Kinuyom ko ang kamay ko sa inis na nararamdaman ko. Bakit kahit nasasaktan na ako iniisip ko pa rin na sana... sana pigilan niya ako. Tangina! Mahal ko pa rin siya.

Mariin akong pumikit para pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala bago ako nagsimulang humakbang palayo nang bigla akong nakaramdam ng paghawak sa kamay ko. Alam ko siya iyon, hindi ako pwedeng magkamali.

Bakit ang saya pa rin ng puso ko kahit ang sakit-sakit na?

"Mahal kita..." mahinang sabi niya dahilan para matigilan ako. "Mahal na mahal kita, Tala."

Wala pang ilang segundo tuluyan nang nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon... na kahit ilang ulit pa niyang sabihin hindi pwede. Hindi kami pwedeng dalawa, at iyon ang pinakamasakit na kailangan kong tanggapin.

Nanatili akong nakatayo at hindi siya tinitingnan. Dahil sigurado ako, once na makita ko siya, babalik at babalik ulit ako sa kan'ya.

"Mahal kita..." pag-uulit pa niya. "At handa akong iwan lahat para sa'yo."

Sa pagkakataong 'to... nakaramdam na ako nang awa para sa sarili ko. Ngayon ko napagtanto na kahit nagmamahalan kaming dalawa, kung hindi kami para sa isa't isa... may ibang tao namang nakalaan para sa kan'ya.

Pasimple kong tinanggal ang mga luhang nagkalat sa mukha ko bago ko siya pilit na hinarap. Kailangan ko nang tapusin 'to, dahil kung patuloy kaming nag-uusap siguradong may mas masasaktan sa huli.

Tiningnan ko siya sa mga mata na parang ayaw ko siyang mawala. Gusto ko siyang yakapin, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Baka kasi sa pagyakap ko na 'yon, mahihirapan na naman akong bitawan siya. At iyon ang hindi ko pwedeng gawin.

Saglit ko munang kinabisado ang bawat detalye ng mukha niya, para kung sakali na magtanong ang anak ko tungkol sa ama niya, may maipagmamalaki ako sa kan'ya. Na hindi lang sa isang simpleng tao nahulog ang Mommy niya, kun'di sa isang makisig, matalino, at matipunong lalaki. Kahit iyon 'man lang maibigay ko ng tama sa anak namin.

Pagkatapos nang ilang minuto, saglit akong pumukit, at sa pagmulat kong muli tiningnan ko siya na parang ito na ang huli naming pagkikita.

Huminga ako nang malalim bago ko hinawakan ang kamay niya.

"Iwan mo na lang ako...huwag lang ang asawa at anak mo," walang emosyon kong sabi bago ko pilit na tinanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko.

Mas kaya ko pang tiisin ang sakit, kaysa ang sikmuraing makitang masira at mang-agaw ng pamilya.

Nagulat ako sa unti-unti rin niyang pagbitaw sa kamay ko kaya hindi na ako nahirapang alisin 'yon. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin... ito na nga siguro ang huli at wakas naming dalawa.

Paalam... mahal ko.

Napahikbi ako bago napilitang talikuran siya. Hindi ko na siya kayang tingnan... sapat na nalaman kong minahal niya rin pala ako.

Nagsimula akong humakbang palayo sa kan'ya... unti-unti... hanggang sa kaya ko nang wala siya.

"Tala..." mahinang tawag niya.

Hindi ko siya nilingon. Sa bawat paghakbang ko, kasabay noon ang mabibigat na luhang bumabagsak sa mga mata ko. At ang unti-unting pagkadurog ng puso ko.

Tama na... tapos na. Malaya na ako sa mga katangahan at sa magulong mundong pinasok ko. Ito na ang simula nang bagong buhay ko. Ito na ang huling beses na magpapakatanga ako sa isang tao.

Hinawakan ko ang door handle ng kotse at marahan itong binuksan.

"I promise... we will see each other in our next life and continue ---"

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now