Lara: Exhausted

7 3 0
                                    

*** And you held my hand tighter ***

Masakit na ang mga mata ko at nangangalay na din ang mga kamay ko.

"Lara we need that by tomorrow," sabi ni Sir Larry na lumapit sa working table ko.

"Yes, Sir. Malapit na po matapos."

"Aasahan ko 'yan. By the way, here," saka niya inilapag sa table ko ang caramel macchiato na order ko nang magtanong siya kung anong gusto naming drinks.

"Salamat, Sir."

"Fighting!" sabi niya sabay taas pa ng kamao.

Pagkatapos doon ay pumunta ako kaagad sa restau dahil kailangan kong magduty, tapos babalik sa company pagkatapos. Hindi ko na din napapansin ang oras at araw. Nireremind na lang ako ng mga deadlines. Kailan ba matatapos 'to? Baka patay na ako bago matapos 'to.

Tumingin ako saglit sa langit pero wala akong nakitang bituin. Mukhang uulan, wala pa naman akong payong. Nawala na naman nang iwan ko sa labas ng library kanina. Lagi na lang akong nawawalan ng payong dito sa Baguio.

"Sorry na, Lara, papalitan ko na lang 'yong libro."

Lumapit agad sa akin si Minho pagkadating ko ng restau. Malungkot siya at mukhang nakonsenya nga sa ginawa niya.

"Huwag na. Okay lang," mahinahong sabi ko sa kanya para hindi na niya isipin pa 'yon.

Ayaw ko na din alalahanin. Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pangungulit niya at saka pumunta na ng locker para magpalit.

Minurder niya ang libro ko! Paano niya mapapalitan 'yon, eh may signature pa iyon ng author? Alam niya ba kung anong hirap ang pinagdaanan ko mapapirmahan lang 'yon?

Nagtrabaho na ako at namalayan na lang na break ko na. Sinundan ako ni Mam Minzy sa rest area dahil kakausapin daw niya ako.

"Okay ka lang ba, Lara?" tanong niya sa akin.

"Okay lang po," sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang balikat ko at ramdam ko ang comfort no'n. Muntik pa akong maiyak dahil naalala ko si Mama. "Kailangan mo din ng oras para sa sarili mo. Natutulog ka man lang ba?" alalang tanong niya habang sinisilip ang mukha ko dahil nakatungo ako.

Tumingin ako sa kanya. "Natutulog naman po ako," pilit ang ngiting sabi ko sa kaniya.

Kinuha niya ang kamay ko at ramdam ko ang init noon. "Nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong, okay?"

Napaisip tuloy akong mag- advance dahil wala na akong panggastos. Pero naunahan ako ng hiya, hindi dahil siya si Mam Minzy kung hindi dahil Mama siya ni Minho.

Pagkatapos ay bumalik na din kami agad sa pagtatrabaho. May iniutos sa akin si Ate Nat sa kitchen kaya pumasok ako doon saglit.

"Not like that."

"Recipe ko 'to."

Nakita ko sila Nessi at Minho sa may corner ng kusina, pero mukhang absorb na absorb sila sa pagluluto dahil hindi nila ako napansin na pumasok. Nakatalikod din sa akin si Minho dahil siya ang nagluluto. Si Nessi ay may hawak na knife at naghihiwa ng carrots sa chopping board.

"Naglalaro ka lang, eh," sabay tawa ni Nessi.

"Huwag kang maki- alam diyan, Assistant Chef."

Hindi naman na bago sa akin 'to dahil friendly si Minho at madami siyang kaibigan. Wala din akong karapatan na magalit sa kaniya at mas lalong wala akong oras para magselos pa.

Saglit ko pa silang tiningnan. Mas deserve mo siya, Minho. Maganda, mayaman, chef din, at magkakasama kayo araw- araw dahil pareho kayo ng career na pinili. Pwede ka pa niyang tulungan para mamaster mo ang Korean Cuisine na pangarap mo.

Nalungkot ako sa naisip ko kaya pagkakuha ko ng iniutos sa akin ni Ate Nat ay lumabas na din agad ko ng kitchen.

Habang nagtatrabaho ay nakatanggap ako ng tawag kay Ate kaya lumabas muna ako ng restau.

[Okay na si Papa, Lara. Hinahanap ka niya dahil nalaman niyang humingi sila Auntie sa 'yo ng tulong.]

[Hindi na ako makakauwi diyan, Ate.]

[Iyon nga ang sabi ko at saka nilakasan ko na din ang loob ko at kinausap siya, na natatatakot ka nga sa kaniya.]

[Anong sabi niya?]

[Sorry daw, sorry. Iyon lang ang sinabi niya. Hindi daw niya tayo pipilitin na tanggapin ulit siya. Hindi daw niya alam na ganoon pala ang epekto sa iyo nang ginagawa niya.]

Pagkatapos nang tawag niya ay napaupo ako bigla dahil hindi ko na kaya. Ipinatong ko ang kaliwang braso ko sa mga tuhod ko at doon umiyak.

Matapos ng lahat na ginawa niya? Sorry na lang? Sana naisasangla ang sorry na iyon para maibalik ang nagastos ko sa savings ko na nakalaan papuntang New York.

Inayos ko na din ang sarili ko at pumasok ng restau. Pagkatapos ng duty ay inayos ko kaagad ang mga gamit ko para pumunta na sa publishing company.

"Lara!"

Hinawakan ni Minho ang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad. Malapit na din ako pumara ng jeep. Pumunta siya sa harapan ko at nakapamewang na hinarap ako.

Nakacap ako kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Inalis niya ang cap ko.

"Akina 'yan," sabi ko sabay abot noon pero itinaas niya para hindi ko makuha.

Agad na nag- init ang ulo ko. "Ano ba, Minho? Malelate na ako!" sigaw ko habang tinatalon ang cap ko.

"Saan?"

Napatigil ako sa pag- abot ng cap at hindi na makatingin pa sa kanya. Hindi niya pwede malaman, Lara.

Nilakasan ko ang loob ko at sinalubong ang tingin niya. "Busy ako sa pag- eedit ng final output ko. Malelate ako sa deadline," pagsisinungaling ko.

Itinaas ko ulit ang kamay ko at nakuha ko naman ang cap.

"Huwag mo na isuot 'yan. Hindi bagay sayo," pang- aasar niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka sinuot ulit 'yon. "Bumalik ka na doon, kailangan ko na talagang umalis. Madami pa akong gagawin." Tumingin ako sa kalsada para silipin kung may padaan ng jeep.

"Paano naman ako, Lara?" tanong niya.

Hindi ko siya nilingon at tuloy ang tingin sa padaang mga sasakyan.

"Akala ko ba naggive way ka na para sa akin? Kailangan ko din ng oras mo."

Hindi ko malaman kung galit ba siya, naiinis, malungkot o baka lahat.

Tumingin ako sa relos ko. Malelate na talaga ako. "Sorry, Minho, kailangan ko na talaga umalis," malungkot na sabi ko nang nakayuko.

Humakbang siya patalikod saka naglakad pabalik sa restau.

Wala akong mahagilap na jeep kaya naglakad na lang ako. Lakad takbo na ang ginawa ko. Wala pa ako sa kalahati pero bumagsak na ang ulan. Bumagsak na din ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nawala na ang lakas ng loob ko. Pero patuloy pa din ako sa paglakad. Bwisit na buhay 'to. Pati pag- iyak wala na akong oras. Hinubad ko ang jacket ko para ipatong sa ulo ko dahil hindi kaya ng cap ko ang lamig ng tubig ulan. Iba kasi ang ulan sa Baguio parang tinutusok ang ulo mo kapag napatakan ka noon sa sobrang lamig, dinaig pa ang galing freezer na tubig.

Nagstay muna ako sa mga benches sa labas dahil hindi ako pwedeng pumasok ng basa. Malate na ako huwag lang mabasa ang mga documents doon.

Nakatulala lang ako pinapanood ang pagpatak ng ulan at pag- agos ng tubig sa glass wall ng building. Ito ang unang beses na malungkot ako habang umuulan. Pinapagalitan na ng utak ko ang puso ko. Kailangan na ba kitang bitawan? 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora