CHAPTER 41

213 50 467
                                    

Chapter 41

ANAIS' POV

"How many years have you been here, Mommy?" Anja asked when she finished eating.

Gaya ng sinabi ko kahapon kay Anja, nagkita nga kami ngayong umaga. Kasama niya si Jacob na tahimik pa din na nakupo sa harapan naming dalawa pero nakikinig sa pag-uusap namin ni Anja.

Pinunasan ko muna ang bibig ko ng tissue bago sumagot sa tanong ni Anja, "More than five years," I answered.

More than five years ko na pala kasama ang sinungaling.

Lihim naman akong napairap sa naisip ko. Tinatawag ko na siyang 'Sinungaling' ngayon sa isip ko dahil iyon naman ang tamang salita na nababagay sa kanya. Sinungaling siya at iyon na iyon, wala ng iba. Marami na siyang ginawa na palagi ay kasinungaling lamang pati narin ang mga sinasabi niya kaya bagay na bagay talaga sa kanya ang titulong, 'THE GREAT LIAR OF ALL TIME.' Kung gusto niya, ako pa ang magsasabit sa kanya ng sash niya at crown nadin para bonggang-bongga.

Padabog kong kinuha ang tinapay na kinakain ko ngayon at inis na kinagat.

Merde. Ang ganda-ganda ng umaga ko pero bigla na lang pumangit.

"Galit ka ba sa tinapay?" biglang tanong ni Jacob kaya napatingin ako sa kanya.

"No," tanggi ko kaagad sa sinabi niya.

Sumandal ito sa upuan bago ngumisi ng kaunti. "I feel sorry for the bread." turo nito sa tinapay na hawak ko. "Halos madurog na sa pagkakahawak mo." Napatingin naman ako sa kamay kong mahigpit ang hawak sa tinapay. The bread in my hand was almost thin because of the tightness of my grip. Napasimangot ako.

I'm sorry bread. It's not my fault you can't breathe because of me. Kakainin din naman kita kaya walang problema. Don't blame me, blame Liar. Hindi ka sana pumayat ng ganito kung hindi lang sa Sinungaling na 'yon.

Narinig kong tumawa si Jacob pero inirapan ko lang siya at kinain na ulit ang tinapay ko.

Tawa pa, nakakatawa naman. Sobra.

"Si Jerry din po ba ang kasama mo, Mommy?"

Binanggit pa talaga. Nawala na nga sa isipan ko ang Sinungaling kahit sandali lang, bumalik na naman.

Napatingin ako kay Jacob na nakaiwas na ngayon ang tingin sa aming dalawa ni Anja habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Yes," I answered truthfully.

"Are you happy with him naman po?" Natigilan naman ako.

Masaya nga ba ako kapag kasama ko siya nang hindi pa ako nakakaalala?

Aaminin kong kahit minsan naman ay masaya ako sa simpleng paghahanda niya lang ng pagkain naming dalawa. Kasi sa isip ko kahit na minsan lang siyang umuwi sa bahay, masaya naman ako na inaalagaan niya pa din ako at pinagluluto ng makakain. Pero ang lahat ng iyon ay noong hindi ko pa maalala ang mga alaala ko.

"Of course." But, before.

I really tried. I really tried to remember, but every time I force myself to remember, my head hurts too much. Sa pagpipilit ko sa sarili kong makaalala, nahihimatay ako minsan.

Tinanggap ko sa sarili ko na asawa ko talaga si Jerry nang ipakita niya sa akin isang araw ang marriage certificate naming dalawa kahit parang may nararamdaman kong may mali sa loob-loob ko. Pero dahil sa marriage certificate, binalewala ko na lang ang nararamdaman ko. Nang tinanong ko naman sa kanya kung bakit ako nagka-amnesia, sinabi niya naman na naaksidente raw ako dahil nasagasaan ako ng sasakyan. Wala rin daw kaming litratong dalawa dahil nasunugan daw kami bago ako maaksidente at wala raw kaming mga gamit na naisalba. Pinaniwalaan ko naman ang kasinungalingan niya noon dahil wala akong maalala. Pero ngayon? Hinding-hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi niya.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now