CHAPTER 1

651 132 8
                                    

Chapter 1

JACOB'S POV

Five years later......

Last year na namin and finally matutulungan ko narin sina Mama at Papa sa business namin. Hotels and Clubs ang pagmamay-ari ng mga magulang ko na minana nila sa lolo at lola ko. Sabi kasi ni Papa kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral, ako na ang magmama sa ibang business namin dito sa Manila. At eto na nga, makakapagtapos nadin ako pati ang mga kaibigan ko. Lahat ng paghihirap ay kinaya namin and this is the result! Graduating na kami in three months.

Pero apat na taon na nga pero hindi ko pa rin nakukuha ang babaeng unang nakakakuha ng atensyon ko sa first day of school namin at sa buong buhay ko.

Si Anais Vento.

Paano kasi nahihiya ako at hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya na sa limang taon ay nahulog nalang ako sa kanya na hindi ko inaasahan.

~~FLASHBACK~~

Unang araw na ng pasukan namin ngayong taon at excited na ako. Nag-aayos na ako ngayon ng susuotin ko ngayong araw dahil wala pa kaming uniform. Ang sinuot ko ay isang blue polo shirt, maong pants at ang bago kong sapatos na Air Jordan Silver.

Pagtapos kong mag-ayos ay naglagay ako ng pabango sa katawan at relo sa kaliwang pulsuhan ko bago ko tiningnan kung anong oras na.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung anong oras na.

7:30 a.m. ang pasok namin at 7:15 a.m. na ngayon!

Dali-dali ko namang kinuha ang susi ng sasakyan ko sa ibabaw ng bedside table. Napamura pa ako ng mahulog pa ito kaya pinulot ko ang susi ng mabilis at bumaba ng hagdan. Muntikan pa akong matapilok habang pababa kaya napamura na naman ako.

Sa sobrang pokus ko sa pag-aayos ng sarili, hindi ko namalayan kung anong oras na.

Nadatnan ko pa sila Mama at Papa na nagkakape and as usual ay nakabihis na sila pangtrabaho. Maaga kasi sila umaalis para sa trabaho.

"Son are you going now?" sabi ni Papa pagkatapos nitong humigop ng kape sa tasa.

"Yes, Pa. Late na nga ako," sabi ko. "Bye, Pa, Ma," pagpapaalam ko sa kanila.

Lakad-takbo akong lumabas ng bahay papunta sa garahe namin at sumakay sa Aston Martin-77 na kotse ko. Pasalamat na lang ako dahil hindi traffic papunta sa school ko kaya makakaabot pa ako oras.

Pagkarating ko ng High University, nag park kaagad ako at lumabas ng sasakyan. Pagkababa ko, marami akong nakuha na atensyon lalong-lalo na ng mga kababaihan. Syempre sanay na ako noh, ako pa naman nga pinanganak na ubod ng gwapo at ibig sabihin non marami ding nahuhumaling na babae sa akin. Pero wala akong pakialam sa kanila dahil hanggang tingin lang naman sila sa akin.

Sa totoo lang wala pa akong minahal na babae. Oo nagkagusto ako at nagka-crush. Pero minahal? Wala pa. Wala rin akong naging girlfriend at wala rin akong niligawan na babae. At lalong-lalo na, wala pa akong nakahalikan.

Minsan tinutukso pa nga ako nina Marcus at Leo kung bading daw ba ako dahil hindi nila ako nakikitaan ng interes sa mga babae.

Eh anong gagawin ko kung wala pa akong nagustuhan na babae? Alangan naman pilitin kong magkagusto sa isang babae?

"Hayyssss...Buhay nga naman, oh." Bumuntong-hininga na lang ako bago naglakad at tinunton ang Room 159 sa 4th floor ng university.

Up to 5th floor ang HU. Mayroong malaking quadrangle, basketball at volleyball court, cafeteria, at swimming pool area.

Binabati ko ang mga teachers na nakakasalubong ko at kung sino-sino lang. Pagkarating ko sa classroom namin ay maiingay na kaagad ang mga estudyante kahit unang araw pa lang ng klase. Pero ang pinakamalakas na boses talaga ang dalawa kong kaibigan na baliw na sina Marcus at Leo.

Naglakad ako papalapit sa kanila at nang makita nila ako ay nakatanggap ako ng batok galing kay Marcus.

"Aray"

Hindi naman talaga masakit. Parang acting-acting lang.

"Bagay nga sayo. So ganyan ka na lang eh noh? Pangit mo na nga nale-late ka
pa," pang-aasar ni Marcus.

"Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo," sabi ko.

"Mas nakakahiya ang mukhang 'to," tinuro niya ang mukha ni Leo.

Pinalo ni Leo ang kamay ni Marcus. "Nananahimik ako dito, idadamay mo pa ako."

"Aba-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Marcus dahil nagring na ang bell.

Pumila na kaming lahat dahil ang ibig sabihin ng bell ay pupunta na kami sa quadrangle para sa flag ceremony.

Ganun naman yata ang lahat ng paaralan, eh. May flag ceremony kada Monday.

Napatingin ako sa dalawa na nag-iingay na naman.

"Kita mo 'to? Kita mo 'to? Ako ang mas mataas sayo, noh."

"'Wag kang sinungaling diyan Leo. Parehas lang tayo ng height. Huwag kang ano diyan."

Pagkapila namin ay bumaba na kami sa quadrangle. Si Marcus ang pinakamataas sa aming apat, sunod si Leo, ako at panghuli naman ay si Adrian. Maliit lang naman ang difference naming apat pagdating sa height. Mga inch-inch lang.

Pagkatapos ng 45 minutes of flag ceremony umakyat na kami pabalik at umupo sa aming silya, bale magkatabi kaming apat.

Marcus|Ako|Leo|Adrian

Habang papasok pa ang iba naming kaklase, busy naman silang tatlo sa pag seselpon. Ako naman ay tumitingin lang sa mga papasok na mga estudyante.

Tsk. Busy?

Sa aming apat, ako lang talaga ang hindi pa nagkakaroon ng girlfriend. Si Marcus dalawa pero ngayon ay single.

Si Leo at Adrian naman ay meron ng kanyang-kanyang girlfriend at una nila iyon.

Minsan nga tinanong ko sila kung paano magmahal at kailan iyon nararamdaman at ang sinabi sa akin ni Adrian ang tumatak talaga sa isip ko.

"Love is also an action, not just a feeling.
Truly loving someone means caring for them in the ways that they need to be cared for with no strings attached. That's why they call it unconditional love. There's not a one-size-fits-all instruction kit for how to love someone.

Love is the biggest risk you can ever take. You literally put your life and your heart in someone else's hands and give them the chance to either make or break you.

Ang sakit nila ay ang sakit mo. Ang kasiyahan nila ay kasiyahan mo rin. Lalong lumalaki ang pagmamahal mo para sa taong iyon, mas napagtanto mong gagawin mo ang lahat para sa kanilang kaligayahan.

Ang mga taong tunay na nagmamahal ay may posibilidad na ituon ang positibong mga katangian ng kanilang minamahal, habang tinatanaw naman ang mga negatibong ugali. Nakatuon din ang pansin nila sa mga kaganapan at bagay na nagpapaalala sa kanila ng kanilang minamahal, nangangarap ng panaginip tungkol sa mga mahahalagang maliit na sandali."

Napangiti ako sabay ng pagtingin ko sa pinto pero natigilan din kaagad ako.

Itutuloy.....

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now