✨ 27 ✨

7.5K 149 17
                                        


CHAPTER 27


Simula nang umupo ako dito sa restaurant ng resort na tinutuluyan namin, hindi ko pa rin magawang makapag-isip ng tama. Kahit ang pag-order ng makakakain ay hindi ko pa rin nagagawa.

Nawalan na naman kasi ako nang ganang kumain dahil sa pesteng lalaking 'yon. Sa dami nang kasalanan niya sa akin ngayong araw parang gusto ko na lang siyang sakalin sa inis.

Sino ba kasi 'yong Sabrina? Siguro iyong kasama niya kanina na malaking suso. Tsk.

E'di doon na siya. May 'I love her' pa siyang nalalaman. Mahal na pala agad, ah! Sana all... malaking suso para mahal agad.

Napairap na lang ako sa ere at hinanap ang waiter sa paligid. Kakain na lang ako kahit wala akong gana, kaysa naman isipin ko pa siya nang isipin. Kota na ako sa problemang binibigay niya sa akin simula pa kanina.

I ordered a lot para mas marami siyang bayaran. Gagastos ako ng marami para naman makabawi ako sa kan'ya.

Parang nilunok ko na lang lahat ng pagkain na inorder ko nang matapos ako agad ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Ni hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo. Siguro nang dahil na rin sa gutom na hindi ko maramdaman dahil sa inis ko sa lalaking 'yon kaya hindi ko na rin namalayan ang pagkaubos ng mga inorder ko.

Napahawak ako sa tiyan ko kasabay nang paglingon sa palagid nang nakaramdam ako nang masidhing pananakit doon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang nabigla yata ang tiyan ko sa dami ng kinain ko.

Mabilis akong napatayo at saka lumapit sa isa sa mga crew ng resto. Kinalabit ko ang babaeng maingat na nagpupunas ng mesa. Agad naman siyang humarap sa akin na labis kong ikinagulat.

"Veronica?" gulat kong utas.

Bakas din ang gulat sa mukha niya. Marahan namang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak-hawak na duster.

Nagta-trabaho ba siya dito?

Saglit na nagproseso sa utak ko ang mga nangyayari bago ako mas naguguluhang nag-angat ng tingin sa kan'ya.

"A-anong ginawa mo dito?" naguguluhan ko pang tanong.

Bago pa siya makapagsalita muli na naman akong nakaramdam nang pananakit ng tiyan. Agad akong napahawak sa braso niya at hindi mapakaling napalingon sa paligid.

"Nasaan ang cr? Mamaya na tayo magchikahan," ani ko na halos mabulol na sa pagsasalita.

Maging siya ay nataranta rin sa sinabi ko kaya agad niya akong hinila patungo kung sa kung saan. Sumunod na lang din ako sa kan'ya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng ladies room.

"Pumasok ka na agad. Bilis!" sigaw niya sabay bitaw sa akin.

Tinulak pa niya ako palapit sa pinto kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. Hindi ko na rin siya nilingon, mamaya na lang siguro ako magpapasalamat. Marami pa rin kasi akong gustong sabihin sa kan'ya.

Nakaramdam na rin ako nang pamamawis dahil sa tindi nang sakit ng tiyan ko. Nagmadali akong pumasok sa isa sa mga cubicle para matapos na ang paghihirap ko.

Hindi na nga siguro magiging maganda ang bakasyong 'to. Sirang-sira na! Pati tiyan ko sira na!

Malapad ang ngiti ko nang lumabas ako ng ladies room. Success! Wala namang tao sa loob kaya hinayaan ko na rin ang amoy doon. Mawawala rin naman 'yon maya-maya.

Duh, wala namang mabangong tae 'no!

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang naghihintay sa labas na si Veronica. Hindi siguro siya umalis at hinintay pa akong matapos.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now