EPILOGUE

338 48 598
                                    

Epilogue

ANAIS' POV

"Anja Vemora V. Morales. Awards: Good Listener, Best in Spelling, Best in Science, Best in Math, Most Active, Most Cooperative, Most Behaved and, Environment-Friendly Kid."

Abot tainga ang ngiti ko habang umaakyat kaming tatlo sa entablado para tanggapin ang mga awards ni Anja.

"Thank you, Ma'am!" Nakipagkamay si Anja sa mga teachers na nasa entabldo at ganun din ang ginawa namin ni Jacob sa kanila. Pumunta kami sa gitna ng entablado at nilagay na namin ni Jacob ang mga award ribbons sa katawan ni Anja.

"Very good Anja. Ang dami mong awards. You make Mommy proud," sabi ko habang abala sa paglalagay ng ribbon. Nag-iingat ako dahil baka matusok si Anja ng pin kada ilalagay ko sa kanya ang ribbon.

"And you make your Daddy proud too, princess," Jacob said.

Pagkatapos naming ilagay ang mga ribbons ni Anja, isinuot ko naman sa anak ko ang gold medal na may nakaukit na 'Kindergarden Graduate' na may disensyo na libro sa gitna at trophy.

Nang mailagay ko na ang medal sa leeg ng anak ko, humarap na kaming tatlo kina Nanay at Mama na nasa baba ng entablado para kuhanan nila kami ng litrato. Sumenyas muna sina Mama kaya ngumiti na kaming tatlo sa camera. Nakaakbay si Jacob sa akin at at ako naman ay nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang-balikat ni Anja na nasa unahan namin.

Maraming beses pa kaming kinuhanan ng litrato nina Mama bago kami bumaba na tatlo sa entablado. Tinungo muna namin ang mga kaibigan naming dumalo sa Graduation Day ni Anja at agad nilang binati si Anja pagkalapit namin.

"Congrats, Anja."

"Congratulations."

"We are all proud of you, Anja. Ang galing mo sa school."

Sunod-sunod na pagbati nila sa anak ko pati narin ang mga bata hanggang sa si Marcus na ang pinakahuling babati sa Anak ko.

"Congrats! HAHA. Graduate ka na." Tumingin si Marcus kay Jacob. "Pwede na bang magka-boyfriend itong anak mo?" Tinuro nito si Anja.

Sinamaan siya ng tingin ni Jacob bago batukan sa batok ang kaibigan. "Wala ka talagang kwenta. Babatiin mo lang ang anak ko, kung ano na ang pinagsasabi mo."

Ngumuso naman si Marcus habang nakahawak sa leeg. "Tinatanong lang naman, ang init agad ng ulo mo. Chill ka lang, J. Chill," sabi ni Marcus.

Umupo na kami ni Jacob katabi ng mga kaibigan namin. Si Anja naman ay bumalik na sa mga kaklase niya sa unahan dahil doon uupo ang mga graduates.

"Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?" tanong ko kay Jacob nang makaupo na kami. Ngumiti si Jacob sa akin at inakbayan ako. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya bago tumingin sa stage kung nasaan ang iba pang mga estudyanteng umaakyat sa entablado.

"Huwag mo akong problemahin. Ayos lang ako."

"But your back wound hasn't healed much yet," I said referring to his wound where he was hit by the bullet.

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang nangyari ang insidenteng iyon at wala namang masyadong nangyari. Nanatili pa si Jacob ng ilang araw sa ospital bago kami umuwi sa Pilipinas nung nakaraang dalawang araw lang dahil nanatili muna kami sa France para siguradong makapagpahinga si Jacob kahit gustong-gusto na nitong umuwi ng Pilipinas.

"Don't worry about me, Anais. I should be the one asking if you're okay, not you."

Iniikot ko naman ang mga mata ko. "Buntis lang ako Jacob hindi katulad mo na nabaril, okay?"

Nagsisimula na naman kasi itong bantayan at protektahan ako ng sobra-sobra kahit buntis lang naman ako.

"Ayos nga lang ako. May nakikita ka bang problema sa akin? Diba wala? Ibig sabihin nun ay magaling na magaling na ako. Hindi na sumasakit ang likod ko." Tumahimik na lang ako at nanood na lang ng seremonya.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now