✨ 24 ✨

8.9K 144 19
                                        


CHAPTER 24


Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Engr. Delgado, lalo na iyong magbabayad raw siya ng kung ano sa akin. Wala naman akong natatandaan na utang o kung ano 'man ang kasalanan niya sa akin... except mom.

Siguro ay may kinalaman talaga siya noong gabing iyon. I'll make sure na malalaman ko ang lahat ng iyon as soon as possible. Hindi pa rin niya ako madadala sa mga sinasabi niya kahit mahal ko siya.

Love won't change my plans.

Sa mahigit isang linggo ko dito sa bahay, natutunan ko nang makalakad ulit nang hindi ko na kakailanganin mag-wheelchair o hindi kaya'y ng alalay. Madali naman akong makatuto at hindi na nahirapan ang personal nurse na binigay sa akin ni Daddy.

Duh, si Tala kaya 'to.

Bibisita ngayon si Vera dito sa bahay. Alam kong ayaw sa kan'ya ni Daddy at ang iba ko pang mga kaibigan. Aniya, bad influence raw ang mga ito sa akin. At alam kong hindi 'yon totoo. Hindi naman talaga totoo ang bad influence na iyan. Lahat ng tao may sariling pag-iisip, nasa sa iyo na lang kung paano mo gagamitin. I have my own decisions, at desisyon ko ang lahat ng ginagawa ko na hindi na kailangan isisi sa mga taong nakapaligid sa akin. Gagawin ko ang gusto ko. Period.

Wednesday ngayon, may pasok si Daddy kaya hindi na niya kailangan magtiis na makita ang kaibigan ko. At saka, wala na rin naman siyang magagawa kaysa naman lumabas pa ako at makipagkita sa mga kaibigan ko. Pabor na nga sa kan'ya ang pagbisita sa akin ni Vera. And I'm bored... I'm really really fucking bored!

"Hindi ka pa papasok?" mahinang tanong ni Vera habang busy sa paghiwa ng pizza sa plato niya. Ewan ko ba sa baliw na 'yan at hindi na lamang hawakan ang pizza na kinakain niya.

"Hindi ko pa alam. Baka next week or..." sagot ko bago siya nilingon. "Next month na lang siguro," dagdag ko.

Nilingon niya ako at makahulugang tinitigan. "Okay ka na naman, ah."

"Alam ko."

Nag-iba ang hulma ng mukha niya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ang naging sagot ko. Parang hindi naman niya ako kilala, sa tagal ko na sa eskwelahang iyon ay talagang nagsasawa na ako. Gusto ko na lang magpagala-gala sa kalye kaysa bumalik doon. Nakakasawa na bumalik sa isang bagay na hindi ka naman talaga interesado.

Babalik na sana ako sa kinakain nang bigla siyang nagsalita na kumuha ng atensyon ko.

"Mag-quit ka na lang kaya," nag-aalalang aniya.

Matagal nang tumatakbo 'yan sa isip ko. Noon pa. Wala lang akong lakas ng loob dahil sa mga pangako ko kay Mommy. Ayoko siyang madismaya sa akin. I want her to be proud of me.

"Ayoko. Katulad mo, gusto ko rin may patunayan sa mga magulang ko."

Ngumiwi siya at saka sumubo. "Hindi naman tayo pareho."

I leaned on the couch, slightly slouching to be more comfortable. Nanatili ang mga mata niya sa pizza habang ako ay hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa kan'ya. Magaan na ang enerhiyang pinapakita niya kumpara kanina na kitang-kita ang pag-aalala sa akin.

Vera is also twenty-three, ang pinagkaiba lang namin, ngayong taon siya ga-graduate. Pareho kaming napag-iiwanan, at may pinatutunayan kaya pinipilit na makapagtapos.

"Pareho tayo," I insist.

"No."

"Oo nga sabi," pakikipagtalo ko pa.

Humarap siya sa akin at matalim akong tiningnan. "Hindi nga sabi," she exclaimed. "May sarili kang desisyon, ako wala. P'wede mong takasan kung nasaan ka ngayon, ako hindi. Nangako ka lang sa Mommy mo, pero ako?" ramdam ko ang panginginig sa boses niya at ang pangingilid ng kan'yang mga luha. She's about to cry pero pinipigilan niya.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now