SPECIAL CHAPTER: JERRY VELASCO

216 45 530
                                    

Special Chapter: Jerry Velasco

ANAIS' POV

"Baby...Psst!" Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng milk tea ko, hindi pinapansin ang pagtawag niya sa akin. "You've been ignoring me for weeks and I can't take it anymore," pagsusumamo ni Jacob sa akin. Kung pwede lang nito siguro halikan ang paa ko para mapansin ko lang siya, gagawin nito kaagad.

Nakita ko gamit ng gilid ng mga mata ko na hahawakan ako sana ni Jacob pero umusog ako papalayo sa kanya. Rinig kong bumuntong-hininga ng malakas si Jacob pero patuloy lang ako sa pag-inom ng milk tea ko, hindi talaga siya pinapansin.

"I don't want to see your face," I said calmly. "It's ugly. Nandidiri ako."

"Baby."

"Kapag hindi ka pa lumayo sa akin, susuntukin talaga kita sa mukha," pagbabanta ko sa kanya. Nakita kong napayuko si Jacob habang nakasimangot. "Iwan mo muna ako, please. Ayoko lang makita ang mukha mo, Jacob," mahinahong sabi ko. Hindi ako makatingin sa mukha niya kasi nandidiri ako at ewan ko nga kung bakit. Basta ilang linggo na akong ganito.

Jacob took a deep breath before standing up. Hinalikan niya ako sunod sa noo ko ng matagal. "Sorry. Hindi na kita kukulitan pa. Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, ha?" Bago ito umalis, hinalikan muna ni Jacob ang bilog kong tiyan bago siya tumalikod.

Binitawan ko ang straw sa bibig ko bago sumimangot. Alam kong malapit ng maubos ang pasensya ni Jacob sa akin dahil tatlong linggo ko na siyang hindi pinapansin at kahit tingnan lang sa mukha niya ay hindi ko magawa dahil ayokong makita.

Hinaplos ko ang tiyan kong malaki na. "Hindi ko sinasadya ang sinasabi ko sa Daddy mo," pagkukuwento ko sa anak kong nasa tiyan ko. "Mommy didn't mean it." I sipped on my milk tea after.

My gaze went to the wedding ring on my finger. It's been eight months since Jacob proposed to me and I still can't help, but smile every time I remember it. Nang magpropose siya sa akin, kinasal kami agad isang buwan ang makalipas. Hindi kagaya noon nang kinasal kami ni Jacob na imbitado ang halos buong pamilya namin, ibang mga kaklase at teacher, pati ang mga kaibigan nina Mama at Papa sa business, ngayon naman ay kami-kami lang. Simple lang ang naging kasal namin ni Jacob sa isang simbahan na ang mga kaibigan lang namin kasama ang mga anak nila at ang mga magulang namin ni Jacob ang nandoon.

Nang maubos na ang iniinom ko, dahan-dahan akong tumayo habang nakahawak ako sa umbok kong tiyan. Ngayong linggo na ang due kong manganak kaya hinahanda ko na ang sarili ko para doon. Naglakad ako papalabas sa bahay namin ni Jacob tsaka itinapon sa basurahang nasa labas ang milk tea bago ako tumungo sa garden namin.

Hindi ko rin makalimutan ang araw na dinala ako ni Jacob dito at ipinakita niya sa akin ang bahay namin. Hindi ko nga alam na may pinatayo pala siyang bahay para sa amin kung hindi niya pa ako dinala dito. Limang buwan na kaming nakatira dito kasama si Anja at naiwan ang mga magulang ko at ni Jacob sa bahay nila na magkasama. Kaya wala si Anja dito dahil kada weekends ay kinukuha siya nina Mama tapos ibabalik din pagtapos na. Hindi naman kami nagreklamo ni Jacob sa napagsunduan namin sa pagitan ng mga magulang namin dahil at least daw masosolo niya ako buong araw. Hindi kasi kami makapagsolo sa araw dahil binabantayan namin si Anja habang sa gabi naman ay dapat patulugin muna namin si Anja bago namin gawin ang bagay na iyon.

Umupo ako sa isang bench at sumandal bago nilibot ng mga mata ko sa hardin na nasa likod ng bahay namin. May mga nagtataasang mga puno na pwedeng pagtambayan o pagsilungan kung gusto mong magpahangin kahit mainit at mataas ang sikat ng araw. May mga makukulay ring bulaklak at mga damo ang nakapalagid sa hardin at sa gitna nito ay may isang marble na water fountain.

Masasabi kong nagagandahan naman ako sa mga ginawa ni Jacob para sa amin ng anak niya. Ang garden namin ang tambayan ko kapag gusto kong mapag-isa at kung gusto kong magpahangin dahil kahit maaraw, malamig pa din ang simoy ng hangin kaya hindi gaanong mainit. Dito rin ako tumatambay kapag mainit ang ulo ko at naiinis ako kay Jacob.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now