CHAPTER 42

198 47 470
                                    

Chapter 42

ANAIS' POV

Nanghihina akong napaupo sa labas ng ER kung nasaan inooperahan ngayon si Jacob. Nilagay ko ang dalawang siko sa magkabilang tuhod bago ko inilagay ang mukha ko sa palad ko at umiiyak.

This is all my fault. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. If only I hadn't met them again, nothing like this would have happened. Kung sana inignora ko na lang sila nang makita nila ako at hindi kinausap. Mas maayos na iyon kaysa naman ganito ang mangyayari. Ganito ang kahahantungan. Sana tinuring ko na lang silang parang estranghero para hindi ito mangyayari lalong-lalo na kay Jacob. Sana hindi siya nabaril hindi lang isang beses kundi dalawang beses.

Maraming 'Paano kung' sa isip ko kung paano kaya kung ginawa ko nga iyon? Anong mangyayari? Wala bang mangyayaring masama kay Jacob? Hindi ba siya mababaril ni Jerry? Hindi ba siya sana inooperahan ngayon? Hindi ba kami aabot sa ganitong sitwasyon?

Tama nga si Jerry. Ang tanga-tanga ko talaga. Nangako akong poprotektahan ko sila kay Jerry para hindi sila masaktan pero ako ang naglalagay sa kanila sa kapahamak. Ako ang pumapahamak sa kanila. Dahil sa ginawa ko ay may nasaktang isa sa pinakaimportante sa buhay ko. Isa sa mga mahal ko.

"D-D-Daddy, Mo-Mommy." Agad kong pinunasan ang pisngi ko at humarap kay Anja. Kinulong ko ang mukha niya sa dalawang palad ko.

"Daddy will be fine, okay?" I said. "Walang mangyayaring masama sa kanya. He said he would not leave us kaya lumalaban si Daddy. Hindi niya tayo iiwan." Ngumiti pa ako. "Let's just pray na sana magiging maayos na si Daddy, ha?" Pinunasan ni Anja ang mga mata niya bago tumango. Umupo muna kami ng maayos. Nagsign of the cross kami bago pinagsiklop ang mga kamay namin bago yumuko at nanalangin.

Panginoon, hindi ko alam kung ano ang hahawak ng mga araw na ito para sa amin. Hindi ko alam kung magiging madali ba ang aming landas o puno ng mga katanungan. I don't know if we'll stray, or stay in the light of your presence. Pero ang alam ko lang ngayon ay mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya iiwan. Hinihiling ko sa iyo na bigyan mo ng lakas ng loob, lakas at pag-asa kami at iba pang mga pamilya dito na nasa ospital na nag-aalala sa mga mahal din nila sa buhay kagaya namin. Ipinagdarasal ko na alisin mo ang aming mga alalahanin mula sa aming mga isipan at ilagay sa aming mga puso ang laki ng iyong pag-ibig. Let Your presence be near to them right now. Give them peace as they prepare for surgery and remind them that You are with them. Thank You for comforting us both today with Your Presence. In Jesus' name,

Amen.

Nagsign of the cross ako ulit.

Guminhawa ng kaunti ang pakiramdam ko pagkatapos kong manalangin.

"Done praying?" I asked Anja after I prayed. Tumango ito sa akin. Umusog siya papalapit sa akin bago ako niyakap. Niyakap ko rin pabalik ang anak ko at hinalikan siya sa noo.

"Jacob is strong. Hindi siya bibitaw dahil alam niyang hinihintay siya ng pamilya lalong-lalo na ang mag-ina niya. Hindi siya bibitaw dahil alam niyang mabubuo ulit kayo na isa sa mga hiling niya noon pa man." Umangat ang ulo ko nang biglang may nagsalita. Ngumiti ako sa isang lalaking nakatayo sa harap namin habang nakapamulsang nakatingin sa aming dalawa ni Anja.

"Hector," I called his name. Lumipat naman ang tingin ko sa katabi nitong lalaki. When he felt me ​​looking at him, he looked at me too. Tumikhim ito bago nilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Just call me Flynn." Nakipagkamay ako sa kanya. Umupo si Hector sa tabi ko at umupo rin si Flynn sa tabi naman ni Hector.

"How did you know that....." I deliberately did not pursue what I was about to say.

He pointed at Flynn. "Because of him." Napatingin ako kay Flynn na nakasandal sa upuan habang nakatingala. Problemado pa itong bumuntong-hininga tsaka pumikit.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon