PROLOGUE

1.3K 157 16
                                    

Prologue

JACOB'S POV

"J!" sigaw ng mga kabarkada ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa isang cafe shop. Nandito kami ngayon dahil ngayong araw na kami mag-e-enroll na magkakaibigan bilang isang college students.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan na para sa akin. Pagkaupo ko, binigyan naman ako nila ng isang tingin na nakakamatay.

Sino ba naman ang hindi kung ang pinag-usapan namin ay nine kami magkikita pero si ako naman ay walang pakialam na dumating isang oras late?

Sa totoo lang wala talaga akong pakialam. Gustong-gusto ko kapag inaasar ko ang mga kaibigan ko. Tutal wala naman silang laban sa akin dahil ako ang pinakagwapo sa aming lahat at sila ay masasabi nating gwapo din pero ako ang pinakagwapo at habulin ng mga babae. Pero-

"Bakit late ka? 'Wag mong sabihin na traffic dahil maaga pa lang. Hindi ako maniniwala sa palusot mo," sabi o sabihin na nating pagmamayabang ni Marcus Villante. Ang playboy sa aming apat.

"Eh sino bang nagsabi na kailangan mo talagang maniwala sa akin?" tanong ko. "Tsaka, hoy, 10 na ng umaga. Kaya ako na-late dahil naabutan ako ng traffic. Parang hindi mo naman naranasan ang ma-late," sabi ko sa kanya.

"Ako nga nine dumating, hindi naman ako natraffic, ah? Sus. Ang dahilan mo."

"Tumahimik na lang kayo diyan kaysa pagtalunan niyo pang dalawa kung bakit na-late ng dating si J," sabi ni Leo. Parehas silang maingay dalawa ni Marcus kaya bagay talaga silang magkasamang dalawa. "Ikaw kasi Marc, ang arte-arte mo. Na-late lang ng dating, grabe ka na agad kung maka-react."

"Sino bang hindi magrereact kung pianghintay niya tayo isang oras, ha? Mauuna na sana ako sa inyo pero dumating na ang lokong 'to," pagtukoy ni Marcus sa akin.

"Tumahimik nga kayong apat diyan," sayaw ni Adrian. Siya ang pinakatahimik sa aming apat. Seryoso rin siya palagi kaya minsan mo lang siya makikitang ngumiti.

"Bakit ba kasi hindi ka rin sumali sa amin? Alam mo namang nag-uusap kami rito tapos papatahimikin mo kami? Kung gusto mong sumali, eh di sumali ka," sabat ni Marcus kay Adrian. "'Wag kang KJ."

Kumunot naman ang noo ni Marcus.

"KJ ka lang kasi," pang-aasar pa ni Marcus.

Adrian shook his head. "Let's just order food."

"KJ...KJ...KJ...KJ..." Nang samaan siya ni Adrian, tinikom na ni Marcus ang bibig niya.

Nag-order na nga kaming apat na magbarkada, syempre kape lang ang sa akin dahil nakapag-almusal na ako sa bahay bago ako umalis. Si Adrian naman na akalain mo ay isang taong hindi nakakain dahil ang in-order niya ay limang ensaymanda at tatlong ham sandwiches.

Akala mo naman hindi pinapakain ng maayos ng magulang.

"Sa tingin niyo, mas mahirap na ngayong college?" tanong sa amin ni Marcus.

"Lamunin mo muna ang nasa bibig mo. Salita ka ng salita."

"At least hindi tumatalsik sa bibig ko ang pagkain hindi kagaya ng sayo. Kadiri ka talaga Leo." Lumukot ang mukha ni Marcus.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now