Lara: Seeing You

3 5 0
                                    

*** I am hopeless anyway ***

Nagpahinga muna kami ni Ree pagkadating namin ng Baguio. May dalawang condong ibinigay sa amin para mapagstay- an namin habang nandito kami.

In partnership kasi ang book project ko with a publishing company na nandito sa Baguio. Iyong publishing company nila Chris dahil english and tagalog version ang irerelease ko. Ang company sa New York ang magrerelease ng English version habang ang company nila Chris ang sa Tagalog Version. Sila din ang magaasikaso sa amin dito ni Ree.

Kinabukasan ay pumunta agad kami sa Welcome Party hosted by the publishing company nila Chris. Mabuti na lang at sa Camp John Hay ang event. Gusto ko ang ambiance dito at kahit madaming tao, madami rin ang puno sa paligid. Medyo matindi lang ang sikat ng araw kaya sana hindi ako atakihin ng migraine ko.

Simple lang ang event, may stage sa harapan, maraming tables and chairs, and buffet style ang pagkain.

Pagkatapos akong ipakilala sa lahat at konting interview ay naupo na rin agad ako kasama ni Ree. Malapit sa buffet ang table na pinili niya.

"Lara!"

Tumayo ako agad ng makita si Chris na lumapit sa table namin. Lumapit din ako sa kanya at sinalubong naman niya agad ako ng yakap.

"Chris!" sabi ko sabay bitaw na din sa yakap niya.

"Grabe! Ikaw na ba yan? Wala na ang dark aura mo, ah," natatawang sabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Ikaw nga diyan. Yaman mo na. Ikaw na boss ko ngayon," sabi ko.

Nagkibit- balikat lang siya.

"Yabang," pang- aasar ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

Umupo siya kasama namin at saglit na nakipagkuwentuhan habang kumakain.

Paminsan- minsan nagsusulat daw siya kapag may mga ideas siya pero dahil only son siya, ay siya ang nagmana ng publishing company ng dad niya.

Napapansin ko na panay ang sulyap ni Chris kay Ree kaya natatawa ako kapag humaharap na siya sa akin para sagutin ang tanong ko.

Kinailangan naman umalis ni Ree dahil may kakausapin daw siyang mga possible investors na umattend din sa event. Kaya naiwan kaming dalawa ni Chris sa table.

Maya- maya pa ay may lumapit sa amin na lalaki. Napatayo si Chris nang makita ito.

"Mr. Kim!" bati ni Chris dito.

Yumuko iyong lalaki. Korean siya, halata naman dahil hindi na makita ang mga mata niya dahil todo ang ngiti niya sa amin.

Tumingin sa akin si Chris.

"Mr. Kim, this is Ms. Lara Mendez, siya ang writer ng bagong book na irerelease ng publishing company. Lara, this is Mr. Kim, isa siya sa mga stockholders namin," pagpapakilala sa amin ni Chris.

Kim? Nabanggit nga pala ni Chris na mostly Koreans daw ang investors nila. Ang bata naman niyang stockholder. Mukhang kaedaran lang namin.

"Nice meeting you, Ms. Lara," sabay abot ng kamay niya sa akin kaya inabot ko rin iyon.

"Nice meeting you, too, Mr. Kim," nakangiting bati ko sa kanya.

Hindi pa niya binibitawan ang kamay ko kaya hinila ko na iyon. Binitawan agad naman niya.

"Sorry 'bout that," sabay hawak sa batok niya.

"Are you enjoying the food, Mr. Kim?" biglang tanong ni Chris.

"Oh, yes. Of course. Who's the chef?" tanong nito.

"The one and only," taas noong sagot ni Chris sabay tingin sa akin at kumindat pa.

Nagsalubong naman ang kilay ko.

"I see. Is he here?" saka inilibot ang paningin ni Mr. Kim sa mga tao sa event.

"I can call him if you want," sabi ni Chris sabay tingin sa akin.

Ano 'yan?

Lumaki naman ang mga singkit na mata ni Mr. Kim. "I would love that. I am a fan," tuwang- tuwang sabi niya pa.

Umupo muna kami habang iniintay iyong chef daw. Nagpaalam naman ako na kukuha pa ng pagkain kaya iniwan ko muna sila.

"Hi, Lara."

Nagulat ako sa tumabi sa akin habang namimili ng pagkain. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala.

"Ron, hindi mo na ako matandaan?" malungkot na sabi niya.

Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko talaga siya kilala. Saglit ko siyang tinitigan at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Kaibigan ni Minho," sabi niya, pilit pinapaalala siya sa akin.

Nagulat ako nang magsalita siya ulit at biglang naalala ang birthday party ni Minho sa Restau. "Sorry. Oo, natatandaan ko na. Kamusta?" nahihiyang sabi ko.

"Heto may anak na," saka siya tumawa at bumalik na sa pagpili ng pagkain.

"Congrats," agad na sabi ko saka namili na din.

Gusto ko sana siyang tanungin kung nandito sa Baguio si Minho pero nakakahiya naman.

Una nang umalis si Ron dahil organizer ata sila ng event. Naglakad na ako pabalik ng table namin at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Nakatayo na sa table sila Mr. Kim at Chris dahil may kausap sila, si Minho.

Agad na kumabog ang dibdin ko nang makita siya. Parang gusto ko na agad siyang lapitan at yakapin. Mukhang masaya ang pinag- uusapan nila dahil tumatawa- tawa si Mr. Kim. Para lang silang magkakaibigan.

Tatalikod na sana ako kaso nakita ako ni Chris. "Lara," pagtawag niya sa akin.

Napatingin tuloy sa akin si Minho. Nagkatinginan kami dahil nasa kanya ang paningin ko kanina pa. Agad akong nag- iwas ng tingin dahil nakakahiya at saka naglakad na papalapit sa kanila. Sa plate na hawak ko lang ako nakatingin.

Umayos ka, Lara. Huwag mo ipahiya ang sarili mo.

Ibinaba ko muna ang plate ko dahil baka mabagsak ko pa saka tumabi kay Chris. Tumingin ako kay Chris at abot tainga na ang ngiti niya. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi ko na siguro kailangan pang ipakilala kayo sa isa't- isa," sabi ni Chris, na todo ngiti pa.

Kaya siguro ganoon ang mga ngiti niya sa akin kanina. Si Minho pala ang chef.

"Do they know each other already?" tanong ni Mr. Kim sabay turo sa aming dalawa ni Minho.

"Yes," napatingin ako kay Minho dahil siya ang sumagot. Seryoso ang mukha niya at diretso lang ang tingin niya sa akin.

Pilit kong pinapakalma ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi na ako makahinga. Para akong hinihigop ng mga tingin niya kaya tumingin na lang ako kay Chris. Hindi ko na din matagalan ang presensya niya.

"I'll go ahead and eat. I'm starving," mabilis na sabi ko saka tinalikuran na sila at umupo sa table. Kinuha ko na ang kutsara ko at saka kumain.

Nasa side ko lang sila. Hindi na din sila masyado nag- usap pa dahil kailangan na daw umalis ni Minho. Ganoon din si Mr. Kim dahil may nakita siyang stockholder din, kakamustahin daw niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis sila. Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy sa pagkain.

Umupo sa tabi ko si Chris kaya napalingon ako sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong.

"You really suck at romance," sabi niya saka tumawa nang malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka sinuntok ang braso niya. Parang hindi naman siya.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant