Lara: Stars

12 7 3
                                    

*** Your food melts in my mouth ***

Ano ba 'tong pinasok ko?

Tumitig muna ako sa kisame nag- aantay dalawin ng antok. Magdedate daw kami bukas after ng duty ko sa restau. Kailangan ko na bang iadjust lahat? Hindi pa din nagsisink in sa akin lahat ng nangyari.

Delikado pala 'pag pinipigilan, bigla na lang sasabog at hindi mo na macontrol pa ang sarili mo. Hinayaan na ng utak ko ang puso ko sa kung ano man ang gusto niyang mangyari.

Hindi ako makatulog kaya bumangon ako at nagsulat na lang. Malapit ko na din matapos ang story ko. Kailangan ko na lang iedit, pag- aralan for loopholes at ayusin.

Tumingin ako sa phone ko. 4 am na pala. May text pa si Minho.

[Love you. Good Night!]

Napangiti ako at saka iniumpog ang ulo ko sa table. Ouch. Bahala na. Maganda ding experience 'to for stories.

Kinabukasan naglinis ako saglit ng kwarto ko at ibang parte na din ng bahay. Naglaba na din ako ng mga damit ko dahil maganda ang sikat ng araw. Real struggle kasi sa Baguio ang magpatuyo ng mga damit lalo na kapag ulanin. Tuwing habagat ay halos wala na kaming masuot dahil mahirap makapagpatuyo kahit na hindi naman mabilis malamog ang damit dito.

"Hi, Lara. Parang ngayon lang kita nakita, ah," sabay lapit sa akin ni Wayi. Naglilinis na ako ng kusina dahil may oras pa naman. Mas nakakapag- isip din kasi ako ng maayos kapag naglilinis ng bahay.

Si Wayi ay kasing edad ko lang at sabay kaming nag- apply dito sa bahay. Magkaiba nga lang ang school namin, sa UC kasi siya nag- aaral.

"Kamusta?" sabi ko at nginitian siya. Tinigil ko muna ang paglilinis para kausapin siya dahil ngayon ko lang siya makakausap since magsimula ang sem.

"Wow. Sa sobrang tagal nating hindi nagkita hindi ko alam na ngumingiti ka na pala. Ay, alam ko yan eh," sabi niya nanunukso. Tinuturo- turo niya pa ako.

Tiningnan ko lang siya pero pakiramdam kong nag- iinit na ang pisngi ko at hindi ko na siya magawang tingnan pa.

"Asus, may jowa ka na 'no? China Oil," sabay tawa niya saka umalis na din at pumasok sa kwarto niya.

Napailing na lang ako. Naalala ko na may date nga pala kami mamaya. Hindi niya sinabi kung saan. Hindi ko tuloy alam ang isusuot ko. Kailangan ko na bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng romance novels? Wala akong alam dito.

Nagpahinga lang ako saglit saka naligo na para pumasok sa trabaho.

Hindi ko naman nakita si Minho sa restau. Nahihiya din naman ako magtanong baka asarin lang nila ako. Hanggang sa sumapit ang end ng duty. Nagtext ako kay Minho na uuwi muna ako. Nagreply naman siya na susunduin na lang daw niya ako ng 8 pm.

Nagsuot na lang ako ng long sleeve turtleneck top na kulay violet at tinuck in 'yon sa black na high waist at pinartneran ng white rubber shoes. Sinuot ko na din ang black kong coat dahil gabi na at malamig sa Baguio kapag walang araw.

Okay, na 'to at least hindi ako naka all black. Nilugay ko na lang ang buhok ko at naglagay ng clip na may crescent moon na design.

Maya- maya pa ay dumating na si Minho kaya lumabas na ako ng bahay. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Nang makita niya ako ay ngumiti agad siya sa akin at akmang yayakapin ako pero lumusot ako sa braso niya at saka dumiretso na sa passenger's seat.

Tinawanan niya lang ako.

"Bilisan mo malamig," saka niya ako pinagbuksan ng pinto at inalalayan papasok ng kotse.

"Saan ang punta natin?" tanong ko habang nasa byahe kami.

"Sa bahay," casual na sagot niya.

"Anong gagawin natin doon?" kabadong tanong ko.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now