CHAPTER 33

206 53 445
                                    

Chapter 33

ZINNIA'S POV

When I said those words, I saw the joy in his eyes. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ito.

Akala ko hahalikan niya ako sa labi nang bumaba ang mukha nito pero nagkakamali ako. Hinalikan ako ni Jacob sa noo, bago bumaba sa talukap ng mga mata ko, sa magkabilang pisngi ko, sa ilong, at ang panghuli ay sa labi ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya habang tinutugon ang mga halik niya. Dahan-dahan ang halik nito at hindi nagmamadali. Ipinaparamdam niya talaga sa akin ang nararamdamaan niya. Hindi iyong iisipin kong habol lang niya ang katawan ko kahit alam ko namang hindi siya ganung klaseng tao.

Bumaba ang halik niya sa pisngi ko at baba pa sana sa leeg ko nang mapatigil ito nang marinig ang pagtunog ng doorbell.

He groaned in frustration.

"Jacob," tawag ko sa pangalan niya at tinapik pa ang braso nito nang ipagpatuloy nito ang ginagawa. "Someone is outside," sabi ko habang pinipigilan ang umungol nang halikan at kagatin nito ang leeg ko.

"Tsk!" Padabog itong umalis sa ibabaw ko at umalis ng kama. "Istorbo," sabi ni Jacob habang ginugulo ang buhok niya. "Diyan ka lang, babalikan kita. Titingnan ko lang kung sino," he said before leaving the room.

Bumuntong-hininga ako bago umupo at sumandal sa ulunan ng kama.

Istorbo nga.

Tahimik lang ako habang hinihintay si Jacob na pumasok ulit sa kwarto. Dahil sa nag-iisa ako, bigla na lang pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Jerry kanina.

Naalala ko na naman ang masasakit na salita na sinabi niya sa akin kaninang umaga. Aaminin kong nasaktan ako dahil sa mga sinabi niya pero totoo naman ang mga sinabi nito kaya wala dapat akong karapatang masaktan. Hindi man ako lumandi, pero may nangyari pa rin sa amin ni Jacob.

Iniisip ko kung wala ba talagang nangyari sa amin ni Jacob kahit halik man lang, pagdududahan pa din ba ako ni Jerry at sasabihin sa akin ang masasakit na mga salitang iyon? Hindi ko talaga akalaing pagsasalitan niya ako ng ganung mga salita.

Huminga ako ng malalim.

Don't think of him, Zinnia.

Napakunot ang noo ko nang lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin bumabalik dito si Jacob. Napagpasyahan kong tingnan ito kung bakit ito nagtagal sa labas kaya umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay natigilan ako. Hindi dahil sa nakita ko si Hector dito kundi sa babaeng nakaangkla ang kamay sa braso ni Jacob.

"Ms. Beautiful, nagkita tayo uli!" bati sa akin ni Hector at kumaway pa sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya kahit hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon.

"Hi, I'm Natasha," biglang sabi ng babaeng nasa harap ko. Nilahad nito ang kamay niya sa harap ko.

Medyo kulit ang buhok nitong itim na hanggang baywang ang haba, pulang-pulang labi dahil sa lipstick na nakalagay sa labi nito, at ang suot nitong sobrang igsing damit na pwede ng makita ang singit nito.

Napatingin ako kay Jacob at kita ko sa itsura nito ang kaba at takot habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa babaeng nangangalang Natasha bago ko tinanggap ang kamay niya. "Zinnia," pagpapakilala ko pabalik sa kanya.

Napangiwi ako ng kaunti dahil sa higpit ng pakikipag-kamay nito sa akin. Wala pang limang segundo pero binitawan na lang nito bigla ang kamay ko.

"I brought food for our lunch." Itinaas ni Natasha ang isang kamay niya kung saan hawak niya ang dalawang plastic ng pagkain.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now