CHAPTER 10
Sa talas ng pakiramdam ko ay hindi ako p'wedeng magkamali... na halik iyon.
Mas lalong hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip at kilig. Hinalikan lang naman ako ni Sir Pogi. Kahit hindi sa labi ay pakiramdam ko ay ako na ang pinakapinagpalang nilalang sa buong universe. That's fucking sweet!
Ops. No bad words muna tayo, Tala. Sumunod sa nakakatanda.
Dalawang araw na ang nakalipas pero iniisip ko pa rin ang halik na 'yon. Paano ko naman makakalimutan kung sa tuwing pipikit ako ay ang malambot na pagdampi ng labi niya ang naiisip ko. Gosh!
Mas masarap pala sa pakiramdam ang halik sa noo. Masarap din naman iyong halik na ninakaw ko sa kan'ya sa labi, mas naramdaman ko lang talaga iyong halik niya noong nakaraang gabi. Sincere.
Dalawang araw ko rin palang iniiwasan si Sir Pogi dahil sa kahihiyang ginawa ko. Kahit na gusto ko siyang kausapin ay nahihiya ako.
Well... si Tala pa kaya 'to?
Marahan akong umupo sa sofa habang dala-dala ang librong hiniram ko kay Autumn noong isang araw. Ngayon ko pa lang ito bubuksan dahil naglaba ako kahapon.
First time kong maglaba kaya iyong iilang piraso na maduming damit ko ay inabot ako ng apat na oras, at maghapong pahinga. Sa susunod ay daldahin ko na lang pala iyon sa laundry shop, para kasi akong binugbog dahil sa sobrang pagod.
Maghapon din na wala si Sir Pogi kahapon dahil sa hindi ko malamang dahilan. Tanghali na rin kasi ako nagising kahapon kaya hindi ko namalayan ang pag-alis niya, pagkain sa mesa na lang ang nadatnan ko na pinaabot ko na lang din hanggang tanghalian.
Hindi rin naman kasi kami nag-uusap kaya wala akong alam sa naging buhay niya ng dalawang araw, pero ipinagluluto pa rin niya ako kaya oks lang.
Duh, si Tala kaya 'to.
Nagsimula akong buksan ang libro. Nasa unang pahina pa lamang ako ay parang umiikot na ang paningin ko sa hilo.
Bahagya akong sumandal sa sofa at mariin na pumikit. Umagang-umaga para akong nakainom sa hilong nararamdaman ko. Hindi na nga ako nakagala kagabi, para naman akong may hangover. Tsk.
Tiniklop ko ang librong nakapatong na ngayon sa hita ko bago inilagay sa tabi ko. Baka dahil sa librong 'yan kaya ako nahihilo, may dasal yata ni Autumn 'yan. Kaasar.
"Sige, papunta na 'ko," rinig kong sabi ni Sir Pogi kaya agad akong nagmulat ng mata kahit medyo nahihilo pa ako.
Nagmamadali siyang bumababa ng hagdan dala-dala ang cellphone niya. Nakapajama pa siya at plain white t-shirt na humahapit ng mabuti sa malaki niyang katawan.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa mukha niyang tila nag-aalala na sa takot. Maging ako ay dinapuan ng pangamba sa nakikita. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari.
Maagap akong tumayo kahit na may iniinda pa akong hilo. Sanay na naman ako. "Anong nangyayari?" nag-aalala kong tanong habang maingat na nakahawak sa arm ng sofa - kung hindi ako hahawak ay baka sa sahig ako pulutin at makadagdag pa sa problema.
Hindi pa kami nag-uusap, pero sa panahong ganito ay kailangan kong isantabi ang hiya at pride ko. Kaibigan ko ang pamangkin niya, kaya kung may ganitong problema ninety-nine percent na umiikot lang sa pamilya nila.
Dumiretso siya sa drawer kung saan niya nilalagay ang mga susi niya. May kinuha muna siya doon bago ako mabilis na nilingon.
"Naaksidente si Vera," aniya na base sa kan'yang ekspresyon ay parang alam niyang kilala ko ang tinutukoy niya.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
