Minho: Waiting For You

4 5 0
                                    

"Chef Minho, nandito na po ang mga seafoods," sigaw ni Wy, server namin.

Buhat- buhat niya ang isang cooler at saka inilapag iyon sa table malapit sa pintuan.

Lumapit ako doon para tingnan ang kondisyon ng mga iyon. Minsan kasi hindi mga fresh ang dinadala nila dito kahit regular customer na nila kami. Pitong taon na namin silang supplier ng sea foods.

Hinila ko pataas ang sleeve ng sweater ko hanggang siko at saka kinuha sa malamig na tubig ang hipon na pinadala nila. Tama nga ako, dinadaya nila kami. Isinara ko na ang cooler. "Ibalik mo 'to sa kanila. Pakisabi kung ganyan sila ng ganyan, magpapalit na tayo ng supplier," seryosong sabi ko kay Wy.

"Pero, Chef. Malayo pa pinanggalingan nito," reklamo niya sabay turo doon pero tiningnan ko lang siya.

Agad naman siyang kumilos dahil alam na niya ang ugali ko.

Madaming nag- ooffer sa akin na maging supplier ng restau pero wala akong tinanggap.

Ako na ang head chef ng restau dahil bumalik na si Mama sa Korea para samahan si Papa. Nakiusap siya sa akin na huwag magpalit ng supplier, pero kung ganyan naman sila ay hindi ako magdadalawang isip na palitan sila.

Tumingin ako sa relos ko, malapit na mag- 9 am. Malapit na magbukas ang restau.

"Marie, buksan mo na 'yong, TV. Start na ng interview niya."

"Baka pagalitan tayo ni Chef, Kyla."

"May isang oras pa naman bago mag- open ang restau. Dali na. May bagong book daw siyang isusulat."

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nag- iisip ako ng bagong iooffer sa restau. Balak ko sanang i- combine ang Korean at Filipino cuisine para na din sa mga Half Korean at Half Filipino na customers namin.

Pagkatapos ay tumayo na din ako agad para maghanda na pero napansin kong walang tao sa paligid ko. Nasaan na ang mga staffs? Malapit na mag- 10 am.

Lumabas ako ng counter at naglakad papuntang second floor pero nandoon lang pala sila sa may corner malapit sa stairs. Nanonood silang lahat ng TV.

"Awww. Nakakatouch naman Ms. Lara. Aabangan namin iyan!"

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at natigilan sa paglapit sa kanila nang marinig ang pangalan na iyon. Nandito na siya?

Itinaas ko ang paningin ko sa TV at nakita siya. Napakagat ako sa labi ko at agad na nag- iwas ng tingin. Huminga muna ako ng malalim.

"Ito lang kasing "Under The Night Sky" ang naiiba sa mga sinulat mo. Sa fantasy series ka nakilala pero may isa kang pinublish na romance genre at ito nga iyon."

Naibalik ko agad ang tingin ko sa TV nang marinig iyon. Mero'n? Pero bakit hindi ko alam. Updated naman ako sa lahat ng books niya. Bagong release niya ba 'yan?

"Nakaabot din pala iyan dito. Akala ko kasi sa Amerika lang," sagot ni Lara sabay kuha ng libro.

Nakaupo siya sa mahabang sofa. Nasa katabing single sofa naman iyong nag- iinterview sa kaniya. Ang tagal na noong last TV show na nakita ko siya. Naging busy na din kasi ako dahil ininvite ako as a judge sa isang cooking show sa TV. Every Saturday ay kailangan ko pang bumaba ng Manila para roon. Hindi ko naman matanggihan dahil kaibigan ko ang PD ng show.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Bumibili ako ng mga books niya para suportahan siya. Kahit hindi ko hilig ang pagbabasa ay binasa ko lahat ng mga iyon. Kahit pa abutin ako ng isang buwan bago matapos ang isang book niya kahit gabi- gabi ko naman iyon binabasa ay tinapos ko pa din para sa kanya.

