CHAPTER 2
"Tala, gising!"
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbangon ko.
"Anong nangyari?! Nahimatay ba ako?!" sunod-sunod kong tanong habang inililibot ko ang mga mata ko. Naabutan kong nakatingin sa'kin lahat ng mga katabi ko.
Nahimatay ba talaga ako?
Sabi na, e. Dapat nag drop na ako noon pa, si Daddy kasi mapilit. Tsk.
Nagtataka na nakatingin sa'kin si Serenity, Margarette, at Anastasia, na sinagot ko lang ng nagtatanong na tingin. Ayaw kasi nila akong sagutin. Kaasar.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Anastasia nang hindi nagbabago ang ekspresyon niya. Sa wakas may nagsalita rin, pero hindi 'yon ang tanong ko. Nevermind.
"Ayan, katutulog mo 'yan!" pang-aasar naman na sabi ni Margarette na agad kong nilingon.
Tumaas ang isang kilay ko. "Natutulog ako?" pagkukumpirma ko pa sa mga narinig ko.
Hindi ko siya maintindihan. Paano ako matutulog, kagigising ko nga lang kasi ginising ako ni Serenity. Akala ko nga lumilindol pa, e. What is happening!
"Hindi ba halata? Mukhang nananaginip ka nga, e," ani Serenity.
Ibinaling ko naman ang mata ko sa katabi kong si Serenity. "Nananaginip ako?" pag-uulit ko habang unti-unting namimilog ang mata ko sa gulat.
"Lutang ka yata, e. Paulit-ulit?" sagot niya na hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
Unti-unti kong hinarap ang unahan, at wala doon iyong lalaki. Tila nakahinga ako ng maluwag nang napagtanto kong nananaginip nga ako.
Fuck! Ayaw yata talaga akong paalisin sa Engineering. Ano ba yan!
Nasapo ko na lang ang noo ko sa disappointment. Akala ko makakaalis na ako sa impyernong school na 'to. Hindi pa rin pala. Ayst.
Sumandal na lang ako sa aking upuan sabay pinag-cross ang aking braso sa may dibdib.
Ilang linggo ko na rin naman siyang napapanaginipan simula nang halikan ko siya sa labas ng bar, kaya hindi na bago sa'kin 'to. Pero sayang, sana hindi na lang panaginip 'yon. Baka magkaroon pa ako ng rason para makaalis dito.
Hindi na ako natulog. Baka bangungutin pa ako at tuluyan nang hindi magising. Gusto ko pa mabuhay 'no. Sayang ang ganda hindi mapaparami.
Bumalik na sa kan'ya-kan'ya nilang ginagawa ang mga katabi ko. Ewan ko ba bakit nag-aabala pa silang magsagot. Wala naman si Engr. Andra, tapos yung substitute teacher malamang magpapakilala lang 'yon.
Alam ko na lahat 'yan, sa limang taon ko ba naman sa industriyang 'to?! Duh!
Bukod sa'kin, may pito pang babae sa klaseng ito. Which mean walo kami, 'di ba ang galing ko sa math. Simple analysis!
Duh, si Tala kaya 'to.
Ewan ko sa mga babaeng 'to kung bakit nag Engineering sila, basta ang rason ko gusto ni Daddy. Kaya umaasa siyang makakapagtapos ako kahit limang taon na ako dito pero hindi pa rin nakakatapos ng second year.
Alam kong hindi ako bobo, sadyang ayaw ko lang mag-aral. Second honor kaya ako n'ong nursery, tapos valedictorian n'ong elementary, and of course --- nevermind! Tinamad na ako mag-isip, e.
Ilalabas ko sana ulit 'yong cellphone ko nang narinig kong nag-uusap si Serenity at Margarette sa tabi ko.
"10 minutes late na 'yong substitute teacher, p'wede na tayong umuwi kapag wala pa rin siya after 20 minutes."
ESTÁS LEYENDO
✔ || The Walwalera (Part I)
Chick-LitTala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delgado came, the substitute teacher in her class. Date Started: March 18, 2021 Date Ended: July 16, 20...
