Napailing si Leison. Imbes ibigay ang order nito ay kinawayan niya ang bouncer at pinadampot ang lalakeng ayaw magpaawat sa pag-inom.
Ang bilis ng panahon. Parang dati ay isa siya sa mga party people sa dance floor, ngayon ay isa na siya sa mga bartender na nagbibigay inumin sa mga dati ay nakakasayaw niya. May mga lasing pa siyang naeencounter, yung iba nang-aaway, nanlalandi, at ang iba naman ay nagpapacomfort sa kanya. Ilang babae na rin ang naligtas niya mula sa mga lalakeng nahuhuli niya sa aktong may hinahalo sa inumin nito.
So far ay naeenjoy naman niya ang kanyang trabaho.
Napalingon si Leison nang isang grupo ng maiingay na kalalakihan ang dumating. Nagtatawanan at nag-uusap ang mga ito noong pumwesto sa bar counter.
"Whiskey for my brothers please." Ani isang binata na kabilang sa grupo-- na agad ding natigilan noong mapalingon sa kanya. "Whoa, Lei?!"
It was Marc. Amusement was written on his face.
"I didn't know that you work here!"
"Kakastart ko lang last month."
"Who is she?" Usisa ng mga kasama ni Marc. They are checking her out.
"Oh," Natauhan naman si Marc na tila nakalimutan na may mga kasama. "She's Leison... my classmate. Lei, meet my brothers. Mga kagrupo ko dati sa bboy dance."
Ngumiti siya at tumango sa mga ito.
"Nice to meet you, Leison! You can join us if you want. We don't bite."
"Oh no, the lady is working, Jaeo, Shooo!" Pabirong tinaboy ni Marc ang mga kaibigan.
Saglit lang sila nakapag-kamustahan ni Marc, nalaman niyang despidida ng isa sa mga kaibigan nito kaya ito maraming kasama ngayon.
Marc usually go to clubs and bars alone. Nagsosolo lang ito sa bar when he's onto girl hunting. Walang duda na sa bar sila unang nagkakilala.
It was a tiring night. Maraming customer ang dumagsa. Dumagdag pa ang stress niya sa ingay at baho ng paligid. For God's sake! Hindi niya akalain na darating ang araw na mauumay siya sa bar na paborito niyang tambayan dati!
"What a fucking midnight." Hinihilot ni Leison ang sariling balikat.
Kasalukuyan siya ngayong naglalakad pauwi, tapos na ang shift niya at may pasok pa siya bukas. Nang mapadaan sa parking lot ay agad siyang napahinto nang may maramdamang presensya sa kanyang likuran.
It was a familiar scent.
"I thought you got home." Ani Leison, at sinulyapan ang anino nito. Tama siya. Si Marc nga, the one and only.
Dinig niya ang paghakbang nito palapit.
"Obviously, I waited for you."
Hinapit nito ang kanyang bewang, dahilan upang mapasandal siya at magdikit ang kanilang katawan. Her butt bump into his bulge. She heard him groaned.
"You look sexy in your uniform, Lei... Do you know how bad I fought the urge to pull you somewhere private while watching you in that bar counter?"
Napairap siya. So si Marc lang pala ang naramdaman niyang nakasubaybay sa kilos niya habang nagtatrabaho kanina.
Hinarap niya ang lalake.
"Balot na balot ang suot ko."
Ngumiti ito at pinagmasdan ang kanyang mukha. "Well, you look hot in every clothes you wear."
"Hmm, asan na yung mga kasama mo--"
Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi noong kabigin nito ang kanyang batok at lunurin siya sa isang mapag-angkin na halik.
Tangina talaga ng lalakeng to!
"Marc!" Ang kamay niya na tumulak sa dibdib nito ang nagpapreno sa binata. "Baka makita tayo dito ng manager ko!"
Marc chuckled. Natilihan siya noong bigla siya nitong buhatin patungo sa sasakyan na tila kanina pa rin nag-aabang sa kanya. Isinakay siya nito sa backseat at muling pinagsawa ang labi sa kanya.
She held his nape as they were kissing and dry humping. Marc was leaving a lot of mark on her neck and chest.
Pababa na ang kamay nito patungo sa kanyang kuwan nang bigla ay pigilan niya ito.
"Lei!" Inis nitong saad noong mag-angat ng tingin sa kanya.
"Not in your fucking car again, Marc." Huling beses na doon sila nagquickie ay muntik pa silang maaksidente dahil sa malakas na pag-alog ng sasakyan. Umuulan niyon kaya dumulas ang gulong pababa sa matarik na kalye ng Mt. Samat.
"Alright! In your damn place then!" Nagmamadali itong nagtungo sa driver seat at inistart ang makina. Itinuro niya naman ang daan patungo sa bago niyang tinutuluyan, ngunit pagdating doon ay tuluyang naunsyami ang kanilang plano...
Nasalo ni Marc ang lumipad niyang sapatos, ngunit agad din itong napangiwi noong hindi napaghandaan ang lumilipad niyang panty. Sapul ito sa mukha at shoot iyon sa ulo ng binata.
Hindi, hindi sila nagstripping tease, hindi sila naglalaro, at mas lalong hindi nawalan ng gravity...
"Magbabayad naman ako sa upa, Manang Hilda!"
"Ay hindi, umalis ka nalang! Kuryente nga hindi mo pa nababayaran, pang-upa pa kaya? Pasensya na Leison, nangangailangan lang ako ng pera, mag-ingat ka nalang. Abuloy ko nalang sayo yung higit isang buwan mong pagtira dito."
"Ang sama naman ho ng bibig niyo!"
Kumumpas lang ang kamay ng matanda at tumalikod na sa kanya.
Napamura siya at napasabunot sa inis. Ang inaasahan nilang mainit na gabi ay nauwi sa paghahakot ng kanyang mga gamit.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
Chapter 4
Start from the beginning