Ang simple pa din niyang manamit at simple lang din ang ayos niya. Pero bakit mas lalo ata siyang gumaganda?

"Malapit na mag- open ang restau. Ano pang ginagawa niyo diyan?" sigaw ko sa kanila.

Nagulat sila dahil nasa likuran nila ako. Halos malaglag pa sa pagkakaupo niya sa table si Wy. Sumaludo naman sa akin si Miguel na Sous Chef namin at sinabing, "Yes, chef!" sabay kindat.

Nagsibalikan naman na sila sa station nila kaya tinalikuran ko na din sila. Biglang bumukas ang pinto ng restau kaya napatingin ako doon.

"Bro!" si Ron, kaibigan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya sabay lapit.

Umupo siya sa pang- dalawahang table kaya lumapit din ako doon at umupo sa upuang nasa harapan niya. Mukha siyang problemado dahil nakakunot ang noo niya habang ang kamay ay nasa ulo niya.

"May problema ba?" alalang tanong ko.

Tropa ko si Ron noong college ako. Last year lang ako dumating dito sa Baguio pero pinag- ninong niya kaagad ako sa anak niya.

Kinuha niya ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa at hinawakan iyon. Agad ko naman iyong binawi at salubong ang kilay na tiningnan siya.

"Bro, kailangang- kailangan ko ng tulong mo," mahinang sabi niya.

"Halata nga, eh. Sabihin mo na. Huwag ka na magpacute diyan."

Kinamot niya pa ulo niya na parang sobrang hirap ng sasabihin. "May event kasi kaming io- organize. Kailangan namin ng Korean Chef dahil may mga Korean kaming bisita. Ikaw ang the best and pinaka- gwapong chef in town. Kaya pre," maluha- luhang sabi niya.

Inuto pa ako. "Saan at kailan?" agad na sabi ko dahil hindi ko na matagalan ang pagdadrama niya.

Lumiwanag ang mukha niya at napaayos ng upo. "Sa Camp John Hay, pare. Sa Friday, 10 am."

"So kailangan ko palang isara ang restau para mapagbigyan ka?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

Napayuko naman siya. "Nandito na si Nessi bukas. Kaya na nila iyon ni Kuya Rem. Hindi naman siguro kailangang buong araw ako nandoon?" taas ang kilay na tanong ko.

Kasama ko si Nessi na bumalik dito sa Pilipinas dahil gusto niya daw magtrabaho sa reatau namin pero hindi naman talaga iyon ang pinunta niya dito, may gusto lang 'yan makita.

Napaangat si Ron ng tingin sa akin at ngumiti. "Hindi, pre. P'wede ka na ding umalis pagkatapos mo," tuwang- tuwang sabi niya.

"Magdadala ako ng dalawang staff. Kapag hindi ko nagustuhan ang kitchen nila-"

"Magugustuhan mo, magugustuhan mo. All you gotta do is cook," masiglang sabi niya.

Napailing na lang ako. "Sige na, umalis ka na at magbubukas na ang restau," saka tumayo at ganoon din siya.

Napatingin siya sa labas at itinuro iyon. "Napansin ko nga sa labas, ang dami na kaagad nakapila. Sikat ka na talaga," sabay tapik sa balikat ko.

"Ako pa," mayabang na sagot ko sa kanya.

"Asus. Wala namang lovelife."

Pinagkrus ko ang braso ko at taas kilay siyang tiningnan. "Parang meron ka naman," ganti ko sa kanya.

Ngumiti siya ng abot tainga. "Malapit na," sabi niya.

"Alin? Iyong Pedia ni Izzy? Hindi magkakagusto sa iyo 'yon," pang- aasar ko.

Humawak siya sa dibdib niya na parang sobrang sakit ng sinabi ko.

Idinuro niya ako. "At hindi ka din babalikan ni Lara," sabay mabilis na lumapit sa pinto.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sama ng bibig mo!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako at lumabas na ng restau. 

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now