CHAPTER 18
Third Person's Pov.
Almost two months had passed, but Tala still in coma.
Kumpletong bumisita ang pitong kaklaseng babae ni Tala sa kan'ya sa hospital. Tahimik ang mga itong nag-uusap sa kwarto kasama si Vera at ang Tito niyang si Oliver.
Wala ang ama ni Tala dahil sa importanteng meeting sa eskwelahan, kung sakaling nandoon kasi ito para bantayan ang anak ay hindi makakadalaw si Vera at Oliver. Ipinagbawal kasi ng matanda ang dalawang ito na makita ang anak niya sa hindi malamang dahilan.
Kaya pumuslit lamang ang mag-Tito para dumalaw, at kaya hindi na rin nasabihan ni Vera ang mga kaibigan nila ni Tala. Ilang beses na naman din ang mga itong nakabisita, ngunit saglit din lamang habang wala ang ama ni Tala. Ayaw din kasi ng ama ni Tala sa mga ito, aniya, mga bad influence ito para sa anak.
"Marami nang naiwang klase si Tala, kung hindi pa siya gigising baka bumagsak na naman siya," bulong ni Serenity sa katabing si Margarette.
"Yan pa talaga ang iniisip mo? Unahin mo muna ang grades mo, baka pareho kayong maiwan. At least si Tala excuse, eh, ikaw? Gising na gising pero parang natutulog din ang utak," balik pang-aasar ni Margarette sa kaibigan.
Serenity pouted. "Oh, anong gusto mong iparating? Magpapa-aksidente rin ako? Para macoma?"
Mahinang pinitik ni Margarette ang noo ni Serenity na agad sinimangutan ng babae. "Siraulo ka talaga. Baka matuluyan ka pa sa hina ng utak mo. Mag-aral ka kasi hindi lumandi sa asawa mo," she exclaimed.
"Nagsalita ang hindi malandi. Tsk." ani Serenity bago inirapan ang kaibigan. Inirapan lang din siya pabalik ni Margarette. Normal na para sa dalawa ang mag-asaran kaya hindi na nila iyon labis na dinadamdam.
Bumalik ang atensyon ng dalawa sa kay Tala na mahimbing na natutulog sa puting kama ng hospital. Samantalang, ang iba naman ay busy sa sari-sariling pinag-uusapan.
Bumaling ang tingin ni Serenity sa kanilang professor na si Oliver. Pinagmasdan niya itong mabuti hanggang sa napansin siya nito.
"May kailangan ka ba, Miss Alvarez?" tanong ni Oliver kay Serenity na estudyante niya.
Mabilis na umiling ang dalaga bago umiwas ng tingin. Naalala kasi nito ang nangyari bago ang aksidente. Nakita kasi nilang lahat ang pagtatalo ng dalawa, at maging ang paghalik ni Oliver kay Tala ay nasaksihan din nila. Naguguluhan siya kung bakit ginawa iyon ng professor nila, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya na baka tipo ni Oliver ang dalaga.
Lingid sa kaalaman ng lahat, inosente at hindi makabasag pinggan si Serenity, kaya gano'n na lamang ang pag-iisip niya sa lahat ng nakikita at napapansin niya. Kaya maging ang relasyon ng dalawa ay mahigit dalawang buwan na rin niyang iniisip.
"Hindi ba kayo papasok?" tanong ni Oliver makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Sabay-sabay siyang nilingon ng mga babae nang nagtataka. Nagkatinginan ang mga babae at walang naglakas loob na sumagot, hanggang sa nag-angat ng tingin si Genesis at tiningnan si Oliver.
"It's Saturday," malamig na sagot nito na kanina pa nakatayo at nakasandal sa pader malapit sa pinto.
Kanina pa rin ito tahimik, at dahil wala siyang nakakasundo sa mga babae ay madalas siyang dumidistansya sa mga ito. Hindi lang din siya makatanggi sa pinsang si Eloise kaya siya napilitang sumama.
"Oo nga pala. Sorry," Oliver said and smiled awkwardly.
Nang dahil sa pag-iisip ay madalas na nakakalimutan ng binata ang ilang mga bagay, at maging ang araw kaya agad siyang nahiya sa mga estudyante.
YOU ARE READING
✔ || The Walwalera (Part I)
ChickLitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
