✨ 05 ✨

12.3K 213 21
                                        


CHAPTER 5


Nang tuluyan ng nakaalis si Sir Pogi --- d'on lang ako natauhan. Hindi ko alam kung may lihim ba siyang pagtingin sa'kin kaya siya nagsu-sungit, o sadyang masungit lang siya kaya single pa rin siya hanggang ngayon.

Sabagay, hindi na rin ako magtataka kung sakaling may gusto nga siya sa'kin.

Duh, si Tala kaya 'to.

Kaagad akong nagtungo sa mga halaman niya para hanapin iyong susi. Hindi talaga matatago na 'titos of manila' na ang mylabs ko --- sa dami ba naman ng halaman niya dito sa labas at may iilan naman doon sa loob ng bahay.

Mukhang mapapaaga ang pag-aalaga ko ng matanda kapag naging mag-asawa na kami. Tsk.

Joke aside. Hindi na problema 'yon, as long as nagmamahalan kaming dalawa kahit habang buhay ko pa siyang alagaan.

Age doesn't matter, ika nga.

Hindi ko alam kung saan hahanapin ang susi. Inisa-isa ko ang lahat ng halaman hanggang sa napunta ako sa isang halaman na nakasabit --- baka andito.

Tinaas ko ang isang kamay ko at kinapa kung nandoon nga ang susi, at hindi nga ako nagkamali nang nahawakan ko na ito. Limang susi ito, at mukhang magkakahawig.

Nagkibit-balikat na lang ako at dali-daling nagtungo sa pinto at agad na hinanap kung ano ang tamang susi.

Hindi ko ito nabuksan sa unang subok, kaya ibang susi naman ang ginamit ko. Mabuti na lang at sa pangalawang subok ay nabuksan ko na ang pinto.

Kung may magnanakaw pala sa bahay na 'to ay agad na makakapasok dahil kung saan lang nakalagay ang susi, at madaling buksan.

Pagsasabihan ko talaga ang asawa kong 'yon dahil sa pagiging pabaya. Tsk.

Pagkapasok ay muli ko na namang inilibot ang mata ko sa buong bahay.

Kung mag-apply na lang kaya bilang katulong para hindi na ako umalis dito? Nah, maybe his wife... mas bagay pa sa'kin

Duh, si Tala kaya 'to.

Bukod sa kwarto ni Sir Pogi may dalawa pang kwarto sa katabi nito.

Sa sobrang laki ng bahay tatlo lang talaga ang kwarto? Ang hina naman ni Sir Pogi --- ano 'yon dalawa lang ang gusto niyang baby?

Maturuan nga mamaya si Sir Pogi ng technique --- mahinang nilalang, e.

Napagpasyahan kong umakyat na at maghanap ng masusuot. Makikiligo na rin ako dahil kagabi pa ako walang ligo, at iyong damit ko pa galing school ang suot ko hanggang ngayon. Kadiri ka, Tala. Yuck!

Sa unang pinto ako agad na nagtungo. Hindi ito naka-lock kaya agad akong pumasok sa loob. Napangiwi ako nang napagtantong cr pala ito at hindi kwarto.

Napairap ako sa ere at agad na sinarado ang pinto.

Mas mahina pa pala sa inaakala ko si Sir Pogi --- isang baby lang?! Tsk.

Kaagad akong lumipat sa kabilang kwarto. Hindi ko pa ito napipihit ng tuluyan nang napagtanto kong naka-lock ito.

"Paano ko naman---"

Natigilan ako nang naalala kong may hawak-hawak pala akong susi. Sinubukan ko agad iyon at sa unang subok pa lang ay nabuksan ko na agad ito. Galing ko talaga!

Well, si Tala kaya 'to.

Marahan kong binuksan ang pinto, para kasing may something sa loob na hindi ko maintindihan.

Hala, may multo ba dito?

Nakaramdam tuloy ako ng takot. Isasarado ko na sana ang pinto nang nahagip ng mga mata ko ang mga nagkalat na stuffed toy sa sahig, dahilan para buksan ko na ng tuluyan ang pinto.

✔ || The Walwalera (Part I)Where stories live. Discover now