CHAPTER 3
Hinagis ko ang aking bag sa kung saan at pagkatapos ay pabagsak na humiga sa kama. Tumingala ako at pinagmasdan ang aking kisame na punong-puno ng mga maliliit na star na umiilaw tuwing madilim na ang paligid.
Nilagay 'yon lahat ni Mommy noong nabubuhay pa siya. Masayahing tao si Mommy, masipag, at matulungin. Hinahangaan ko siya sa lahat ng bagay, kaya siguro kahit ayaw ko pinagpatuloy ko ang kursong tinapos niya... dahil iyon ang ipinangako ko sa kan'ya noong nabubuhay pa siya at punong-puno pa ako ng mga pangarap.
At simula n'ong nawala siya tila nawalan na rin ng saysay ang mga bituin na 'yan... katulad ko.
Dumapa ako at sumubsob sa pagkakahiga. Kaya ayokong manatili dito sa bahay, e.
Naiiyak ako...
Kahit walong taon ng wala si Mommy nararamdaman ko pa rin ang sakit. Simula rin kasi ng mawala siya, nawalan na rin ako ng pamilya.
Nag-asawa ulit si Daddy, at kahit kasama ko siya sa bahay --- hindi ko maramdaman dahil sa bago niyang pamilya.
Naiwan akong mag-isa...
Pero imbis na isipin ko ang lahat ng 'yon, gumagawa na lang ako ng mga bagay na makakapagpalimot sa'kin. Kaya ko ang sarili ko.
Marahan akong nagmulat ng mga mata. Bukod sa mga bituin sa kisame ko wala ng ibang nagsisilbing liwanag ang buong kwarto. As usual, nakatulog ako.
Bumangon ako at agad na hinanap ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag, at agad na namilog ang mga mata ko nang nakitang alas tres na ng umaga. Nakita ko rin ang tadtad na text at call ng mga kaibigan ko.
Patay! Hindi ako nakasama sa lakad nila. Tiyak na pauulanan ako n'on ng mga pang-aasar kapag nalamang napasarap ang tulog ko.
Naririnig ko na tuloy ang sasabihin ni Red sa'kin.
'Mahinang nilalang!'
Pinilig ko ang aking ulo sa naiisip at saka binuksan ko ang kate-text lang na si Vera. Mag-iisip na lang siguro ako ng ibang dahilan. Ayokong maging pulutan sa susunod naming gala. Never.
**
From: Vera
San ka na?
Hihintayin ka namin dito sa bar nina Jarred
Oy! Where na you?
Daya! Indiana jones ka! Hmp!
Pauwi na kami. Nagyaya na sila. Wala ka kasi e
**
I grinned.
'Di ba, boring na boring sila kapag wala ako. Kaya matuto silang igalang ako dahil walang silbi ang gala ng wala si Tala.
Binalik ko ang aking cellphone sa bag at napagpasyahang lumabas ng kwarto. Nagugutom ako, at gusto kong kumain.
Tulog na naman silang lahat kaya hindi nila mapapansin ang paglabas ko ng kwarto. At dahil gutom ako 'wag nilang subukan na suwayin ako... tiyak na magkakagulo.
Madilim ang buong bahay. Hindi 'man lang magbukas ng kahit isang ilaw, hindi naman kami mga bampira para matakot sila sa liwanag.
O, baka 'yong mag-inang bruha ang bampira? Sabagay, inaswang nga ni Veronica ang boyfriend ko. Magtataka pa ba ako. Hmp.
Natigilan ako sa bandang gitna ng hagdan nang may naririnig akong humahalinghing mula sa sala --- na parang pusang hindi mapaanak. At dahil madilim hindi ko nakikita kung ano 'man ang nangyayari d'on.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang naalala kong wala naman kaming alagang pusa... pero ahas meron. Bahagyang sumilay ang ngisi ko sa naiisip. Gusto kong mag-enjoy, at dahil hindi ako nakapuntang bar dito ako sa bahay mag-e-enjoy.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
