CHAPTER 43

278 49 538
                                    

Chapter 43

ANAIS' POV

"Cessy, ang anak mo dito umiiyak! 'Wag mong sasabihing ako pa ang magpapasuso sa anak mong babae ka?!" sigaw ni Betty.

"Wait lang naman!" Lumabas na si Cessy mula sa banyo na naka-bathrobe lang at dumiretso sa kaibigan para kunin ang anak na umiiyak kay Betty. "Hindi makapaghintay," dagdag na sabi ni Cessy habang pinapatahan ang anak.

"Nagising, umiyak at nagutom na ang anak mo, hindi ka pa rin lumalabas ng banyo. Gaano ba dapat katagal maligo, ha? Kung hindi lang siguro kita tinawag, baka sa banyo ka na tumira sa sobrang tagal mo." Cessy's eyes rolled before breastfeeding her child.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Naghahanda kami ngayon at nag-aayos dahil aalis kami para pumunta ng ospital at bisitahin si Jacob. Ang mga lalaki ay nasa kabilang kwarto habang kami namang mga babae ay magkakasama rin sa iisang kwarto.

"Mama, bakit ang little brother ko ay sinisipsip ang breast mo?" nagtatakang tanong ni Miesha sa ina niya.

"Kasi kumukuha siya ng gatas sa akin, Miesha," pagpapaliwanag naman ni Cessy sa anak niya.

"So, may milk din sa breast ko?" inosenteng tanong ni Miesha.

Cessy chuckled because of what Miesha said. "Wala ka pa Miesha kasi baby ka pa tapos hindi ka naman nanganak. Maiitindihan mo rin ang sinasabi ko sayo paglaki mo, okay?"

Miesha frowned. "I'm not a baby anymore, Mama. Ang little brother ko ang baby, hindi ako. Four years old na ako."

Hinaplos ni Cessy ang pisngi ni Miesha. "Pero para sa akin, baby ka pa rin ni Mama, Miesha." Mas sumimangot pa lalo si Miesha pero hindi na umangal pa. Kinuha na lang ni Miesha ang selpon ni Cessy at naglaro.

Napangiti ako habang tiningnan silang mag-ina. Marami na ngang nagbago sa mga kaibigan ko habang wala ako. Isa na silang ina ngayon at mayroon ng mga asawa at anak na mamahalin at aalagaan nila higit pa sa sarili nila.

Lumapit naman sa akin ang anak. "Mommy, comb my hair po, please."

"Sure," I said. Kinuha ko mula sa anak ko ang suklay na hawak niya bago ito pinatalikod at sinuklayan.

"When did your memories come back, Anais?" tanong bigla sa akin ni Jessie habang nakaupo ito sa kama.

"Narinig namin na bumalik na ang memorya mo nang sabihin mo kay Tita Laura pero ano ang sinabi mong pinoprotektahan mo kami?" sunod na tanong ni Betty.

"Ano palang nangyari kay Jerry?" tanong naman ni Cessy sa akin.

Dahil sa sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin, dali-dali kong tinapos ang pagsusuklay sa anak ko bago tumigil. Pinaupo ko muna si Anja sa hita ko bago huminga ng malalim.

Alam ko namang kaya kong sagutin ang mga tanong nila kaya sasagutin ko.

"My memories returned before I left Jacob and returned to France," I said. "Kailangan kong umalis dahil kinakailangan. Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang umalis na lang."

"Para maprotektahan kami?" Nally asked.

I nodded. "Umalis ako dahil para protektahan kayo. Jerry tells me not to approach or even talk to Jacob or else he will hurt Jacob's family o pwede rin kayong masaktan at madamay kapag hindi ako sumunod. Kaya kahit ayaw ko, kahit masakit para sa akin, sumunod ako kay Jerry. S-Sinabi niyang saktan ko si Jacob kaya ginawa ko. Sinaktan ko ang damdamin ni Jacob. Nagsabi ako ng masasakit na mga salita sa kanya. Sinabi kong ayaw ko na siyang makita pa para lang hindi niya na ako hanapin kapag babalik na ako ng France. I also told him that when we ever meet again, we will act as if we don't know each other. Hindi kami magpapansinang dalawa." Naramdaman kong niyakap ako ng anak ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon