SPECIAL CHAPTER: DIARY

214 42 324
                                    

Special Chapter: Diary

ANAIS' POV

Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala ng kanilang bahay habang hawak-hawak ang isang maliit na notebook. Binigay ito sa akin ni Jacob kung saan dito nakalagay ang lahat ng mga sinusulat niya. Kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon at kung ano ang ginagawa niya.

Mula sa araw na ibinigay ito sa akin ni Jacob, araw-araw kong binabasa ang laman ng notebook nito. Gusto ko palaging binabasa kung paano nakayanan at ano-ano ang mga pinagdaanan ni Jacob nang wala ako.

Binuksan ko ang notebook na nasa kamay ko. Maganda at malinis ang pagkakasulat ni Jacob ng bawat letra dito. Hindi pa man ako nagsisimulang magbasa ay may luha ng namumuo sa mga mata ko.

#1

Hey, Baby. Ginawa ko ito para sayo kahit alam ko namang hindi mo mababasa ito. Kung mabasa mo man ito, sana hindi ka makornihan kung ano man ang isusulat ko rito. First of all, gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Kung buhay ka siguro at kasama kita ngayon, siguro nakayakap ako sayo habang paulit-ulit na sinasabi kung gaano kita kamahal. I love you so much, Baby. Sobrang mahal kita. Kung nasaan ka man ngayon, sana hindi mo kami makalimutan ng anak mo.

#3

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil nakita kita o hindi. I talked to you for a few minutes even though I knew you were just my imagination. Na hindi ka totoo dahil alam ko namang wala ka na pero dahil sa pagmamahal ko sayo, pilit kong sinasabi kung pwede ka bang bumalik sa amin kahit alam kong napakaimposible ng hinihiling ko sayo. Sinabi mo sa akin na dapat matututo akong magmahal ng ibang babae maliban sayo pero paano ako magmamahal ng ibang babae kapag ikaw palagi ang sinisigaw ng puso ko? Masakit kasi isipin na papalitan kita sa puso ko. Masakit isipin na magmamahal ako ng ibang babae dahil wala ka na. Eh di sana kung mababaw lang ang pagmamahal ko sayo, sana iniwan na kita para sa ibang babae pero hindi ko ginawa iyon dahil ikaw lang. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko sa mundong ito.

#5

Halos isang buwan na ang nakalilipas simula nang mawala ka pero ayaw ko pa ring maniwala na wala ka na. Na hindi ka na namin makakasama ng anak natin. Masama bang hilingin na sana hindi ka na lang kinuha mula sa amin? Na sana buo pa tayong pamilya hanggang ngayon? Ang sakit-sakit kasi Anais dahil kada iisipin kita, naalala ko lang kung paano ka unti-unting nawala sa amin. Kung paano mo kami iniwan bigla. Dapat nga masaya tayo hanggang ngayon, eh, pero hindi. Kahit nandito si Anja sa tabi ko, hindi ko pa rin maiwasang malungkot at masaktan dahil iniisip ko pa lang na wala ka na sa tabi ng anak natin habang lumalaki siya ay ang sakit-sakit na.

#48

Hi, Baby. Alam mo kung anong araw na ngayon? Ngayon ang unang araw na papasok sa school ang anak natin at sobra-sobra siyang excited na pumasok. Gusto niya raw ng maraming kaibigan kaya kakaibiganin niya ang lahat ng kaklase niya pati ang mga teachers niya. Sayang nga lang dahil hindi natin maihahatid at sundo ng sabay si Anja sa school niya. Pero kahit ganun, alam ko namang binabantayan mo kami ng anak mo sa mga masasama. Angel ka namin kaya inilalayo mo kami sa mga masasama at kapahamakan diba? Pinagpre-pray ka rin namin ng anak mo na sana kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka at ayos ka lang.

#65

Anais, alam mo bang binubully ang anak natin dahil hindi raw kumpleto ang family niya? Siguro oo dahil binabantayan mo kami mula sa itaas. Alam mo namang ayaw kong nasasaktan at umiiyak ang anak natin kagaya mo dahil pinoprotektahan ko kayo, inaalagaan at mahal na mahal kaya nasasaktan ako kapag nakikita kong binubully siya ng mga kaklase niya. Pilit ko ring pinapatatag ang sarili kong huwag umiyak sa harap ng anak ko palagi. Kahit masakit para sa akin, pinagpatuloy ko pa rin ang mabuhay dahil iniisip ko sa mga sandaling gusto ko ng sumuko ay kung paano na ang anak natin? Paano na kapag iwan ko si Anja? Ano na ang mangyayari sa kanya? Nawala na ang ina niya at iisipin ko pa lang na dalawang napakaimportanteng tao ang nawala sa kanya kahit sobrang bata pa lang niya ay parang hindi ko na kaya. Kahit nag-iisa na lang ako ngayon basta may Anja pa ako sa buhay ko ay magpapatuloy pa rin ako sa buhay ko. Ayaw mo namang iwan ko rin ang anak natin kaya hindi ko ginawa at hindi ko gagawin kahit kailan.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now