CHAPTER 36
"Pregnancy test, Tala."
Sa mga katagang iyon pakiramdam ko'y bumibigat ang pakiramdam ko at unti-unti akong nilalamon ng lupa. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Hindi ako buntis. Baka may nakain lang ako na hindi tinatanggap ng tiyan ko.
Kahit kinakabahan matalim kong tiningnan si Engr. Delgado.
"Tangina! Hindi ako buntis," singhal ko sa kan'ya at saka siya inirapan.
Ako, buntis?! No way! Imposible, iilang linggo pa lang simula nang nangyari 'yon tapos buntis agad ako? At saka isang beses lang nangyari 'yon... isang beses na sex na siguradong hindi ako mabubuntis agad!
"If you're not pregnant, then explain what happened to you earlier?"
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya nang hindi pa rin nawawala ang tingin kong halos makakapatay na sa inis.
"Oh shit, required pala mag-explain?" sarkastikong sabi ko. "Nag-sex lang tayo, Engr. Delgado, bakit parang umaasta kang may karapatan?" dagdag ko.
Umiling-iling siya na parang dismayado sa sinabi ko.
"Tangina, magsalita ka! Puro ka naman gan'yan, eh! Puro ka pakitang tao pero wala ka namang paninindigan. Palagi mo na lang ako pinapaasa."
Mula sa dismayadong mukha, mabilis na nagbago ito. Tiningnan niya ako na parang may nagawa siyang malaking pagkakamali sa akin. Fuck! Ayan na naman!
"Tigilan mo nga ako sa gan'yan mo! Diyan ka lang naman magaling, palibhasa alam mong mahuhulog agad ako sa gusto mo. Palibhasa alam mong gusto kita!" ani ko kasabay nang pagbuhos ng kanina ko pa iniingatang luha.
Napayuko ako para itago ang ppag-iyak ko. Ayokong makita niyang nagkakaganito na naman ako dahil sa kan'ya.
Gusto ko lang naman maging masaya ulit, pero bakit ganito. Puro sakit na lang ang nakukuha ko.
"Siguro nga tama ka, wala akong paninindigan. Palagi na lang kitang sinasaktan..." aniya na mabilis nakapagpaangat ng ulo ko. "Para matapos na 'to --- isang test lang, Tala. Gusto ko lang makasigurado---"
"Makasigurado na buntis ako, paano kung hindi?" sabad ko.
"I'll leave you alone, kung 'yon ang gusto mo."
Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya. "Seriously?!" I exclaimed.
Iyon talaga ang ida-dahilan niya sa akin. Baka siya ang may gusto. Sinabi ko nga na gusto ko siya tapos --- putangina.
"Tangina! Sige, kung 'yan ang gusto mo. Putangina, kung buntis ako umalis ka na rin. Hindi kita kailangan," inirapan ko siya at saka nilagpasan.
Sigurado ako, hindi ako buntis. Kaya siguraduhin din niyang hindi na siya magpapakita sa akin kahit na kailan.
Nagmadali akong nagtungo sa ladies room at hinintay siya. Wala akong PT kaya bumili siya. Matalino naman siya kaya alam niya na 'yon.
Habang naghihintay bahagya kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Buntis nga ba talaga ako?
Kung totoong buntis ako, paano na ang mga pangarap ko? Nagsisimula pa lang ako ulit tapos ganito naman ang mangyayari.
Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko. As I said that day, ginusto ko 'to. Hinawakan ko ang tiyan ko at saka ito hinaplos.
"Baby..." mahinang sabi ko. "Hindi mo kasalanan... wala kang kasalanan. Sabay nating aabutin ang pangarap ni Mommy, ha?" bulong ko pa habang hinahaplos ang tiyan ko.
Unti-unti na ring bumabagsak ang mga luha ko habang nakatitig sa tiyan ko. Iniisip ko kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.
Kung sakali nga na buntis ako, makakaya ko kaya na palakihin siya ng mag-isa? I'm just a waste na nagsisimula pa lang ayusin ang sarili ko.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
