CHAPTER 20

252 70 149
                                    

Chapter 20

JACOB'S POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Wala na ang nagpapatibok ng puso ko. Wala na ang nagpapangiti sa akin. Wala na ang nagpapaiyak sa akin na parang bading. Wala na ang magtatanong kung ano ibig sabihin ng salitang ganito, ganyan dahil napakainosente niya. Wala na ang kauna-unahang babaeng minahal ko buong buhay ko. Wala na ang babaeng pinakasalan ko. Wala na ang kasabay kong mangako sa harap altar, sa harap ng Diyos. Wala na si Anais. Wala na ang asawa ko. Wala na siya.

Napapikit na lang akong nilagok ang isang bote ng alak na hawak ko. Naramdaman ko ang pait na lasa na dumaloy sa lalamunan ko pero mas ramdam ko ang sakit sa puso ko na hindi mawala-wala kailanman.

Lumipas na ang apat linggo pero ang sakit ay nandito pa rin, hindi nawala kahit uminom ako ng ilang boteng alak.

Apat linggo. Apat na linggo na akong nagbuhos ng balde-baldeng luha. Apat na linggo akong wala sa sarili dahil sa pagkawala niya. Apat na linggo akong nagdusa. Apat na linggo ako nagpapatatag. Apat na linggo akong naging malakas sa ibang tao at sa anak ko. Apat na linggo kong tiniis ang lahat ng sakit na nararamdaman ko araw-araw at gabi-gabi.

Kasabay ng pagpikit ko ay ang paglandas ng isang luha sa pisngi ko.

"Jacob?"

Agad akong napamulat nang marinig ang boses niya. Nakita ko siya mismo sa harapan ko.

"Anais," I muttered and my tears began to flow. Nakikita ko siya. Ang babaeng mahal na mahal ko.

Ngumiti lang ito sa akin. Nakatayo ito sa kabilang banda ng counter kung saan ako nakaupo. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang puting bestida. Ang ganda-ganda niya. Ang gandang hindi ko masisilayan pagkatapos nito at habang-buhay dahil alam kong hindi ito totoo. Isang imahinasyon ko lang 'to kaya nakikita ko siya.

"Bumalik ka na p-please," pagmamakaawa ko agad. "Hirap na hirap n-na a-ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala ka na. C-Can you come back to me p-please?"

"I can't," she smiled weakly at me.

"Please?" Binitawan ko ang bote ng alak. Tumayo ako at humawak sa counter para makatayo ng maayos dahil hindi pa magaling ang nakabenda kong binti. "Gagawin ko lahat-lahat bumalik ka lang sa akin kahit alam kong napakaimposible. K-Kahit ibigay ko pa lahat nang meron ako b-bumalik ka lang sa amin. Sa akin. Sa amin ng anak m-mo."

Kahit alam kong si Anais na nasa harapan ko ay hindi totoo ay pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na nandito talaga siya sa harapan ko, nakatayo, kinakausap ko. Kahit sa huli naman ay masasaktan lang ako dahil umaasa ako at pinapaniwala ang sarili ko na buhay pa siya.

"Alam mong hindi na ako babalik sa iyo kahit gawin mo pa ang lahat. Kahit ibigay mo pa ang lahat-lahat na meron ka ay hindi mo na ako babalik dahil wala na ako. Patay na ako."

Umiling lang ako ng paulit-ulit. "Hindi! Alam kong buhay ka pa! Hindi ka pa patay! Hindi! Maibabalik pa kita! Naniniwala akong makakapiling pa kita ng matagal! Naniniwala ako! Diba?! A-Alam kong..." Napaluhod ako sa sahig nang hindi ko na kinaya at yumuko.

Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya.
Sinsabi ko sa kanya ng paulit-ulit na babalik pa siya, na buhay pa siya, na makakapiling ko ulit siya. Pero hindi, eh. Alam ko ang totoo na wala na siya pero hindi ko pa rin matanggap-tanggap, ang hirap tanggapin para sa akin.

"Don't cry..." Lumakad ito palapit sa akin at lumuhod kagaya ko.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko ba talaga ito dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya nang hawakan niya ang pisngi ko.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Where stories live. Discover now