Nagpareserve na kami sa restau para sa amin. Punuan din kasi doon kapag weekends. Madami pa naman kami.

Pagkarating namin sa restau ay umakyat kami sa second floor at bumungad sa amin ang mini party ni Mama. Nahiya tuloy ako bigla. May pa-design pa si Mama sa table namin. May banner at confetti pa.

"Adeul! Omo! Chukahae!"

(Son, congrats)

Umupo na agad kami dahil gutom na kami. Mabuti na lang at handa na ang kakainin namin. Alam naman ni Mama ang oras ng tapos ng game. Hinanap agad ng paningin ko si Lara pero wala siya. Baka sa baba ang station niya.

"Break niya," bulong sa akin ni Mama habang nilalapag sa table ang mga side dishes.

"Kami na bahala dito sa friends mo. Punta ka na doon," sabay kindat sa akin ni Mama.

Pumasok na ako ng kitchen tapos bumaba sa kitchen ng first floor at pumunta sa likuran. Nakita ko naman agad doon si Lara pagkabukas ko ng pinto.

Wala siya sa mahabang bench. Nandoon siya nakaupo sa harap ng isang round table. Nakapatong ang mga braso niya sa lamesa at patagilid niyang ipinatong ang ulo niya doon para matulog.

Inurong ko ng tahimik ang isang monoblock sa tabi niya at inihiga sa lamesa ang ulo ko paharap sa kaniya. Medyo malayo lang nga baka kasi magulat siya at magalit sa akin.

Mukhang mahimbing ang tulog niya. Nasa table din ang cellphone niya at paniguradong nandoon iyon para mag- alarm sa kaniya.

Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang mukha niya. Mas malaki pa ata ang kamay ko sa mukha niya, eh. May maliit na taling din pala siya sa ilong. Ang liit kasi ng ilong niya kaya hindi ko nakita. Manipis ang mga labi niya. Pati ang itim sa ilalim ng mga mata niya ay maganda.

"Ang ganda mo, Lara," bulong ko. "Nandito na 'to dati pa kaya hindi ko na mapigilan. Huwag kang mag- alala hindi ko naman to ipipilit sayo."

Matagal ko siyang tinitigan at nang maramdaman ko na ang pagvibrate ng phone niya ay agad akong napaayos ng upo. Kinapa niya ang phone niya kaya inilapit ko iyon sa kanya saka siya nagmulat ng mata. Napakagat ako sa labi ko dahil ang cute niya. Ngumiti lang ako sa kanya nang makita niya ako. Umayos siya ng upo at ibinulsa ang mga kamay sa jacket niya.

"Kamusta ang laro mo?" tanong niya.

"Iyan ba agad ang tanong? Hindi ba dapat, anong ginagawa mo dito?"

"Alam ko na 'yon," seryosong sabi niya.

"Ang alin?" maang- maangan ko.

Tumayo na siya at sinabing "Kailangan ko ng bumalik." Iniurong niya ang bangko saka tinalikuran ako.

"Nanalo kami," mabilis na sabi ko. Nilingon naman niya ako at tumingin sa akin.

"Congrats," sabi niya nang nakangiti sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. "Una na ako," saka naglakad na papalabas ng rest area.

Napangiti ako. Delikado na 'to,

Bumalik na din ako sa mga kasamahan ko. May mga hawak na silang mga shot glasses.

"Hoy, san ka galing?" tanong sa akin ni Sofia pagkaupo ko sa upuang nasa tabi niya.

"Wala ka na doon, Sofia Amore," bulong ko sa kanya, siniko naman niya ako.

Ayaw niya kasing tinatawag siya kasama ang second name niya. Kinuhaan niya ako ng shot glass at nilagyan iyon ng soju.

"Pinuntahan mo crush mo 'no?" pang- aasar niya.

"Hindi ko na siya crush," makahulugang sabi ko sabay inom ng soju. Mahal ko na ata 'yon.

"Asus. Sinong niloko mo?"

Tiningnan ko ang mga kasama ko at napansing wala na iyong iba. Lumingon ako kay Sofia.

"Nasaan na ang boyfriend mo?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang nalungkot.

"Umuwi na. Mag- aaral pa daw," nakangusong sabi niya. Pinigil ko ang tawa ko dahil baka ituktok niya sa akin ang hawak niyang kutsara.

"Okay lang 'yan. Iinom mo na lang 'yan," pang- aasar ko sa kanya sabay lagay ng soju sa shot glass niya.

Nagpatuloy lang kami sa pag- inom. Mukhang lasing na ang mga kasama ko dahil kumakanta na sila.

"Excuse me, po."

Napalingon kami ni Sofia kay Lara. May dala siyang tray at nasa ibabaw noon ang mga side dishes.

Umusog si Sofia sa gilid niya dahil sa gitna namin pumunta si Lara para ibaba ang tray sa table namin.

"Salamat. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang mga side dishes at kinukuha ang iba pang mga gamit na na utensils.

"Oo," tipid na sagot niya.

Nakatingin lang sa amin si Sofia pero nang- aasar ang mga tingin niya. Binuhat na Lara ang tray at ang daming laman noon2 kaya tumayo ako.

"Tulungan na kita," sabi ko pero iniwas niya agad ang tray sa akin at tumingin siya sa mga mata ko.

"Trabaho ko 'to. Enjoy," sabi niya at saka mabilis na umalis.

Kunot- noo ko siyang tiningnan habang naglalakad siya papuntang kitchen. Okay naman siya kanina. Anong ginawa ko?

Pagka- alis ni Lara ay agad na lumapit sa akin si Sofia at bumulong. Hawak pa niya ang bote ng soju sa kanang kamay niya.

"Mukhang nagselos crush mo. Sabi ko naman sayo, gamitin mo ako," saka ipinatong ang siko niya sa balikat ko. Mabilis ko namang inalis 'yon at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ako user katulad mo."

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now