Minho: Yes

10 7 2
                                    

"Baka naman mapunit na mukha mo niyan kakangiti, Minho Park," sabi ni Mama habang nilalapag sa table ang korean egg roll na niluto niya.

"Panira ka, Ma," sabay kuha noon.

"Mukhang may progress, ah" sabi niya pa.

Napangiti na lang ako at hindi siya sinagot dahil baka ipagkalat niya pa sa buong restau.

Maya- maya pa ay dumating na si Sofia kaya lumabas na ako ng bahay namin. Nag- aya kasi siyang gumala daw kami. Maghahanap daw siya ng inspirasyon para sa paintings niya. Umuwi naman sa Ilocos ang boyfriend niya kaya ako na lang ang niyaya niya. Ako naman talaga lagi ang kasama niya, eh.

"Minho! Sakay na!"

"Saan ang punta natin?" tanong ko habang sinusuot ang seatbelt ko.

"Secret!" kinanta niya pa 'yon.

Asus. Diyan lang naman 'yon iikot- ikot na naman. Baguio lang kasi ang alam niya. Ayaw niya naman ipagdrive ko siya. Gusto daw niya siya magdrive para mamaster daw niya. Ang lagay ay personal assistant niya lang ako. Magdadrive siya around Baguio tapos magstop 'pag may magandang view at magpipicture. Tapos drive ulit, tiga- bitbit niya lang ako ng pagkain at ng sketchbook niya.

"Dapat may porsyento din ako sa kita mo dito, eh," reklamo ko sa kanya habang nakasunod at hawak ang camera niya. Nagstop siya kasi nagustuhan niya ang view. Nasa mataas kaming lugar at malapit na magsunset. Kukuhanan daw niya ng pictures at isketch na din.

"Hayaan mo pag ako sumikat, bibigyan kita ng painting," sabi niya habang nagda- drawing.

Tumabi ako sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya.

"O kaya ipaint ko na lang si Lara. Birthday gift ko sayo," nakangiting sabi niya. "Kamusta na pala kayo?" sabay lingon sa akin. Naalala ko ang nangyari nang pumunta kami sa concert kaya napangiti ako. Napahawak si Sofia sa bibig niya.

"Kayo na?" sigaw niya. Mabuti na lang at walang tao sa paligid. Tumango ako pero pinalo niya lang ako ng sketch pad niya.

"Aray, ah. Sinamahan na nga kita ikaw pa 'tong nananakit," sabay hawak sa braso kong pinalo niya.

Tumawa siya. Napahawak pa siya sa tiyan niya. "Iba ka talaga, Minho. Lakas ng kamandag mo," tatawa- tawa pa niyang sabi.

Imbis na mainis sa pang-aasar niya ay hindi ko na din mapigilang hindi mapangiti.

"Paano ka niya sinagot?" tanong niya pagkatapos niya tumawa.

"Hanggang doon lang ang p'wede mong malaman," nakapamewang na sabi ko saka bumalik na sa sasakyan para doon mag- antay sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Lara.

[Anong oras ka p'wede bukas?]

Balak ko sanang yayain siya ng date. Kaso ang hirap naman niyang hanapan ng magandang date. Ayaw niya kasi sa matatao, gusto ko din naman 'yong masosolo ko siya. Napakagat ako sa labi ko.

Nagreply naman siya agad. [Sunday bukas, nakaduty ako ng 10 to 7 pm]

Ano ba 'yan? Ang hirap naman nito. Dapat mag- adjust na schedule niya para sa boyfriend niya. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan.

Madilim na nang makabalik kami ng restau. Hinatid lang ako ni Sofia dahil sisimulan na daw agad niya ang paintings bago mawala pa sa isip niya ang mga nakita niya kanina. Workaholic masyado.

Hinanap agad ng paningin ko si Lara.

"Hi," bati ko sa kanya pero nginitian niya lang ako at saka bumalik na sa trabaho niya.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu