CHAPTER 6

344 98 3
                                    

Chapter 6

JACOB'S POV

"Ah, may tanong ako." Kasulukuyan kaming naglalakad papunta sa cafeteria kung nasan ang mga kaibigan namin. Tiningnan ko ang relo ko.

Ilang minuto na lang matatapos na ang lunch time.

"Ano?" sagot niya habang diretsong nakatingin sa daan. Huminto ako kaya huminto din siya sa paglalakad at humarap sa akin.

Nag-iwas siya ng tingin ng magtagpo ang mga paningin namin. Simula ng maghiwalay kami sa pinagsaluhang halik namin, hindi niya na ako matingnan ng diretso sa mga mata.

Tumawa ako at tiningnan niya ako ng naiinis pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi niya. "Bakit ka tumatawa diyan?" iritang tanong niya.

Tawa ako ng tawa pero pilit napatigil din ng samaan niya ako ng tingin.

Nilagay ko ang dila sa pisngi ko para pigilan ang pagngisi. "Eh, bakit ka ba kasi nahihiya?"

"Nahihiya? Saan naman?" patay-malisya niyang tanong.

Alam ko na alam niya ang tinutukoy ko pero nahihiya lang itong umamin.

Hindi ko mapigilang humahalaklak nang malakas at pinisil ng mahina ang pisngi niya na nakadagdag sa pamumula.

Umakto akong tumitingin sa itaas at nag-isip. "Hmmmm. Hindi naman kaya sa halik kung bakit ka na lang nahiya bigla sa akin?" tanong ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay tinulak ako at nanguna sa paglalakad.

"Anais!" sigaw ko pero hindi siya huminto sa paglalakad.

Hindi pa siya nakakalayo ay nilagay ko ang dalawa kong kamay sa gilid ng bibig at sumigaw.

"Kung hindi mo ako papansinin ngayon din, hahalikan kita dito!!" Napahinto ang ibang mga estudyante at ang iba ay may pagtataka kung ano man ang namamagitan sa amin ni Anais.

Napangisi ako sa tagumpay ng huminto siya sa paglalakad at parang natakot mahalikan sa maraming tao na bumalik at huminto sa harap ko.

"Susunod ka naman pala eh. Pero kung gusto mong halikan kita pwede-pwede naman diba? Kung gusto mo nga ngayon na ay tutuparin ko nq walang pag-aalinlangan. Sabihin mo lang sakin at ibibigay ko. Gusto mo ba ng halik ko o hindi?" pang-aasar ko na ikinatawa ni Anais ng mahina.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Hinampas niya ako bigla sa braso kaya natauhan ako. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin na mukhang tangang nakangiti.

Well, ano naman ngayon? Ako ang pinakagwapo noh, so kahit anong gawin ko gwapo pa din ako. Hahahahahaha.

"Bakit ka nakangiti diyan?" Sumimangot ako.

"Wala lang. Ang halik ba natin ang unang halik mo?" nahihiya kong tanong at nag-iwas ng tingin.

"Pano kung sabihin kong hindi?" prangkang tanong niya sa akin at ngumiti.

Nagtiim-bagang ako at kumuyom ang mga kamao na nilingon siya. "Sino?" inis kong tanong.

Kinagat niya ang mga labi niya at ngumisi. "Just kidding."

Nang hindi ako sumagot ay niyakap niya ako at hinalik-halikan ang pisngi ko. Bigla naman lumambot ang puso ko sa ginawa niya at nawala ang inis na nararamdaman ko. "Syempre ikaw ang first kiss ko. Promise," at tinaas pa nito ang kanang kamay niya na parang nanunumpa. "Joke lang ang sinabi ko."

"Talaga?" paninigurado ko at tumaas ang kilay. "Kasi first kiss ko din 'yon," sabi ko at ngumuso.

Napangiti siya sa sinabi ko. "Weh? I mean hindi ka pa nagka-jowa?" tanong nito at tumango ako ng dalawang beses.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon