✨ 11 ✨

9.9K 197 12
                                        


CHAPTER 11


Simpleng hilo lang naman ito, sa palagay ko, kaya wala ng dahilan para pumunta pa kami sa hospital. Magpapahinga lang naman ako at baka mamaya wala na rin ito. Masyadong OA talaga ang mga matatanda. Tsk.

Kilala ko si Sir Pogi, seryoso talaga siya sa sinabi niyang babalik kami ng hospital. At dahil matigas ang ulo ko ay hindi ako sumunod sa kan'ya at nanatiling nakaupo. Ayoko nang bumalik doon, baka ibang sakit pa ang dumapo sa akin at mas lalong lumala ang hilo ko.

Lumingon siya sa akin nang naramdaman niya sigurong hindi ako sumunod sa kan'ya. Tiningnan niya ako na parang naghihintay siya na tumayo na ako or else--- hindi ko alam. May awtoridad kasi ang mga tingin na 'yon at kailangan kong sundin ang inuutos niya ano 'mang oras.

"Magpapahinga na lang ako," saad ko bago pa siya makapagsalita. Kung hindi ko gagawin 'yon sigurado akong may masasabi siya na baka hindi ko magustuhan.

Kumunot ang noo niya. "Babalik tayong hospital," his voice is warning me.

Sumandal ako at hinilot muli ang sintido ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kan'ya. "Hindi na. Ayoko sa lugar na 'yon," mahinang saad ko bago ako marahan na pumikit.

Mas lalo akong nahihilo sa nangyayari. Pahinga lang naman ang gusto ko, at hindi na niya kailangan pa na ipagpilitan ang bumalik doon.

Naiisip ko tuloy 'yong mga nangyari kanina. Kung paano sila mag-usap nang cashier sa hospital, ngiting-ngiti iyong babae sa kan'ya at siya naman itong mukhang nawiwili dahil maraming nagkakagusto sa kan'ya. Baka gusto niyang balikan iyon kaya siya nagpupumilit na pumuntang hospital.

E'di bumalik siya. Hindi na naman ako kailangan doon at isabit sa kalandian niya. Tsk.

"Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay kita. Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong sumunod sa'kin," walang pasubali niyang anas sa akin kaya agad akong nagmulat ng mga mata.

Tama ba ang mga narinig ko?

Parang nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Kung susundin ko siya ay para rin akong naligo ng kumukulong tubig kahit na ayaw ko at gusto niya.

He's not my fucking father! Sariling tatay ko nga hindi ko sinusunod, siya pa kaya.

Sunod your ass. Tsk.

Ibinaba ko ang kamay ko at pinasadahan siya ng tingin. Kumunot ang noo ko. "Gan'on po ba 'yon?" I sighed.

Nakakadismaya.

Maingat akong tumayo at inaalalayan ang sarili. Mariin ang pagkakahawak ko sa arm ng sofa. "Aalis na lang siguro ako," may halong inis na saad ko bago bumitaw sa hinahawakan ko.

Naiinis ako sa kan'ya. Hindi sa lahat ng oras ay tama siya, at kung wala siyang pakikinggan sa bahay na ito ay mas mabuti pang umalis na lang ako dito. Sinasakal niya ako, at ang lahat ng tao sa paligid niya.

That's not fair. Kung gusto niyang nire-respeto ay dapat marunong din siyang respetuhin ang desisyon ng ibang tao. Hindi sa lahat ng oras ay tama siya, at sa pagkakataong 'to... tapos na ako.

Hindi ako marupok.

Duh, si Tala kaya 'to.

Nagsimula akong maglakad kahit na pakiramdam ko ay ano 'mang oras sasaluhin na ako ng malamig na sahig. Huminto ako at sinukat ang layo ko mula sa hagdan.

Fuck!

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa...

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad patungo sa hagdan upang makakuha ng suporta doon. Sinubukan kong makalapit, ngunit wala pang ilang segundo ay nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko at matinding pagsakit ng aking ulo.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now