CHAPTER 14

293 75 0
                                    

Chapter 14

JACOB'S POV

"Meeting adjourned," I said once the meeting is finished. Nagsiligpitan ng mga gamit at nagsitayuan ang mga kasama ko sa meeting at nagpaalam sa akin bago lumabas.

Hindi ko kasama ngayon si Anais o sabihin na nating fiancè ko na dahil pinauna ko na siyang mag-lunch at hindi ko na siya sinama pa sa meeting. Mabo-bored lang siya dito at malilipasan siya ng gutom na pwedeng makasama sa kanya. I look at my watch. It's already past one in the afternoon at nagugutom nadin ako.

Nakakain na ba siya o kumakain pa din hanggang ngayon?

"Sir? May pipirmahan pa pala kayong mga papeles, dala na po yung ipapatayong na hotel sa Tagaytay na kailangan po ng approval niyo." I sighed.

Lumingon ako sa kanan ko kung saan ko makikita ang isa ko pang sekretaryang lalaki kapag hindi ko pinapagawa kay Anais ang ibang gawain.

Lucas Valeria is his name at isang taon ang agwat niya sakin. Hindi ito palasalita pero masipag ito at walang reklamo.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at inayos na ang mga gamit ko. Sinabi kong sumunod siya sa akin at pumunta na kami sa opisina ko. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong wala pa si Anais. I sat on my swivel chair and gestured my hand to put the files on the table.

"Lucas," tawag ko sa kanya bago pa ito tuluyang lumabas.

Agad namang itong humarap at naglakad palapit sakin. "Yes, Sir?"

"Can you ask some staffs outside kung nakabalik na si Ms. Vento?" Hanggang ngayon labag pa din sa loob ko na tawagin siya ng ganun pero sabi niya dapat daw akong masanay dahil nasa trabaho kami.

Wala na akong nagawa kundi pumayag.

"Yes, Sir. " Pagkatapos ay lumabas na ito. Kinuha ko muna ang mga papeles at inabala ang sarili dito.

Hindi rin nagtagal ay nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pintuan kaya inangat ko ang ulo ko mula sa mga papeles.

Sumilip lang ang ulo nito sa siwang ng pintuan. "Sir, sabi po nila hindi pa po nakakabalik si Ms. Vento." Akala ko wala na siyang susunod na sasabihin at dapat papaalisin ko na siya nang napahinto ako ng marinig ang susunod na sinabi niya. "Kasama niya po daw si Mr. Jerry Velasco." Kumunot ang noo ko at kumuyom ang mga kamao.

"You may go now," I said without even glancing at my secretary. Narinig kong sumarado na ang pintuan kaya tumayo ako at lumakad sa harapan ng lamesa ng paulit-ulit.

Bakit kasama niya ang lalaking yun?Magkasama ba silang kumain? Kung magkasama man sila bakit siya pumayag? Akala ko ba hindi niya gusto ang lalaking yon o akala ko lang ba?

Napahilamos na lang ako sa mukha at bumuntong-hininga. Dahil hindi ako mapakali ay lumabas ako ng opisina at pumunta kay Lucas.

"Lucas," kuha ko sa atensyon niya na nasa harapan ng computer. Nang makita niya ako ay agad nitong itinigil ang ginagawa at tumayo.

"May kailangan po kayo, Sir?"

"Give me a warning if Ms. Vento is aready here," iyon lang ang sinabi ko at pumasok na ulit.

Saktong pagkapasok ko ay tumunog ang selpon ko sa bulsa. Kinuha ko ito at umupo muna bago sumagot.

"Hey, J!" Nailayo ko ng kaunti sa tenga ko ang selpon na hawak nang bigla itong sumigaw.

"Can you please don't shout, Marcus?!" sabi ko pagkabalik ng selpon. "Bingi ba kausap mo?"

Narinig ko namang itong humalaklak. "Ikaw nga sumisigaw, eh," sandali naman itong huminto. "Hindi mo ba ako namiss? Ang pinakagwapo mong kaibigan? Ha? Ha? Ako namiss na kita. Mwah, mwah, mwah." Parang masusuka naman ako sa mga pinagsasabi nito.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now