CHAPTER 18

278 76 35
                                    

Chapter 18

ANAIS' POV

"Anais! Anais! Wake up! Wake up!" Nagising ako sa sigaw at pagyugyog ng kung sino man sa balikat ko. Umungol lang ako at kinuha ang unan na hinihigaan ko at tinakip sa mukha ko.

Kaaga-aga! Nangigising ng tao!

"Anais! Gumising ka na! Gising na!" Patuloy pa din ito sa pagyuyog ng balikat ko. "Gising!" sigaw nito.

"Stop Cessy," irita ko siyang pinatigil sa ginagawa niyang pangigising sakin.

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tumalikod sa kanya. Tumigil naman ito agad sa ginagawa at naramdaman kong umalis ito sa kama. Narinig ko pa ang mga yabag nitong papalayo.

Salamat naman! Ang pinakaayaw ko pa naman ang ginigising ako sa umaga. Ang sarap na nga ng tulog mo nagawa ka pang istorbohin.

Babalik na sana ako ng tulog nang may humila sa unan na tumatakip sa mukha ko at binuhusan ako bigla ng isang malamig na tubig.

"What the-?!" Agad naman akong napamulat at napabangon sa kama.

Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko para maalis ang tubig. Basang-basa ang buhok ko pati narin ang damit ko.

Sinamaan ko ng tingin ang taong may dalang isang baso at nagbuhos ng malamig na tubig sakin.

Ngumiti ito na akala mo namang walang ginawang hindi nakakainis. Nang hindi ko man lang inalis ang masamang titig ko sa kanya ay tsaka lang siya nahihiyang ngumiti sakin.

"Peace!"

Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. Ipinatong muna nito sa lamesa ang baso sa gilid bago yumakap sakin. "Sorry na Anais." Hinalikan ako ni Cessy sa pisngi ng pulit-ulit. Nang hindi ko siya pinansin ay nagulat na lang ako nang magsimula na akong kilitiin nito sa tagiliran.

Napahiga tuloy kami sa kama sa ginagawa niya sa akin. "Stop. Stop. HAHAHAHAHA." Hindi ako makasigaw dahil sa tawa. "HAHAHAHAHAHA. Tama n-na..."

Ilang sandali rin ay tumigil na si Cessy sa kakakiliti sa akin nang makitang hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa ginagawa niya. "Bangon na!Kanina pa kita ginigising diyan," she said.

Habol ko naman ang hininga ko. "Ano na bang oras at parang mas excited ka pa kaysa sa akin?" Bumangon na ako sa kama. Dumiretso ako sa banyo at nagsimula ng ayusin ang sarili ko. Nagtoothbrush ako at tsaka naghilamos.

Ang pinakahihintay naming araw ay dumating nadin sa wakas. Ngayong araw na gaganapin ang araw ng kasal ko. Magkahalong kaba at excited ang nararamdaman ko. Gusto ko pa ngang umiyak dahil ikakasal na ako sa lalaking sobrang mahal na mahal ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako at nakita kong hinihintay ako ni Cessy habang nakaupo ito sa kama.

"Ikakasal na ang bunso namin," bigla itong nagsalita ng madrama. Narinig ko pa itong sumisinghot-singhot kaya tinulak ko siya ng mahina.

"Anong dinadrama-drama mo diyan?Ikakasal lang ako, noh. Hindi naman ako mahihiwalay sa inyo ng ilang taon," sabi ko at umirap sa kadramahan ng kaibigan ko. "At 'wag mo na akong tawaging Bunso," utos ko sa kanya.

Tinatawag nila akong "Bunso" dahil ako ang pinakabata sa aming lima. 23 years old na ako ngayon habang sila ay one year ahead sakin.

"No." Pinanlakihan pa ako nito ng mga mata. "Ayan ang nickname namin sayo diba? Kahit magpapakasal ka na, ikaw pa din ang Bunso namin. Diba Bunso?" I can't help, but to smile. Tinatawag nila akong "Bunso" kapag kami-kami lang lima.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now