✨ 39 ✨

10.5K 156 34
                                        


CHAPTER 39


Hindi ko alam kung lalabas ba ako o babalik sa loob.

Tangina naman kasi, anong ginagawa ng lalaking 'yan dito? Inaabangan niya ba ako? O, sinabi ni Serenity na aalis ako? Hindi, medyo slow ang babaeng 'yon kaya sigurado akong hindi niya abot ang bagay na iyon.

I bit my lower lip and looked around. Wala namang ibang daan sa bahay na 'to, kaya imposibleng makalabas ako nang hindi niya nakikita.

Shit!

Siguro ay bukas na lang ako aalis, kaysa makaharap at makausap ko ang lalaking 'yan. Maingat kong inangat ang maleta ko at akmang papasok na sa loob nang biglang may pumaradang kotse sa harap ng bahay namin.

Tangina! Don't tell me andiyan na agad sina Serenity?! No way.

Natataranta kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si Serenity nang lumabas naman ito mula sa kotse. Bumagsak ang balikat ko kasabay nang pagsapo ko sa aking noo at naiinis na pinanood itong naglalakad patungo kay Engr. Delgado.

Ano pa nga bang magagawa ko... wala na. Si Serenity pa ba, kalahating slow at kalahating daldalita 'yan. Wala na, sira na ang plano ko.

Sana pala si Riley na lang ang tinawagan ko. Epic. Tsk.

Napabuntong hininga na lang ako at wala nang choice kun'di lumapit sa kanila. Taas noo akong naglakad at walang emosyon silang pinapanood. Hindi lumabas si Noah kaya imposible talagang makatakas ako dahil kay Serenity. At dahil magaling ako... ako na ang bahala.

Duh, si Tala kaya 'to.

"Tala! Tara na?" sigaw ni Serenity na nakangiti habang pinapaypay ako.

Lumingon naman si Engr. Delgado, hindi ko siya tiningnan at mas itinuon ang atensyon kay Serenity. Binuksan ko ang gate at saka siya nilapitan.

"Palagay na lang sa kotse niyo, Serenity," utos ko nang hindi pa rin tinitingnan si Engr. Delgado kahit pansin ko ang pagsunod nang tingin niya sa akin.

"Sige," nakangiti niyang sabi sabay kuha ng maleta ko. "Teka, hinihintay ka raw ni Engr. Delgado. May usapan ba kayo?" usisa pa niya.

Hindi ako kumibo. "Dali na, susunod na lang ako. Ako na bahala dito," ani ko at saka siya bahagyang tinulak.

Nagdadalawang isip pa siyang umalis kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Wala siyang nagawa kun'di sumunod sa akin na parang batang nagtatampo. Lumabas si Noah at agad siyang tinulungan na ilagay ang maleta ko sa kotse. Hinintay ko rin muna silang makapasok sa loob bago ko lakas loob na hinarap si Engr. Delgado.

"Ano pang kailangan mo?" taas kilay kong tanong.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin na parang may malalim na iniisip.

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Naalerto naman ako sa ginawa niya kaya agad akong lumayo at tinulak siya.

"Putangina naman --- ano pa ba ang kailangan mo?!" sigaw ko na sa tingin ko ay sapat na para maintindihan niyang galit ako. Galit na galit ako sa sakit na ibinibigay niya sa akin.

"Hindi pa ba sapat sa'yo ang asawa't anak mo?! Nakakatangina ka, ang landi mo!" nandidiri ko siyang tiningnan.

Nanatili siyang nakatitig sa akin na parang wala siyang naririnig. Tiningnan ko siya sa mga mata na hindi ko magawa kanina. Mapupungay ang mga ito na parang inaantok at pagod.

Tangina, maling-mali na tiningnan ko siya sa mga mata. Para na naman kasi akong nanlalambot at nanghihina sa mga titig niya.

Maagap akong umiwas nang tingin. "Kung wala kang sasabihin, aalis na 'ko." ani ko at saka ko siya tinalikuran.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now