya. Hindi ko din naman pala kayang panindigan. Pero sinasabi ng puso ko na matatapos din 'tong lahat at makakasama ko din siya. Mag- eenjoy din kami in the future. Sana lang huwag niya ako sukuan. Napakaselfish ko.

4 am na ako nakauwi ng boarding house. Nagtext lang ako kay Minho na nakauwi na ako at nagpahinga muna. Ayaw ko din ipaalam sa kaniya ang isa ko pang trabaho. Natatakot ako, baka mawala siya sa akin. Siya na lang pinanghahawakan ko.

Kinabukasan ay may pasok ako pero may konti pa akong oras bago magsimula ang klase kaya nagsulat muna ako ng mga content. Kailangan kong mabawi iyong binawas ko sa savings ko para sa New York at para na din sa allowance ko.

Buti natapos ko na final draft ko at ineedit- edit ko na lang, kailangan ko din ng pera para magawa siyang libro.

Pagkatapos ng klase ay naglakad na ako papuntang restau at nakita ko naman si Minho na nasa labas. Nakasandal siya sa likuran ng sasakyan niya at nakatayo lang doon. Mukhang iniintay niya talaga ako. Ngumiti siya noong makita niya ako kaya tumakbo na ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"May problema ba?" alalang tanong niya.

Umiling lang ako at hindi bumitaw sa yakap.

"Parte pa ba 'to ng training ko? Ang sakit naman sa puso ng training mo," malungkot na sabi niya.

Akala niya siguro parte pa din 'to ng pagsasanay niya sa paglayo 'ko.

"Kamusta sila Mama mo?" tanong niya.

"Okay naman sila," mahinang sagot ko.

Paano ko sasabihin lahat ng 'to, Minho? Saan ako magsisimula? Hindi na nga kita mabigyan ng oras, problema pa ibibigay ko. Bumitaw na ako sa yakap dahil malapit na magsimula ang duty ko sa restau.

"Omo! Namiss ka namin, Lara!" sabay yakap sa akin ni Mam Minzy pagkapasok namin ng restau.

Hawak ni Minho ang kamay ko at ayaw niya pa bitawan.

"Ako din po, namiss ko kayo," sabi ko habang nakayap kay Mam Minzy.

"Welcome back, Lara." Lumapit sa 'kin si Joe para yumakap din pero itinapat agad ni Minho ang kamay niya sa dibdib ni Joe para pigilan.

"Tama na yan, magsisimula na ang duty ni Lara," saka mabilis akong hinila palayo sa kanila.

Tumigil silang lahat sa pagtatrabaho para salubungin ako. Hindi ko pinagsisisihan ang pagpasok ko dito sa restau. Nagkaroon ako ng pamilya sa kanila. Hindi pala ako nag- iisa. Sobra na akong nalulunod sa mga masasamang nangyayari sa buhay ko na hindi ko na nakikita pa ang ganda ng mundo. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now