CHAPTER 21

228 64 386
                                    

Chapter 21

JACOB'S POV

Five years later.....

"Marcus, ano ba?! Bakit ang tagal-tagal mo?! Nasaan na ang inuutos ko sayo?!" rinig sa bawat sulok ng kabahayaan ang malakas na sigaw ni Cessy.

Nakita naming tarantang-tarantang lumabas ng kusina si Marcus. "Eto na! Eto na!" Lakad-takbo itong lumapit kay Cessy at inilagay sa lamesa ang bitbit nitong pinggan na may berdeng mangga at bagoong.

Pinunasan ni Marcus gamit ng likod ng kamay nito ang noong pawis na pawis. "Hindi makapaghintay," pabulong nitong dagdag.

Nanlilisik naman ang mga mata ni Cessy na tiningnan si Marcus.

"Aray! Ang sakit!" namimilipit sa sakit na sigaw ni Marcus nang kurutin siya ni Cessy.

"Magrereklamo ka pa, ha?" sabi ni Cessy habang kurot-kurot ang tagiliran ng isa.

"Hindi na...Hindi na po..." Kinurot pa ni Cessy ito ng isa pa bago pakawalan. Umayos ito ng upo at sinimulan na nitong kainin ang mangga.

May binubulong-bulong si Marcus habang papalapit sa amin.

"Mahirap talaga kapag buntis," sabi nito at umupo sa tabi ko. "Mas lumala pa ang ugali."

"Ginusto mo 'yan, tapos magrereklamo ka?"

"Kung makautos wagas."

"Marcus, anong sabi mo?!"

"Wala po akong sinabi."

"Narinig ko!"

"Bakit mo pa tinanong?!"

Pinapanood lang namin silang magkakaibigan hanggang sa batuhin ni Cessy si Marcus ng mangga na may bagoong. Tumayo si Cessy bitbit ang pinggan at iniwan ang nakabusangot na mukha na si Marcus.

"Kaya mo 'yan." Tinapik-tapik ni Leo si Marcus sa balikat.

Bumuntong-hininga si Marcus. "Nakaputi pa naman ako." Tinanggal ni Marcus ang mangga na nasa damit nito at nilagay sa lamesa. Pinapagpagan din nito ang shirt pero hindi natatanggal ang mantsa ng bagoong.

"Dapat masanay ka na." Dumating si Adrian galing sa kusina. Gaya ni Marcus ay may pinggan din itong dala ng mangga at bagoong.

"Here," sabi nito at tsaka umupo sa tabi ni Jessie.

"Thank you."

"Papaaaaa!!" umalingawngaw ang isang matinis na boses ng isang bata.

Si Marcus na kakatayo lamang at aalis sana ay napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Miesha!" Nakangiting lumuhod ito at binuka ang mga braso. Mabilis namang tumakbo ang bata sa mga bisig nito.

"Papa! I miss you!"

Tumayo si Marcus na kalong-kalong ito. "You miss, Papa, Miesha?" Maraming beses na tumango ang bata. Naningkit naman ang mga mata ni Marcus. "May kailangan ka sa akin kaya ang sweet-sweet mo, ano?" tanong nito.

Tumiklop naman ang bibig ng bata.

"What is it?"

"I want chocolates!!"

"Marami ka ng chocolates dito," sabi nito.

"But, Papa, I want La Madeline au Truffe."

Kumunot ang noo ni Marcus. "What did you say?"

"I want some La Madeline au Truffe," ulit nito.

"What is that?"

Umirap ang bata at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "I obviously said chocolate, didn't I?"

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now