CHAPTER 19

236 69 102
                                    

Chapter 19

JACOB'S POV

"We didn't know it would happen on the day of their wedding."

Nakarinig ako ng mga hikbi.

"How can we tell our son that...that..."

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ako makapag-isip ng maayos, nahihirapan ako sa kalagayan ng d-dalawa. Napakabilis ng mga pangyayari. "

"This is hard."

Sinusubukan kong igalaw ang katawan ko pero wala akong lakas, nanghihina ako. Pati ang pagbukas ng mga mata ko ay hindi ko magawa-gawa man lang. Parang kinuha ang lahat ng lakas sa katawan ko kaya ako nagkakaganito, hindi makagalaw at makakilos at hindi pwede 'yon. Hindi pwedeng ganito lang ako. Hindi ako papayag. Kailangan kong makita ang asawa ko. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya at kung anong lagay niya ngayon.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko hanggang sa maigalaw ko kahit isang darili ko lamang.

"Jacob? A-Anak?" Narinig ko ang boses ni Mama.

She must have noticed my finger.

I was finally able to open my eyes. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sakin ang isang nakakasilaw na ilaw na nagpapikit sa akin ulit.

"Call the Doctor!" sigaw ni Mama at narinig ko ang yabag na mabilis na umalis.

"Jacob? Anak? Mama's h-here.." Hinaplos ni Mama ang pisngi ko.

Iminulat ko ulit ang mga mata ko at sumalubong na ngayon sakin ang mukha ng Mama ko.

"Do you need anything?" I could see the concern in her eyes.

"Nasaan si Anais, Ma?" agad kong tanong sa kanya.

Natahimik ito at nagsimulang umiyak sa harapan ko.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. "Ma, where's Anais? N-Nasaan ang asawa ko?" Tahimik lang itong nakatingin sakin. "Tell me please," pagsusumamo ko.

Nang hindi pa rin ito nagsalita ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Ma!Please tell me where Anais is! Sasabihin mo lang sakin ganun ba 'yon kahirap?!" Unti-unti ng bumagsak ang mga luha ko. "Gusto ko siyang makita Ma! Please!" Humagulgol ito.

"No! Hindi ka aalis!" Pinahiga ako ulit ni Mama pero inalis ko lang ang kamay niya. "Makinig ka sakin Jacob! Hindi ka pa magaling!" sigaw nito sa akin pabalik.

Sinamaan ko ng tingin si Mama. "Uunahin ko pa ba ang sarili ko, Ma, kaysa kay Anais?! Kaysa sa asawa ko?! Bakit niyo ba ako pinipigilan ha?! May nangyari ba sa kanya?! Kung mayron man dapat nasa tabi niya ako! Binabantayan at inaalagaan ko siya dahil ako ang asawa niya!" Tinuro ko ang sarili ko. "Kahit hindi ko na aalalahanin ang sarili ko! Kahit hindi pa ako maggaling at nagpapahinga ayos lang sakin! Ang gusto ko lang malaman ay kung ayos lang ba siya at kung anong lagay niya! Kung maayos siya magiging maayos nadin ako!" Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko sa pisngi ko.

Pinilit kong tumayo kahit ang sakit-sakit ng katawan ko.

Makita ko lang si Anais, okay na ako.

Pinigilan ako ni Mama. "Jacob please! Listen to Mama!"

"Paano ako makikinig sa inyo kung ikaw nga hindi mo ako pinapakinggan?" gumaralgal ang boses ko. "Ang hinihiling ko lang ang makita ang asawa ko. Ganon ba 'yon kahirap? Ha? Ma? Minsan na nga lang ako humiling sa inyo ni Papa hindi niyo pa maibigay sakin." Tinakpan ko ang mukha ko. "All I w-want is my Anais m-my Wife." Hinagod ni Mama ang likod ko pero nilayo ko ang katawan ko.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now