Minho: Goodbye

2 4 0
                                    

Nagtext sa akin si Lara na nasa Baguio na daw siya at nasa labas daw siya ng bahay namin kaya lumabas agad ako para makita siya. Pumunta siya ng La Union para kuhanin ang iba pa niyang gamit doon dahil malapit na siyang umalis.

Akala ko kaya ko na pero hindi pa din. Ayokong hayaan siyang mag- isa do'n. Gusto ko siyang samahan.

Hindi na namin pinag- usapan ang tungkol sa pagsama ko pero hindi nagbabago ang desisyon ko. Susundan ko siya. Pupunta ako ng New York.

Pero hindi ko inaasahan na makikipaghiwalay siya sa akin bigla. Akala ko ba kaya niya? Kaya namin? Pero bakit biglang ganito? Anong nangyari?

"Okay ka lang ba, Adeul?" tanong sa akin ni Mama.

Nasa kitchen kami at tulala lang akong nagchochop ng mga gulay gamit ang chef's knife na ibinigay sa akin ni Lara as a graduation gift. May silver crescent moon iyon sa black na handle nito at may nakaengrave na letters na MINHO sa blade.

"Ma," at hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kinuha ni Mama sa akin ang knife at ibinaba iyon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nasa likod ko ang kamay niya, pilit pinapagaan ang pakiramdam ko.

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo, Park Minho. Kung gusto mo sumunod kay Lara, okay lang sa amin ng Papa mo," malambing na sabi niya.

Umiling ako. "Hindi na Ma, wala na kami ni Lara," mahinang sabi ko kay Mama.

Napabitaw siya sa yakap at malungkot na tiningnan ako.

"Mas mahal niya ata pangarap niya kaysa sa akin," malungkot na sabi ko saka yumuko.

Hinawakan ni Mama ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya at iniangat ang ulo ko para matingnan siya sa mata. "Maybe this isn't the right time para sa inyo, Minho," mahinang sabi niya.

Ayokong ipakita kay Mama na nasasaktan ako dahil doble ang epekto noon sa kanya. Siya lagi ang dinadamayan ko tuwing iniisip niya si Papa pero ngayon siya na ang pinanghuhugutan ko ng lakas.

"Kailan, Ma? Bakit pa kami pinagtagpo kung hindi naman pala ito ang tamang panahon?" taas ang boses na tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "May dahilan ang lahat."

Hindi ko na din nakita pa si Lara sa restau. Aalis na siya bukas at parang sinasaksak ang puso ko kapag naiisip ko iyon.

Sabi ko pa naman ako ang maghahatid sa kanya pababa ng Manila para makasama ko pa siya bago siya sumakay ng eroplano. Pero hindi, nagtext siya na hindi ko na daw siya kailangan ihatid. Magbu- bus na lang daw siya at ingatan ko daw ang sarili ko. Iyon lang.

Pero ko hindi ko kinaya.

Palalayain na kita, Lara. Unahin mo ang pangarap mo, pero hayaan mo akong makita ka bago ka umalis. Kahit iyon lang.

Alam ko ang oras ng pag- alis niya kaya nagdrive ako papunta ng bus station, isang oras bago umalis ang bus. Pagkadating ko doon nakita ko agad ang bus na byaheng Pasay. Lumapit ako para silipin kung nandoon na siya, pero wala pa. Konti pa lang din ang pasahero.

Maraming tao sa bus station pero nakahanap pa din ako ng upuan sa likod na row ng hile- hilerang asul na benches. Nasa may daanan ako ng mga pasahero. Nakatalikod ako sa entrance at nakasuot ng black na cap para hindi niya ako makita.

30 minutes na lang aalis na ang bus nila pero wala pa si Lara. Akala ko nakaalis na siya pero may dumaan sa tagiliran ko at pamilyar sa akin ang jacket niya.

May Park 03 na nakasulat sa likod noon. Iyon ang jacket na ibinigay ko kay Lara nang gabing makipagbreak siya sa akin.

Agad na bumagsak ang luha ko nang makita siya kaya mabilis ko iyong pinunasan.

Isasantabi ko muna ang nararamdaman ko, kailangan kong makita siya para kayanin ko sa mga susunod na araw na wala na siya.

Naglakad siya papalapit sa bus hila- hila ang maleta niya. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong tumayo. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero baka hilahin ko lang siya paalis at itakas.

Nandito lang ako sa likod mo, Lara.

Isinampa niya na ang kaliwang paa pasakay ng bus pero hindi siya nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Lumingon siya sa entrance kaya napaiwas agad ako ng tingin. Tumingin ako sa side ko at ibinaba pa ang cap ko para hindi niya ako makita. Paglingon ko sa bus ay wala na siya. Siguro ay nasa loob na.

Napayuko ako. Pilit pinapakalma ang sarili ko dahil gusto ko pang makita ang pag- alis ng bus niya. Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko. Kahit masakit na, at hirap na hirap ako, gusto kong makasigurong nakaalis siya ng ligtas.

At iyon na nga ang huling kita ko sa kanya. Gusto kong pagsisihan na hindi ko siya nilapitan, na umiwas pa ako ng tingin nang lumingon siya.

Sumakay na ako ng kotse ko pagkaalis ng bus ni Lara. Pagkatapos kong isuot ang seatbelt ko ay hindi ko na napigilan. Inilabas ko na lahat ng sakit at galit sa puso ko.

Hindi ko inaasahan na dadamayan ako ng ulan. Pilit nitong itinatago ang ingay ng iyak ko.

Ang sakit, Lara. Bakit kailangan mo pang gawin 'to? Kaya naman natin ipagpatuloy. Bakit sumuko ka kaagad? Pipilitin kong intidihin ang desisyon mo at susubukang magpatuloy. Abutin mo ang pangarap mo at aabutin ko ang akin.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo, Lara. Huwag mo akong kakalimutan. Bumalik ka sa akin.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa loob lang ng sasakyan. Nagdrive na ako pauwi at pumasok ng bahay. Nasa restau si Mama kaya ako lang ang nandito. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at umupo sa sahig. Isinandal ko ang likod ko sa gilid ng kama

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kisame. Wala na akong mai- iyak. Parang biglang nawala lahat ng lakas ng loob ko kanina. Hindi ko na alam. Parang ayaw ko nang magpatuloy pa. Parang wala ng dahilan para kumapit pa.

Nadala mo ata lahat ng liwanag ko. Shine brighter, Astra. We're still under the samenight sky.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now